Paano nga ba ang tamang pag-gamit ng baby car seat? Hindi maikakaila ang kahalagahan ng pag-gamit nito kung nagtra-travel kayong pamilya gamit ang kotse.
Isa na ata ang car accident sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga batang nasa edad 13 pababa. Karamihan sa mga ito ay kaya pa namang mapigilan lalo na kung gumagamit ng baby car seat ang mga magulang para sa kanilang anak.
Parents, sundin ang mga tips na ito para mapanatili ang kaligtasan ng iyong anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tamang pag-gamit ng baby car seat
- Payo mula sa ekspertong si Dr. Alisa Baer o mas kilala bilang The Car Seat Lady
- Tatlong pangunahing pagkakamali ng mga magulang sa pag-gamit ng baby car seat
Moms, dads, kailangan nating tandaan na importante ang tamang paggamit ng baby car seat. Marami-rami na rin ang gumagamit ng baby car seat ngunit hindi lahat ay ginagamit ito nang wasto.
Ayon sa isang pediatrician at mas kilala bilang The Car Seat Lady na si Dr. Alisa Baer, ang nagsabing, “Studies show that even for parents who are on their fourth kid, car seat installation is one of the few things that people tend not to get better at.”
Para sa kaligtasan ng iyong pamilya, narito ang sampung bagay na kailangang tandaan kapag ilalagay si baby sa car seat.
Pag-gamit ng baby car seat: 10 na tamang gabay para sa proteksyon ni baby
1. Panatilihing masikip ang straps
“Most kids are riding around with straps that are too loose,” babala ni Baer.
‘Wag nang alalahanin ang hinaing ng iyong anak na masikip ang kanilang strap. Mas mahalaga ang kanilang kaligtasan.
“If you’re going to jump out of an airplane with a parachute, you’re not going to think, ‘Oh, it’s snug! Let me loosen it!’” dagdag pa nito.
May pagkakatulad ito sa seat strap ng sasakyan.
Para masiguradong tama ang seat strap ng iyong sasakyan, maaaring panoorin ang video na ito.
Tandaan na kailangang mag-ingat sa paghubad ng makakapal na damit kapag maglalagay nito. Lumuluwag ang strap ng upuan ng sasakyan dahil sa makapal na suot na damit ng taong nakaupo rito. Kapag tinatanggal kasi ang damit katulad ng jacket, hindi na nagiging fit ang straps sa bata.
BASAHIN:
19 bagay na dapat mong malaman tungkol sa car seat law
5 things to consider when buying a car seat for your child
Best car seat: Top 7 baby car seats para masiguradong safe si baby when traveling
2. Panatilihing rear-facing ang car seat hangga’t puwede
Kadalasan, malilikot talaga ang mga bata at palipat-lipat ng upuan. Ang convertible car seat ay maaaring magamit sa paharap at patalikod na posisyon.
Kaya naman bilang mga magulang, kailangang malaman natin ang tamang posisyon ng car seat. Ano nga ba ang mas mainam?
Payo ni Baer na kailangang sanayin ng mga magulang na “rear position” ang kanilang anak hanggang sila ay mag dalawang taon.
Mayroong maling kuro-kuro ang pinaniniwalan ng ilan tungkol dito. Ang mga bata umano ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng leg injury kapag sila ay naka rear-facing position o yung nakaharap sa backrest ng kanilang inuupuan.
Ang dahilan? Ito ay maaaring maipit ang kanilang paa sa backrest ng upuan.
Ngunit hindi ganito lagi ang kaso. Paglilinaw ni Baer, mas mataas ang tyansa na magkaroon ng leg injury ang mga batang nakaharap ang position. Ito ay dahil mas may pagkakataong maipit ang kanilang paa sa upuang nasa harap nila na siyang umaatras kapag may aksidente.
“The leg injuries we see when a child is rear-facing are usually due to a direct impact from the intruding vehicle. At that point, it doesn’t matter which way your child is facing,” dagdag pa ni Baer.
Paggamit ng baby car seat | Image from File photo
3. Panatilihin ang kanilang proteksyon sa bawat posisyon
Darating sa punto na masyado nang matangkad ang bata para sa rear-facing position kaya maaari na siyang iharap.
Payo ni Baer, “The goal now that we’ve turned your child forward, which makes their brain and spine less safe than when they were rear-facing is to keep them as safe as we can.”
Kadalasan, mayroong tether strap ang isang upuan kapag paharap ang posisyon para mapanatili ang security ng batang nakaupo rito. Ang tether ay may kakayahang i-secure ang tuktok na bahagi ng iyong sasakyan. Kung hindi mo alam kung saan mahahanap ang top tether anchor ng iyong sasakyan, maaaring basahin ang manual ng kotse o maglaan ng oras para mag research.
May ibang kotse na mayroon nito. Mayroon namang iba na wala.
“Forward-facing protection is greatly enhanced by the tether.” Dagdag pa ni Baer na, “It decreases how far the child’s head moves in a crash by at least four to six inches. When you factor in that most seats are too loose, that can mean a difference of 12 inches or more.”
