Anu-ano nga ba ang mga gamit ng baby na dapat ihanda bago siya maipanganak? Alamin dito kung ano at gaano ba kahalaga ang mga ito para sa iyong sanggol.
Talaan ng Nilalaman
Mga gamit ng baby na dapat ihanda bago ang panganganak
Nung una akong nagbuntis, akala ko ay handang handa ako at ang dami ko nang alam, dahil lang nagmasid ako sa kapatid kong nakatatatanda na may dalawang anak na noon.
Sa huling trimester ko, saka pa lang ako pumasok sa isang baby store—at laking mangha at gulat ko sa dami pala ng tinitinda para sa kaliit-liitang sanggol.
Ang tanong ko noon: kailangan ko ba lahat ito? Aba’y wala yata akong budget para bilhin lahat ito? Bakit andaming iba’t ibang klase ng bote? Ng lampin? Ng kuna at stroller?
Wala akong naging gabay noon. Hinulaan ko lang at pinilit kong pagkasyahin sa budget ko. Kaya’t ang kinalabasan, napamahal pa rin ako dahil nagpabalik balik-din ako. Wala kasi akong listahan ng mga bagay na kailangan lamang ni baby.
Pagkaraan ng maraming taon, tatlong anak, maraming pamangkin, ilang apo sa pamangkin at pagiging guro sa isang nursery school, at mariing pagsasaliksik, ito ang listahan na sana ay makatulong sa mga bagong ina at magiging ina at ama, para mabawasan ang kaba at hindi na malito sa pagsa-shopping para sa pinakamamahal ninyong sanggol.
Nakalista ito sa aking suhestiyon na panahon ng pagbubuntis upang hindi malito o magmadali, sakaling malayo pa naman ang due date ng ina.
Mga gamit na kailangan ni baby, gaano ito kahalaga? | Image from Unsplash
Ito ang panahon ng pag-aayos ng kuwarto ni baby o nursery. Kung plano ninyong itabi sa baby sa inyong kuwarto sa unang mga buwan, iayos ang lugar o area ni baby sa panahong ng ikalawang trimester pa lang para nakakagalaw ka pa ng hindi delikado, sakaling mag-aayos ng gamit.
Mga gamit sa pagtulog
- Crib, mattress, kasama na ang beddings, linen at mattress protector
- Unan ni baby at para sa paligid ng krib (bumper) Sa unang buwan, hindi kailangan ni baby ng unan sa krib. Itabi muna ito. Sa kanyang paglaki ay kakailanganin ito, huwag lang masyadong madami para iwasan ang risk ng suffocation.
- Kumot na pambalot kay baby
- Kurtina na medyo makapal o madilim ang kulay. Para hindi masyadong maliwanag sakaling matutulog si baby sa araw.
- Baby Mobile. Nakakatulong sa sensory development ng isang sanggol ang baby mobile na nakasabit sa krib at may tugtog. Piliing mabuti ang mobile at siguraduhing hindi ito ang tipo na basta masisira at mahuhulog.
Gamit sa pagpapalit
Changing table, para hindi ka yuyuko at mas ma-e-enjoy ninyo ang pagpapalit ng lampin ni baby, dahil ito ang isa sa magiging madalas na bonding moment ninyong mag-ina, at pati na rin si Daddy.
Lampin
Maghanda ng telang lampin at disposable diapers. Kakailanganin mo ng lalagyan na maaaring isabit o itabi sa changing table. Maghanda ng iba’t ibang size ng diaper para sa inaasahang mabilis na paglaki ng sanggol.
Baby wipes
Mas maganda nga kung organic, at yung unbleached. Magtanong sa pedia at sa mga kapwa ina kung ano ang ligtas na brand.
Changing mat
Kung hindi pasok sa budget o hindi kasya sa kuwarto ang changing table, maaaring ito na lang ang gamitin. Ito rin ang ginamit ko, at inilalagay sa kama, sa sofa, at dala ko lagi sa Baby Bag kung lalabas ng bahay.
Para maiwasan o gamutin ang diaper rash. Karaniwang may nakahandang cream para kay Baby.
