Sumasakit ba ang iyong puson at minsan hindi ka na talaga makalakad at o makagalaw ng maayos dahil rito? Narito ang mga gamot sa sakit ng puson na maaari mong gawin para maibsan o mawala ang pananakit ng iyong puson.
Mga maaaring sanhi sa sakit ng puson
Upang malaman ng doktor kung ano ba ang maaaring sanhi ng sakit ng puson, maaaring i-review ng doktor ang iyong medical history at mag-perform ng isang physical exam, kagaya ng pelvic exam.
Habang isinasagawa ang pelvic exam, titignan ng doktor kung mayroon bang abnormalidad sa iyong reproductive organs o kaya naman titignan niya kung may mga senyales ng impeksyon sa iyong reproductive organ.
Kung ang suspetsya ng iyong doktor ay disorder mula sa iyong reproductive organ na nagdudulot ng pananakit ng iyong puson maaari niyang irekomenda ang mga sumusunod:
Ang test na ito ay gumagamit ng sound wave upang maglikha ng isang imahe ng iyong uterus, cervix, fallopian tubes at ovaries.
2. Iba pang imaging test.
Maaaring magsagawa ng CT scan o kaya naman MRI scan para magkapagbigay ng iba pang detalye sa kalagayan ng iyong reproductive organ, na makakatulong sa iyong doktor na makakuha ng proper diagnosis sa iyong kundisyon.
Ang pag-combine sa CT scan at X-ray images mula sa pagkuha nito ng iba’t ibang angulo sa reproductive organ ay makakapagbigay ng cross-sectional images ng mga buto, organ, at iba pang soft tissues sa iyong katawan.
Samantala, ang MRI naman ay gumagamit ng radio waves at powerful na magnetic field para makapag-produce ng detailed images ng mga internal structure sa katawan.
Ang parehas na test ay non-invasice at painless.
3. Laparoscopy.
Kahit na hindi naman ito kadalasang ginagawa para magkaroon ng diagnosis sa menstrual cramps. Ang laparoscopy ay makakatulong upang ma-detect ang mga underlying condition. Katulad na lamang ng endometriosis, adhesions, fibroids, ovarian cysts, at ectopic pregnancy.
Habang ginagawa ang outpatient surgery na ito, ang iyong doktor ay titignan ang abdominal cavity at reproductive organs mo, sa pamamagitan ng maliit ng hiwa o incisions sa iyong abdomen o puson at magpapasok ng fiber-optic na tube na may maliit na camera lens.
Gamot sa sakit ng puson
Ang pananakit ng puson o menstrual cramps tuwing darating ang buwanang dalaw ay normal para sa marami sa ating mga babae. Paliwanag ng siyensa, ito ay dulot ng pagko-contract ng muscles sa ating matris upang maalis ang lining na nabuo sa ating uterus.
May iba sa ating nakakaranas ng mild discomfort o pain dahil rito. Habang may ilan naman ang nakakaranas ng labis na pananakit na maaari pang sabayan ng pagkahilo at pagsusuka.
Bagama’t, wala pang paliwanag kung bakit sobra ang pananakit ng puson ng ilang babae sa tuwing magkakaregla, may ilang factors ang iniuugnay kung bakit ito nararanasan.
Maaaring ito ay dahil masyadong malakas ang menstrual flow ng isang babae dahil pasimula pa lang ang kaniyang regla. Nagkakaroon ng over production ng hormone na prostaglandins sa matris.
O kaya naman ay dahil sa kondisyon na kung tawagin ay endometriosis o ang pagkakaroon ng abnormal growth ng uterine tissue.
Kung ang sanhi ng menstrual cramps ay dulot ng isang disorder katulad ng endometriosis o fibroid, ang surgery ang maaaring lunas dito upang maayos ang problema o pananakit ng iyong puson.
Maaari ring maging option ang pagtanggal sa iyong uterus kapag hindi na talaga nag-i-improve ang iyong kundisyon at hindi ka naman nagpaplanong magkaroon ng anak.
Ano pa man ang dahilan ng pananakit ng iyong puson sa tuwing may regla, may mga paraan naman na maaaring gawin sa inyong bahay upang maibsan ito. Ito ay ang sumusunod:
1. Uminom ng mga over-the-counter medications.
Ang mga inirerekumendang gamot na maaaring inumin upang maibsan ang pananakit ng puson ay ang ibuprofen at naproxen. Sa tulong ng mga gamot na ito’y nababawasan ang produksyon ng prostaglandin sa katawan at ganoon din ang pananakit ng puson na dulot nito.
Pero mas mainam pa rin na uminom ng gamot na may reseta ng inyong doktor. Kaya naman masa magandang magpakonsulta sa doktor lalo na kapag sumasakit ang inyong puson na nagdadala na talaga ng matinding discomfort sa inyo.
2. Pag-inom ng oral birth control
Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang pag-inom ng oral birth control pills na may taglay na hormones na nagpe-prevent ng ovulation at upang mabawasan ang tindi ng pananakit ng puson.
