Hindi maikakaila na mahal na ang pagpapakasal ngayon. Marami na kasing nauusong pakulo katulad ng same-day edit na video, prenuptial photo shoot, save the date photo shoot, at regalo sa magiging asawa bago magkita sa altar. Sa Pilipinas, ang karaniwang gastos sa kasal ay PHP350,000 pataas.
Dahil sa mga bridal magasin at social media, maraming may gusto ng mala-fairytale na kasal. At sa tingin ng madami, ang magarang kasal ay nagpapahiwatig nang masayang relasyon ng mag-asawa.
Noong 1959, inirerekomenda ng mga bridal magasin na maglaan ng dalawang buwan para sa pagpaplano ng kasal. Pagdating sa 1990s, ang inirerekomenda na oras para sa pagpaplano ay lumaki sa isang buong taon. Ngayon, minsan kailangan ng at least dalawang taon bago ma-book ang mga sikat na simbahan! Hindi pa kasama dito ang venue at ang iba’t ibang sikat na suppliers.
Ngunit ayon sa isang bagong pananaliksik, sinasabi na kapag mas malaki at magarbo ang kasal, mas malaki ang chance na maghiwalay ng mag-asawa.
Ano ang epekto ng gastos sa kasal sa buhay mag-asawa?
Nakita ng mga tagapagsaliksik na ang laki ng gastos sa kasal at engagement ring ay may kaugnayan sa probabilidad ng diborsyo. Ayon sa mga propesor ng ekonomika na si Andrew Francis-Tan at Hugo M. Mialon, tuwing mas malaki ang gastos sa engagement ring, mas malaki ang posibilidad ng paghihiwalay—lalo na pag umaabot ng higit sa US$2,000 (mga PHP100,000) ang singsing na ito.
Totoo rin ito pagdating sa mga kasalan. Ang mga kasal na may halaga nang mas mababa sa US$1,000 (mga PHP50,000) ay may mas maliit ng posibilidad ng paghihiwalay. Sa mga kasal na may halaga na mas higit pa sa US$20,000 (mga PHP1 million), lumalaki ang posibilidad ng paghihiwalay nang 1.6 na beses!
May isa pang katangian na may epekto sa pagdiborsyo: ang pagbibigay-halaga sa hitsura.
“Ang pag-amin na importante ang hitsura ng kanilang partner ay mas malaki ang chance na mag-divorce,” sabi ni Mialon sa The Independent.
Ngunit hindi lahat ng gastusin sa pag-aasawa ay may masamang epekto sa katagalan ng relasyon.
Ayon sa mga tagapagsaliksik, pag mas madami ang mga bisita ng bagong mag-asawa, mas tumatagal ang kanilang relasyon. Ang paggastos sa honeymoon ay nagpapahaba din ng relasyong mag-asawa.
Kaya sa halip ng paggasta sa singsing o sa kasal, mas kapaki-pakinabang pa ang pagtipid para sa magandang bakasyon
At kaya din ninyong magkaroon ng magandang kasal na hindi kamahalan. Alamin kung paano dito: Top tips for getting married on a tight budget
Source: Social Science Research Network, The Independent
Basahin: Gaano dapat katagal maging magkasintahan bago magpakasal?
Photo: Syd Sujuaan on Unsplash
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!