Bulak
Sa unang buwan, may nakababad na akong bulak (cotton balls) sa tubig na nilalagay sa isang tub na may takip. Ito, at hindi komersyal na baby wipes ang gamit ko dahil sensitibo pa ang puwit ni baby. Pinapalitan ko ito kada gamit o palit ng lampin. Maari ding gamitin sa pagpunas ng ilong o bibig ni baby.
Mga gamit na kailangan ni baby, gaano ito kahalaga? | Image from Unsplash
Mga gamit sa pagkain
Bote at iba’t ibang tsupon (teats) – Kahit ikaw ay magpapasuso, maghanda na rin ng mga feeding bottles para suporta o pampalit sakaling kailanganin. Sa paglaki din ni baby, kailangan niyang uminom ng tubig.
Pumili ng pangmatagalan, hindi yung mura nga pero masisira agad. Isama mo na rin sa listahan ang brush na panglinis ng bote at tsupon.
Maaari din namang ilagay sa bote, ngunit mas makakatipid sa lugar sa iyong refrigirator kung bag na takda para sa gata ng ina talaga ang gamit.
Para kay Mommy
Dahil minsan sadyang biglang tutulo ang gatas ng hindi mo namamalayan, lalo kung lalabas ka ng bahay. Mas mabuting may handang breast pads.
Gumamit lang ako ng karaniwang unan, pero kung may budget pa, may mga mabibili na sakto talaga para sa siko at braso ni mommy para hindi mangalay.
Hindi pa ito uso noon, pero maaari mong subukan. Gamit ito para sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant o mall, o kapag may party na pupuntahan. Bumili ka na din ng bra para sa pagpapasuso (nursing bra).
Iba pang gamit ng baby na dapat ihanda
Ihanda na rin ang malalaking gamit para sa pagpasyal ni baby: stroller, baby sling, carrier, car seat. Ito ang mga bagay na hindi kailangang bilhin.
Magtanong sa mga kapamilya kung may maipapasa sila sa iyo o mapapahiram.
Toiletries
Dito ay kabilang na ang tuwalya sabon, sponge at ilang laruan, baby oil, lotion o moisturizing cream, alkohol, nail clipper (pambata)
Kakailanganin ito para hindi ka mahirapan sa pagpapaligo kay baby. Sa tulong nito ay hindi na siya kailangang buhatin pa habang pinaliliguan. Mas safe para kay baby at mas magiging komportable at madali sayo mommy.
Baby monitor
Mahalaga ang baby monitor lalo pa’t may sariling kuwarto ang baby. Sa tulong nito ay mamomonitor mo siya habang gumagawa ng gawaing bahay o sa mga oras na hindi mo siya kasama.
Ito ang bag na dala-dala mo kahit saan ka magpunta kasama si baby, kaya’t kailangang malaki ngunit hindi mahirap bitbitin.
Mabuti ng maghanda nito para malaman kung nilalagnat si baby.
Panyo na pambata
Ito ay tinatawag ring Muslin cloth, na maaring gamiting panyo o burp cloth.
Musika para kay baby
Maaaring hindi ito gaaanong kahalaga para sa iba, pero dapat malaman na ang musika ay nakakatulong sa brain development ng isang sanggol, kahit na nasa sinapupunan pa ito.
Ihanda ang playlist para sa mga panahon ng pagtulog, pagpapasuso, at paglalaro ninyo ni baby. Marami nang mga mahahanap sa internet na klasikal o bersyon ng piano ng mga awit na kagigiliwan panigurado ni baby.
Ayan. Kung naihanda na ang lahat ng ito, handa ka na sa pagdating ni baby. Ito muna ang alalahanin sa unga anim na buwan. Ang paghahandang ito ay para mas mapagtuunan mo ng pansin ang iyong sanggol sa oras na sya’y ipanganak. Hindi ka malilito o magaatubili dahil naihanda mo na ang lahat ng kailangan.
Samantala, para naman sa mga dadalhin mo sa ospital para sa iyong panganganak ay mahalagang magkaroon ka rin ng checklist. Dahil kung hindi mo ito ihahanda ahead of time ay baka sa panganganak ni baby ay maiwan mo ang mga gamit na kailangan niya.
Sa panganganak ng newborn ito ang mga gamit ng baby na dapat ay nasa hospital bag mo na.
