X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping

Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

7 min read
Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulangAnong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

Green, yellow, red at black - ilan lamang ito sa mga kulay ng dumi na mapapansin sa mga sanggol. Pero bakit nga ba nagiiba-iba ang kulay ng kanilang dumi? Alamin sa tulong ng ultimate guide na ito.

Narito kung ano ang ibig sabihin ng kulay ng dumi ng baby at kung kailan maaaring palatandaan na ito ng isang sakit na kaniyang nararanasan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang ibig sabihin ng kulay ng dumi ng baby?
  • Ano ang dahilan kung bakit nagiiba-iba ang kulay ng dumi ng baby.
  • Kailan dapat hindi isawalang bahala ang kulay ng kaniyang dumi.

Ano ang ibig sabihin ng kulay ng dumi ng baby?

Kapag tayong mga babae ay naging isang ganap na magulang na, lahat parang gusto nating malaman tungkol sa ating anak. Tulad na lamang sa kung normal ba ang timbang at laki niya sa kaniyang edad.

Ano ba dapat ang pagkain na pinapakain sa kaniya na mas magsisiguro na siya ay malusog?  Malamang ay napansin mo rin na naiiba-iba ang kulay ng dumi ng iyong sanggol. Naitanong mo rin siguro sa iyong sarili na bakit ito nangyayari o ano kaya ang ibig sabihin nito?

Sa tulong ng artikulong ito ay matutulungan ka naming masagot ang mga katanungan mong ito. Mabibigyan ka nito ng kaalaman sa kung ano ang ibig sabihin ng kulay ng dumi ng baby at ang mga dahilan kung bakit naiiba-iba ang kulay ng kaniyang dumi.

1. Black

Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

Sa pagsilang ng iyong sanggol ay mapapansin mong kulay itim ang una niyang dumi. Ang substance na ito ay tinatawag na meconium. Ito ay gawa sa skin cells, mucus at amniotic fluid na kaniyang nakakain noong siya ay nasa loob pa lamang ng iyong sinapupunan.

Bagama't ito ay kulay itim, walang dapat ipag-alala dito. Sapagkat sa ito naman ay mawawala makalipas ang ilang araw.

Isa pang dahilan kung bakit nagiging maitim naman ang dumi ng isang sanggol ay maaaring dahil sa may dugo ito. Pero bago ka magpanic, mabuting malaman mo na maaaring sa 'yo nagmula ang dugong ito. Ito ay maaaring galing sa nagsugat o crack mong nipples na nag-aadjust palang sa pagpapasuso.

Kung ikaw ay first-time mom at bago sa pagpapasuso, dapat ay siguraduhin mo na nagla-latch ng maayos si baby. Sapagkat ang poor latching at maling posisyon sa pagpapasuso ang mga pangunahing dahilan kung bakit namamaga ang utong at nagkakaroon ng dugo ang breastmilk.

Para mabigyan ng sapat na kaalaman sa pagpapasuso ay makipag-usap sa isang lactation consultant. Makakatulong siya para maturuan ka sa tamang posisyon ng pagpapasuso ng iyong anak. Pero kung talagang nag-aalala ka sa itim na dumi ni baby ay mabuti ring magpakonsulta na agad sa doktor.

Huling dahilan kung bakit nagiging itim ang dumi ni baby ay dahil sa iron. Kaya kung binibigyan mo siya ng iron supplements ay asahan na ang maitim o kulay dark green na dumi. Pero kung hindi naman siya nagte-take ng iron supplement, mabuting i-check agad sa kaniyang pediatrician ang tunay na dahilan nito.

2. Mustard Yellow

Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

Kung exclusively breastfed si baby, huwag mabigla kung ang kulay ng kaniyang dumi ay parang cream cheese na manilaw-nilaw. Sa katunayan ay mukha pa nga itong dumi na para siyang nagtatae. Pero kung hindi siya nilalagnat at hindi irritable, walang dapat ipag-alala.

Ang mga dumi ng mga breasfed baby ay mukhang nakakadiri kung titingnan pero hindi mabaho. Mapapansin din na ito ay may shade ng kulay ng pagkain na huli mong kinain. Kunyare kung ikaw ay kumain ng spinach, asahan na ang mga greenish yellow na dumi ni baby.

3. Yellow Brown

Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

Kung formula-fed naman si baby ay huwag na magtaka kung ang dumi niya ay kulay yellow brown na ang texture ay parang sa peanut butter. Ito rin ay mas mabaho kumpara sa mga breastfed babies. Ito rin ay maaaring mabago-bago na nasa brown color spectrum pa rin. Maaaring ito ay mag-green brown, yellow-brown o tan-brown.

4. White

Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

Ang kulay puting dumi ay napaka-unusual. Dahil ang kulay ng dumi ng sanggol ay nakukuha niya sa apdo. Ang kawalan ng apdo ay maaaring magresulta sa chalky white na dumi.

Kaya naman mas mabuting dalhin na agad si baby sa doktor sa oras na mapansin na kulay puti ang dumi niya. Dahil ito ay maaaring indikasyon na siya ay may gallbladder o liver problem.

