Karaniwan na ang pagiging househusband ng maraming mister sa ating panahon ngayon. Isa na nga rito ang househusband ni Mommy Kristine. Alamin ang kanilang kwento.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan kung bakit si Mommy Kristine sa kaniyang househusband
- Mga karanasan nila ng kanilang househusband
Proud ako sa househusband ko!
Para sa ibang tao pag sinabi mong “walang trababo yung asawa ko, sa bahay siya”, unang pumapasok sa isip nila, “ah batugan”.
Madali lang naman talagang humusga at naiintindihan ko sila. Pero sana yung pagmamahal, respeto, pagkabilib natin sa mga housewives, ganon din ang ibigay natin sa mga househusbands. Kasi may kaniyang-kaniya kuwento sa likod ng kanilang mga sakripisyo at desisyon.
Larawan mula sa author
Wala talagang mapag-iiwanan ng baby namin. Kaya isa lang sa amin ang puwede at dapat mag sakripisyo. Nag-usap kaming mabuti, tinimbang ang mga bagay-bagay.
Mas mataas yung posisyon at mas malaki suweldo ni husband kaysa sa akin, pero sinakripisyo at isanantabi niya muna ang pangarap niya para magbigay daan para sa pangarap ko.
Mas inisip niya ang kapakanan ko kaysa sa sarili niya. Inisip niya na baka mas marihapan akong makabalik sa trabaho kung ako ang hihinto. Baka ma-depress ako kung ako ang maiiwan sa bahay. Konti na lang umano malapit na akong mapromote.
Lahat ng dahilan niya para sa ikabubuti ko.
Thankful ako kasi maliban sa mga sinabi niyang dahilan sa akin, kinalimutan niya din iyong tinatawag na “ego” ng mga lalaki.
Yes, si husband ang nasa bahay habang ako nag tratrabaho sa labas. And yes, hindi siya batugan kasi siya ang lahat gumagawa ng trabaho sa bahay.
Mag alaga-ng bata, maglinis, magluto, magplantsa, at maglaba. Hindi lang si baby at bahay namin pati ako inaasikaso ni househusband. Pagdating ko galing trabaho lalo na ngayong pandemic siya ang nag disinfect lahat ng gamit ko tulad ng sapatos, bag at face shield.
BASAHIN:
Bati na kayo? 10 things na HINDI dapat gawin after niyong mag-away ng asawa mo
4 bagay na dapat gawin para hindi maging monster wife ang asawa mo
5 na dapat gawin kung ayaw talagang magbago ng ugali ng asawa mo
Larawan mula sa author
Ang towel ko ay naka-ready na sa comfort room para diresto na ako sa pagligo. Sa umaga gigising siya ng maaga para magluto ng kakain ko for breakfast at lunch na babaunin ko.
Halos wala na po akong ginagawa sa bahay. Ang gusto niya kapag nasa bahay na ako mag bonding na lang kami ng baby namin. Nang dumating sa punto na na-stop ang pagpapadede ko sa baby namin, sa madaling araw si househusband ang gumigising para mag timpla ng gatas at isasabay na rin niya ang pagpalit ng diaper. Siya na lang daw para maging kumpleto ang tulog ko.
Here’s the link of the video that captured the hearts of the netizen.
3:30am gising na siya para mag prepare ng breakfast and food na babaunin ko for work. Habang nasa work ako, siya ang nagpapaligo, nagpapakain, nagpapatulog sa hapon sa anak namin, playmate din po sila.
Aside sa pagluluto ng pagkain namin, siya din ang naglilinis ng bahay, namamalengke, nag babudget, nag paplantsa, ang tupuin naming damit hindi po tumatagal ng 1 araw pag tuyo na po tinutupi na po niya agad.
Hindi ko lang siya househusband, kaibigan ko din siya at critic, nagbibigay ng lakas ng loob sa akin sa tuwing nawawalan ako ng tiwala sa sarili. Nagsasabi sakin pag may mali sa ginawa ko. Siya din stress reliever ko sa tuwing may problema at pagod ako sa work. Sinusuportahan niya rin ako sa pangarap ko.
Huwag din maliitin dahil quality din ang trabaho niya. Ang paglinis ay malinis talaga. Bawat hibla ng buhok ay nakikita niya iyon at hindi nakakalusot.
Sobrang saludo ako sa asawa ko, wala akong masabi. Kaya never kong pinamukha sa kaniya na ako nag-aakyat ng pera sa bahay. Never kong inalis sa asawa ko na siya ang head of the family, kinukonsulta ko pa rin ang lahat sa kaniya. Nirerespeto ko siya. Hindi rin niya ako kinakalimutang i-date kahit sa bahay lang.
Larawan mula sa author
Mahirap kapag isa lang ang nagtratrabaho, may mga panahon na kulang talaga, pero ika nga nila God provides. Kinakaya namin kasi magkasama kami sa lahat ng desisyon namin.
Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ang ganitong set-up namin pero madami po akong natutunan sa sitwasyon namin.
Larawan mula sa author
Couples have to make decisions that work for them. Income and childcare responsibilities don’t need to be assigned by gender. And we are all living in 2021, role reversal or untraditional roles no longer a big deal. It surely works for couples who have mutual understanding, open communication and appreciation of the value of compromise.
Para po sa lahat ng househusbands, saludo po ako sa inyo. Lahat po ng sakripisyo, pag aasikaso at pag mamahal na binibigay niyo para sa pamilya ay talagang pinagpapasalamat namin.
Hindi po biro ang desisyon na ginawa niyo at hindi niyo dapat ikahiya ang pagiging househusband dahil marangal po yan. Being a househusband or housewife is one of the toughest but most important jobs on planet earth. Be proud!
Please show some respect to all househusband.
Tungkol sa May-akda
Si Mommy Tin ay 31 years old, turning 3 years old na ang kanilang anak sa August. Mahigit 2 years ng househusband ang asawa niya, isang bank employee at aspiring mommy blogger sa
“The House with my Husband”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!