Ang hormones na ito ay maaari ma-deliver o mailagay sa pamamagitan ng iba pang anyo, katulad ng injection, skin patch, implant na inilalagay sa ilalim ng iyong balat sa iyong braso, flexible ring na ilalagay sa loob ng iyong pwerta o vagina, o kaya naman isang intrauterine device (IUD).
3. Uminom ng mas maraming tubig.
Ang pagiging bloated ng tiyan ay nakakadadagdag ng pananakit ng puson sa tuwing may buwanang dalaw. Kaya naman para maibsan ito, makakatulong ang pag-inom ng mas maraming tubig upang madagdagan ang blood flow sa katawan at ma-relax ang ating muscles. Mas mainam nga kung ang iinuming tubig ay mainit o kaya naman ay maligamgam.
Maaari ring kumain ng mga water-based foods tulad ng sumusunod:
- lettuce
- celery
- cucumbers
- watermelon
- berries tulad ng strawberries, blueberries, at raspberries
4. Gumamit ng heat patch.
Ayon sa isang pag-aaral, epektibong gamot sa sakit ng puson ang paggamit ng heat patch na may temperaturang 104°F o 40°C para sa ilang babae. Maliban nga sakit ng puson ay maiibsan din nito ang pananakit ng likod dulot pa rin ng menstruation.
Kung walang heating pad sa bahay ay maaaring maligo sa maligamgam na tubig. O kaya naman ay maglublob ng towel sa maligamgam na tubig at saka ilagay sa iyong puson.
Ang mga herbal teas gaya ng chamomile, cinnamon at ginger ay nagtataglay ng anti-inflammatory properties at antispasmodic compounds na nakakatulong upang maibsan ang muscles spasms sa uterus na nagdudulot ng pananakit. Maliban dito, ang mga ito’y nakakatulong din upang maibsan ang stress at hirap sa pagtulog.
6. Masahiin ang puson gamit ang mga essential oils.
Ayon sa isang pag-aaral, ang pagmamasahe sa puson habang may regla ay nakakatulong upang maibsan ang pananakit nito. Ang kailangan lang ay gagawin ito sa loob ng 20 minuto at sa tulong ng mga essential oils para mas ma-relax ang pakiramdam mo.
7. Kumain ng mga anti-inflammatory foods.
Ang mga anti-inflammatory foods ay nakakatulong upang ma-promote ang blood flow sa ating uterus at ma-relax ito. Ilan nga sa mga anti-inflammatory foods na sinasabing gamot sa sakit ng puson ay ang kamatis, pinya, maberdeng gulay at fatty fish tulad ng salmon. Makakatulong rin ang mga pampalasa o spices gaya ng turmeric, bawang at luya.
8. Iwasan ang ilang pagkaing mas makakapagsakit pa ng iyong puson.
Kung may mga pagkaing nakakatulong upang maibsan ang pananakit ng puson, may mga pagkain ding maaaring mas magpalala pa rito. Ito ay ang mga pagkaing maaaring makapagdulot ng bloating o water retention. Ito ay ang sumusunod:
- fatty foods
- alcohol
- carbonated beverages
- caffeine
- sweet and salty foods
9. Uminom ng mga dietary supplements.
Ang vitamin D, omega-3, vitamin E at magnesium ay nakakatulong upang maibsan ang inflammation sa katawan. Kaya naman nakakatulong ang mga ito upang maiwasan rin na mas maging masakit ang puson sa tuwing may regla.
Mas magiging effective nga ito kung iinumin araw-araw at hindi lang sa tuwing may buwanang dalaw. Ngunit bago gawin ito, humingi muna ng pahintulot ng iyong doktor.
10. Mag-exercise.
Ang pag-iexercise ay nakakatulong para mag-release ng endorphins ang ating katawan. Sa pamamagitan nito narerelaks ang ating muscles at naiibsan ang pananakit na ating nararanasan. Subalit dapat ang gagawing exercise ay gentle lang. Ang mga halimbawa nito na maaaring gawin ay ang yoga, stretching at paglalakad-lakad.
11. Iwasang ma-stress.
Mas pinapalala ng stress ang cramping o pananakit ng puson na nararanasan tuwing may regla. Kaya naman dapat ay iwasan ito. Gumamit ng mga stress relief techniques tulad ng pagme-meditate, yoga at deep breathing.
12. Pag-o-orgasm.
Tulad ng exercise, ang pag-o-orgasm ay nagre-release rin ng maraming endorphins sa katawan na nakakatulong upang maibsan ang pananakit na nararanasan. Nakakatulong din ito upang maging maayos ang iyong pakiramdam at ma-relax ang iyong katawan.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa gamot sa sakit ng puson dulot ng regla. Kung ang nararanasang pananakit ng puson ay labis na nakakaapekto sa iyong pangaraw-araw na buhay at aktibidad ay mainam na magpatingin na sa duktor upang maliwanagan sa iyong kondisyon.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!