Gamit ng baby list na dapat ay nasa hospital bag na bago ang due date ng panganganak
- Baru-baruan ni baby – Damit na susuotin ni baby pagkapanganak niya at pag-uwi ng bahay.
- Receiving blanket – Ito ang ipambabalot kay baby para hindi siya lamigin sa mga unang oras ng buhay niya. Kung malamig ang panahon ay dapat maghanda ng makapal na blanket na puwedeng pagbalutan kay baby.
- Medyas ni baby – Ito ay proteksyon rin ng kaniyang paa mula sa lamig.
- Baby hat o sumbrero ni baby – Paniniwala ng matatanda, dahil malambot pa ang bumbunan ni baby ay mainam na lagi itong may takip at proteksyon. Sa tulong rin ng sumbrero ay hindi siya mahahamugan at maiiwas sa sipon.
- Newborn diapers – Sa panganganak kay baby ay dapat nakahanda na rin sa iyong hospital bag ang newborn diapers na isa sa mga mahalagang gamit ng baby. Dahil si baby sa unang mga oras ng kaniyang buhay ay agad na dudumi o maglalabas ng tinatawag na meconium o newborn poop. Kung mas prefer ang lampin kaysa diapers ay wala namang problema. Ang kailangan lang ay mayroon kang gamit na siguradong sasalo sa dumi ni baby.
- Baby car seat – Mas mainam na maghanda nito lalo na kung isasakay si baby sa kotse o anumang sasakyan pag-uwi niya sa inyong bahay. Sa ganitong paraan sa oras na aksidente ay masisigurong safe ang kinalalagyan ni baby. Makakatulong rin ito para hindi ka mahirapang buhat-buhat siya habang bumabyahe.
Syempre, maliban kay baby dapat ay nakahanda na rin mommy ang mga dadalhin mo sa ospital sa oras na ikaw ay manganak. Kabilang na dito ang mga importanteng dokumento na gaya ng ID o health insurance plan na pinaplano mong gamitin para sa iyong panganganak.
Image by user18526052 on Freepik
- Nightgown o bathrobe – Kailangan mo ang mga ito bilang iyong damit sa mga unang oras na maipapanganak si baby. Puwede rin naman ang paborito mong terno pajama. Bagamat sa pagpapasuso kay baby ay asahan mo ng malamang ay mahihirapan ka.
- Panty at bra – Mahalaga ang mga ito bilang pamalit mong underwear sa oras na manganak ka. Mas mainam kung magdala ng maraming pares nito. Para sa bra, imbes na regular na bra, ang dapat mong baunin ay ang nursing bra at breast pads kung ikaw ay magpapasuso.
- Slippers – Para makapaglakad at makapag-banyo kakailanganin mo ng tsinelas. Paniniwala pa ng matanda malaking tulong ito para hindi ka pasukin ng lamig na maaring maging dahilan ng pagkabinat mo.
- Medyas – Para iwas lamig, mabuti rin ang magdala ng medyas.
- Tali sa buhok – Asahan mo ng sa unang oras ng panganganak kay baby ay magiging nakakapawis at haggard. Kaya naman para looking neat ka parin at fresh, mas mabuting magdala ng tali sa iyong buhok. Makakatulong rin ito para maiwas ang iyong buhok sa sensitive pang balat ni baby.
- Toiletries – Para malinis parin kahit bagong panganak ay dapat huwag kalimutan ang iyong toiletries. Tulad nalang ng toothbrush, toothpaste, hair brush, lip balm, lotion, at deodorant.
- Komportableng damit – Huwag na huwag kalimutang magdala ng damit na susuotin mo pag-uwi. Ito ay dapat komportable at hangga’t maari ay maluwag para hindi ka mahirapang kumilos. Kung malayo ang byahe dapat isaalang-alang ang susuoting damit ay dapat hindi magiging hadlang sa iyong pagpapasuso.
Mayroon ka na ba ng ilan sa mga gamit ng baby na nabanggit? Kung wala pa ay mabuting unti-untiin mo na ang pamimili. Para naman sa pagdating ni baby ay ready ka na at hindi magiging stressful sayo ang unang mga oras ninyong magkasama.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!