X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Babala: May sakit na puwedeng makuha sa mall playground

3 min read

Matapos ipa-check up ang kaniyang anak, uuwi na sana sina Mommy Madelyn Bercasio Gurango at ang kaniyang baby boy ngunit naisip niya na bigyan ng reward ang anak niya dahil naging maganda ang resulta ng check-up nito. Nawala na ang ubo at sipon ng bata, at tumaas pa ang timbang nito. Dinala niya ang kaniyang anak sa isang playground sa kalapit na mall. Subalit ang masayang experience sana na ito para sa kaniyang chikiting ay naging bangungot para sa kanilang pamilya dahil nakasagap si baby ng Hand Foot and Mouth Disease sa palaruan!

Simula ng sintomas

Isang araw matapos pumunta sa mall playground, tumawag ang nanay ni Mommy Madelyn sa kaniyang opisina upang ipaalam na nilalagnat ang kaniyang baby. Pagka-uwi niya, nadatnan niya ang kaniyang anak na suka nang suka at may mataas na lagnat. Binantayan niya ito nang magdamag. Kinabukasan ay bumuti na ang lagay ng bata ngunit mag mga nagsilabasan na rashes mula sa paa nito paakyat hanggang bibig.

Nag-desisyon na si Mommy Madelyn na dalihin sa opsital ang kaniyang chikiting. Unang tingin pa lamang daw ng duktor sa palad at talampakan ng bata, nag-suspetya na agad ito na Hand Foot and Mouth Disease ang sakit ng bata.

Hand foot and mouth disease

Ang hand foot and mouth disease o HFMD ay lubos na nakakahawang viral infection na karaniwang nakukuha ng mga baby at mga batang 5 taon pababa. Naipapasa ito sa pamamagitan ng direktang kontak sa discharge ng ilong o lalamunan, laway, fluid galing sa paltos, o dumi ng infected na bata.

Bagaman hindi ito nakamamatay, lubos naman itong nagdadala ng discomfort sa nahahawa rito dahil sa mga singaw, rashes, at sugat. Walang gamot para sa Hand Foot and Mouth Disease. Maaari lamang maibsan ang sakit gamit ang over-the-counter drugs para sa sakit at mga throat and mouth sprays para sa singaw.

Ang mga karaniwang unang sintomas nito ay:

  • Lagnat
  • Walang ganang kumain
  • Sore throat
  • Masamang pakiramdam

Nasusundan ito ng mga sintomas katulad ng:

  • Masasakit na singaw o ulcers sa bibig, lalamunan, at dila
  • Rashes o paltos sa mga palad, talampakan o puwet
  • Pagsusuka at pagtatae

Paano maiiwasan

Kasalukuyang walang bakuna laban sa Hand foot and mouth disease. Ngunit may mga simpleng paraan na maaaring gawin upang hindi magkahawaan ang mga bata sa bahay, paaralan, o mga pampublikong lugar.

  • Parating maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, mas lalo na kung galing sa banyo, matapos magpalit ng diapers, at bago kumain. Kung hindi makakapaghugas ng kamay, gumamit ng alkohol o hand sanitizers.
  • Linisan at i-disinfect ang mga lugar at mga gamit na karaniwang ginagamit ng mga bata para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Maaari kasing mabuhay ang virus sa mga lugar o bagay na ito kahit ilang araw na ang nakalipas.
  • Turuan ng tamang pangangalagang pangkalusugan ang bata. Paalalahanan na kung bakit hindi rapat isinusubo ang mga kamay o mga gamit.
  • Lumayo muna sa mga batang apektado ng HFMD. Huwag gamitin ang kanilang mga kubyertos o baso.

Para sa lubos na kaalaman sa sakit na ito, basahin ang artikulo na ito.

Partner Stories
Trust the doctor: Water like no other, care like mother’s
Trust the doctor: Water like no other, care like mother’s
Pain pain go away: 4 possible reasons why you have achy joints
Pain pain go away: 4 possible reasons why you have achy joints
Money management tips to keep your finances on track
Money management tips to keep your finances on track
Calling all McDonald’s fans: Time to show off your #FeelGoodFeelSafe dance moves!
Calling all McDonald’s fans: Time to show off your #FeelGoodFeelSafe dance moves!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga sakit
  • /
  • Babala: May sakit na puwedeng makuha sa mall playground
Share:
  • Hand, foot, and mouth disease, inakalang bulutong ng mga doktor

    Hand, foot, and mouth disease, inakalang bulutong ng mga doktor

  • 7 na sintomas ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) at paraan para makaiwas dito

    7 na sintomas ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) at paraan para makaiwas dito

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Hand, foot, and mouth disease, inakalang bulutong ng mga doktor

    Hand, foot, and mouth disease, inakalang bulutong ng mga doktor

  • 7 na sintomas ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) at paraan para makaiwas dito

    7 na sintomas ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) at paraan para makaiwas dito

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.