4. ‘Wag agad gumamit o itigil ang pag-gamit ng booster seat
Sa pagsapit ng apat na taong gulang ng iyong anak, may kakayahan na itong umupo ng maayos. Hindi naka-slouch, nakatagilid o naglalaro ng seatbelt.
Ngunit para kay Baer, kinakailangang at least 6 years old ang iyong anak para gumamit ng booster seat.
Para naman sa mga magulang na maagang inaalis ang booster ng kanilang anak, narito ang kaniyang payo.
“The goal of a booster is to keep the belt property positioned on a child’s body, specifically so the lap belt stays in position on the child’s lower hips during a crash.”
Paglilinaw ni Baer, ang mga injury ng bata na walang booster seat ay hindi naman nakamamatay kapag nagkaroon ng aksidente. Pero ito ay banta pa rin sa kanilang buhay. Injury sa spinal cord ang maaaring mangyari na nagiging dahilan ng paralysis. Kasama na rito ang injury sa bladder at bowel.
Maaaring pigilan ito sa pamamagitan ng five-step test para masiguradong kailangan pa ba ng iyong anak ng booster seat o hindi na. Puwede na rin namang tanggalin ang booster seat kung sampung taon pataas na ang iyong anak.
Hindi pinapayuhan ang front-facing sa mga batang wala pang dalawang taong gulang | Pag-gamit ng baby car seat | Image from File photo
5. Siguraduhing naka-seat belt ang lahat
Mahalaga ang seat belt hindi lang sa bata kundi pati na rin sa mga matatanda. Mapoprotektahan nito ang bawat isa kung may mangyari mang aksidente sa daan.
“Studies show that if an adult rides in the back without a buckle, the other people in the car are up to three times more likely to die in the same crash because the unbuckled adult is now a human missile.”
6. Ipasuri sa isang trained technician ang upuan ng bata
Ang serbisyong ito ay maaaring hindi matatagpuan lagi. Ngunit siguraduhin na ipasuri ang child car seat ng iyong anak sa isang trained expert. Maaari ring pakiusapan ang pinagbilhan ng iyong kotse para suriin ito.
O kaya naman ay bisitahin ang seatcheck.org para sa iba pang impormasyon.
7. Ang center seat ay ang safe spot para sa mga bata
Hangga’t maayos at secured na nakaupo ang iyong anak, ang gitnang bahagi ng upuan ang pinakaligtas na spot para sa kanila. Ito ay dahil kapag nagkaroon ng crash, ang center seat at hindi direktang maaapektuhan ng front seat.
Kaya naman tandaan, sa gitnang bahagi ng sasakyan i-puwesto ang upuan ng iyong baby.
8. ‘WAG gumamit ng cellphone habang nagmamaneho
Nilagay nga natin sa tamang pwesto ang ating mga anak, pero paano kung hindi naman nag-iingat sa aksidente ang nagmamaneho?
“We’re not going to make a dent in fatalities until we decrease distracted driving,”
Dagdag pa ni Baer, “We have an obligation to make sure not only our children, but everyone else’s children are safe on the road.”
Paggamit ng baby car seat | Image from Unsplash
9. Naluluma ang car seat, kailangan itong palitan
Ayon kay Baer, ang mga car seat ay gawa sa plastic na sa paglipas ng panahon ay nagiging malutong. Kaya naman kailangan ng matibay na upuan para maprotektahan ang sarili sa aksidente.
Kung alam mong luma na ang iyong sasakyan, ‘wag mag dalawang isip na suriin ang bawat parte nito katulad ng interior. Kung kailangang palitan, palitan agad ito. May kamahalan pero mas mahalaga ang kaligtasan ng bawat isa.
10. Palitan ang car seat pagkatapos ng aksidente
Pagkatapos ng isang aksidente, na-absorb na ng upuan ng kotse ang matinding force galing sa impact ng naturang insidente.
Karamihan sa mga manufacturers ng sasakyan ay inaabisong palitan agad ang upuan pagkatapos ng aksidente. Ito man ay minor lamang o malaki. May ilang upuan na mayroong “minor crash protocol”, makikita ito sa website ni Baer.
Tamang pag-gamit ng baby car seat
Narito ang tatlong pangunahing pagkakamali ng mga magulang kapag nilalagay nila sa car seat ang kanilang anak.
- Hindi mahigpit ang car seat sa kotse
- Hindi secured ang bata sa inuupuang car seat
- Mga batang tumigil agad sa paggamit ng baby car seat o booster seat.
Kung papanatilihin ang pagiging ma-ingat at pagsasagawa ng ilang bagay na katuald nito, maaaring maprotektahan natin sa injury o kamatayan ang ating mahal sa buhay. Kailangan ng matinding effort para mapanatili ang kaligtasan ng pamilya.
Maaaring i-follow si Dr. Alisa Baer ng The Car Seat Lady sa kaniyang Facebook, Twitter, and Instagram.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!