X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Judy Ann Santos sa gadget rules: "Hindi puwedeng mag-games, hindi puwedeng mag-YouTube, nothing.”

3 min read
Judy Ann Santos sa gadget rules: "Hindi puwedeng mag-games, hindi puwedeng mag-YouTube, nothing.”Judy Ann Santos sa gadget rules: "Hindi puwedeng mag-games, hindi puwedeng mag-YouTube, nothing.”

Hinahayaan ni Judy Ann Santos ang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna na gumamit ng gadgets, pero mino-monitor ang mga website na kanilang kini-click.

Posible nga ba na maging gadget-free ang mga bata sa panahong ito? Ayon sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo hindi na maiiwasan na hindi humawak ng mga gadgets ang mga bata ngayon tulad ng laptop, tablet, o cellphone. Kung kaya't naisip ng mag-asawa imbes na ilayo ang gadgets sa kanilang mga anak, ang magandang approach na lang nila ay turuan ang mga ito na gumamit ng gadget ng tama.

Ni-revise ni Juday ang gadget rules ng kanyang mga anak

Noong taong 2016, ang mga anak ni Judy Ann na sina Yohan at Lucho ay pinayagan ng gumamit ng iPad para sa kanilang mga research lamang.

Mariing sinabi ng aktres, "Hindi puwedeng mag-games, hindi puwedeng mag-YouTube, nothing. So they always research on something and they have to learn something from that research.”

At ngayon ngang 2019, may kaunting pagbabago sa gadget rules nila Juday at Ry.

Gadget rule para kay Lucho

Ngayong walong taong gulang na ang anak nilang si Lucho, pwede na siyang manood ng mga bidyo na interesado siya.

Kwento ni Juday, "I know naman, all sites, ang pinapanood naman niya ay football and funny videos... I check their history, e."

Gadget rule para sa bunsong si Luna

Nakakakuha naman ng mga dalawang oras ng screen time araw-araw ang bunso niyang si Luna, pero sinisigurado ni Juday na mayroon pa rin siyang activities na hindi nire-require ang paggamit ng gadgets.

"With Luna, one hour in the morning, one hour in the afternoon... Naka-filter yung YouTube Kids. But in between those hours, she needs to complete a task in a writing booklet or reading booklet. Basta hindi tablet," pahayag ni Judy Ann.

Dagdag niya, "Dapat may iba siyang activity ginagawa na hindi konektado sa gadget at all. It's either I bring her to the kitchen, tulungan niya ako magluto. Punta kami sa dollhouse niya o mag-trampoline kami. Basta something hindi talaga konektado."

More devices para sa panganay na si Yohan

Paliwanag ng drama actress, "She's high school already and she's using my iPad para rin makita ko. Kapag may research siya, she can bring my laptop in her room, use it with her tutor. After nun, kailangan niya ibaba sa dining table yung laptop para hindi siya magkapag-research ng kahit na ano, lalo na during weekdays kasi may pasok sila.”

Ang labing-apat na taong gulang na teenager na si Yohan ay hindi pa pwedeng magkaroon ng kahit anong social media account hanggang wala pa siya sa legal na edad na 18.

Striktong sinusunod ang gadget rules

"There are content in this social media thing na baka ikakagulat mo, 'tapos hindi ka pa ready for your age," sambit ni Juday.

Strikto naman daw na sinusunod ng kanyang tatlong anak ang gadget rules nila.

Aniya nga, "In fairness naman sa mga anak namin, we're blessed to have kids that are very obedient. Hindi mahirap pagsabihan, hindi sila mahirap bigyan ng rules kasi they listen."

 

Source: PEP.ph

Basahin: Juday at Ryan: Tips sa pag-travel kasama ang mga bata

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Judy Ann Santos sa gadget rules: "Hindi puwedeng mag-games, hindi puwedeng mag-YouTube, nothing.”
Share:
  • Juday at Ryan: Tips sa pag-travel kasama ang mga bata

    Juday at Ryan: Tips sa pag-travel kasama ang mga bata

  • Ryan Agoncillo: Hindi lahat ng luxury, kailangan ipa-experience sa mga bata

    Ryan Agoncillo: Hindi lahat ng luxury, kailangan ipa-experience sa mga bata

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • Juday at Ryan: Tips sa pag-travel kasama ang mga bata

    Juday at Ryan: Tips sa pag-travel kasama ang mga bata

  • Ryan Agoncillo: Hindi lahat ng luxury, kailangan ipa-experience sa mga bata

    Ryan Agoncillo: Hindi lahat ng luxury, kailangan ipa-experience sa mga bata

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.