BASAHIN:

Ano ang dapat gawin kapag nagtatae ang bata?

Pagtatae ng Baby: Mga Dapat Gawin Kapag May Yellow Watery Poop Si Baby

Dumi ng baby, pwedeng magsabi kung gaano siya magiging katalino

5. Red

Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

Ang duming may bahid ng kulay pula ay walang alinlangang may dugo. Maliban nalang kung siya ay napakain ng maraming beetroot o iba pang pagkain na may mamula-mulang kulay.

Partner Stories
A mom’s responsibility: Getting vaccinated for her children
A mom’s responsibility: Getting vaccinated for her children
Clearing The Air About Colds
Clearing The Air About Colds
Fever Care Tips We Learned From Our Moms
Fever Care Tips We Learned From Our Moms
The Secret to Faster Fever Recovery
The Secret to Faster Fever Recovery

Bago magpanic, isa pang dahilan kung bakit nagkukulay pula o may dugo ang dumi ng sanggol ay dahil rin sa breastmilk mong nasuso niya na may dugo. Tulad ng nauna ng nabanggit ito ay maaaring nagmula sa nagsugat mong nipples dahil sa maling pagpapasuso.

Kaya naman mas mabuting makipag-usap na agad sa isang lactation consultant upang maisaayos ito. O kaya naman ay ipakonsulta na si baby sa doktor para makasigurado.

Sapagkat ang duming may dugo ay maaaring dahil rin sa allergy, bacterial infections o kaya naman ay may sugat na siya sa butas ng puwit dulot ng constipation.

6. Bright green at frothy

kulay ng dumi ng baby

Kung parang lumot ang kulay ng dumi ng baby ay malamang dahil ito sa foremilk na nakukuha niya ng mas marami kaysa sa hindmilk.

Ang foremilk ay ang low-calorie, thirst-quenching milk na nauuna niyang nakukuha sa simula ng pagpapasuso. Habang ang hindmilk naman ay ang nakakabusog at high calorie milk na mula sa breastmilk.

Kaya naman kung ang dumi ni baby ay kulay green at parang lumot, palatandaan ito na hindi siya nakakasuso ng maayos o sapat sa kada suso mo. Para maitama ito ay hayaan siyang magpatuloy sumuso, sa suso o breast kung saan siya huling natapos.

7. Watery yellow, green o brown

Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

Kung ang sanggol ay nagtatae o may diarrhea, ang kaniyang dumi ay lamang na mas matubig kaysa sa solid. Ito rin ay kulay dilaw, green o brown na madalas na umaapaw pa sa diapers ng sanggol.

Ang mga palatandaang ito ay dapat hindi basta-basta binabalewala. Sapagkat sa ang pagtatae ay maaring mauwi sa dehydration. Kung hindi agad maagapan, ito ay maaaring mauwi sa impeksyon o allergy. Kaya naman mas mabuting dalhin agad si baby sa doktor.

8. Multi-colored

Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

May maliit na piraso ng carrots na kulay bright orange sa dumi ni baby? O kaya naman ay kulay green na piraso ng green pea? Huwag masyadong mag-alala! Ito ay nangyayari dahil may mga pagkain na hindi pa kayang i-digest ng tiyan ni baby. Kaya naman makakatulong na bigyan siya ng mga pagkaing mas mabilis niyang malulunok o matutunaw agad sa kaniyang tiyan.

Pero kung ang semi-digested food sa dumi ni baby ay napapadalas, mas mainam na dalhin na agad siya sa doktor para matingnan. Ito ay para masiguro na ang kaniyang mga intestines sa tiyan ay nagpa-function ng maayos.

9.  Dark brown

kulay ng dumi ng baby

Ang dark brown na kulay ng dumi ay nangangahulugan na si baby ay nagsisimula na sa pagkain ng mga solid foods. Ang pagbabagong ito sa kulay ng kaniyang dumi ay normal. Lalo na kung siya ay exclusively breastfed sa mga nauna niyang mga buwan.

Ang mga solid food poop ay mas soft at pulpy. Mas makapal ito kung titingnan sa peanut butter at may mas mabahong amoy.

Sana ay mas naliwanagan ka na sa ngayon tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng kulay ng dumi ng baby at kailan ka dapat mag-alala o mag-relax lang muna dahil sa ito ay palatandaan lang ng development o kaya naman ay dahil lang sa pagkaing nakain niya.

Muling nailathala na may pahintulot mula sa theAsianParent Singapore. At isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz para sa the theAsianparent Philippines.

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Irish Mae Manlapaz

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Health
  • /
  • Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang
Share:
  • Dumi ng baby, pwedeng magsabi kung gaano siya magiging katalino

    Dumi ng baby, pwedeng magsabi kung gaano siya magiging katalino

  • Iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito

    Iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • Dumi ng baby, pwedeng magsabi kung gaano siya magiging katalino

    Dumi ng baby, pwedeng magsabi kung gaano siya magiging katalino

  • Iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito

    Iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pag-aalaga ng baby at kanilang kalusugan.