X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

10-buwan baby nagkaroon ng meningitis galing sa shopping cart

2 min read
10-buwan baby nagkaroon ng meningitis galing sa shopping cart

Hinala ng ina, galing raw sa maduming shopping cart ang bacteria na naka-infect sa kaniyang anak, na naging dahilan upang ito ay magkaroon ng meningitis

Isang 10-buwang gulang na sanggol ang muntik nang mamatay matapos siyang magkaroon ng sakit na meningitis mula sa maduming shopping cart. 

Ating alamin ang mga detalye ng insidente, at kung ano ang magagawa ng mga magulang upang makaiwas sa ganitong sakit.

Maduming shopping cart, muntik nang ikamatay ng sanggol

Ayon sa inang si Vivienne Wardrop, malusog raw ang kaniyang anak na si Logan isang araw bago ito dapuan ng matinding sakit. Malikot raw ang kaniyang 10 buwang gulang na anak, at wala naman raw sintomas ng sakit.

Ngunit sa loob ng 24 oras ay mabilis na nagbago ang kondisyon ni Logan. Nagsimula raw siyang magtae, at pagkatapos ay nakaranas ng mataas na lagnat at pagsusuka.

Dali-dali niyang dinala ang anak sa ospital, ngunit kahit naka-confine ay humihina pa rin ang kaniyang anak. Dahil dito, nagdesisyon na siyang dalhin ang anak sa mas malaking ospital, upang mas mabantayan at magamot ang kaniyang anak.

Noong una ay hindi pa alam ng mga doktor kung ano ang sakit ni Logan. Sinubukan nila ang iba’t-ibang mga test, ngunit hindi nila ma-identify kung ano ang sakit ng bata. Ngunit pinilit pa rin nilang gamutin si Logan.

Sobrang tindi raw ng dehydration ni Logan, nagsasara na raw ang kaniyang mga ugat kapag sinusubukang lagyan ng karayom. Bagama’t mahirap, umaasa pa rin si Vivienne na gagaling ang kaniyang anak.

Napag-alaman ng mga doktor na nagkaroon si Logan ng meningitis, isang matinding bacterial infection.

Pinag-iingat ni Vivienne ang ibang mga ina mula sa ganitong sakit

Ayon sa mga doktor, posible raw na nakuha ni Logan ang sakit nang magpunta sila sa supermarket. Ito ay dahil sinabi ni Vivienne na wala naman raw silang ibang lugar na pinuntahan na posibleng pinagmulan ng impeksyon.

Matapos ang 10 araw sa ospital ay gumaling na sa wakas si Logan. Bagama’t magaling na, aabutin pa raw ng 2 linggo bago bumalik sa dati ang kaniyang sigla.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Dahil sa nangyari, inuudyok ni Vivienne na maging maingat ang mga magulang sa mga lugar na kanilang pinupuntahan. At kung maaari, siguraduhing malinis ang mga lugar na inuupuan ng kanilang mga anak, upang makaiwas sa mga ganitong klaseng impeksyon. 

Source: Meningitis.com

Basahin: Meningitis: 10 facts tungkol sa sakit na ito

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 10-buwan baby nagkaroon ng meningitis galing sa shopping cart
Share:
  • 5-anyos pinaglaruan ang cellphone ng mommy, nag-order ng mahigit P5,000 sa Shoppee!

    5-anyos pinaglaruan ang cellphone ng mommy, nag-order ng mahigit P5,000 sa Shoppee!

  • Sanggol patay matapos mahawa sa sakit na meningitis

    Sanggol patay matapos mahawa sa sakit na meningitis

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 5-anyos pinaglaruan ang cellphone ng mommy, nag-order ng mahigit P5,000 sa Shoppee!

    5-anyos pinaglaruan ang cellphone ng mommy, nag-order ng mahigit P5,000 sa Shoppee!

  • Sanggol patay matapos mahawa sa sakit na meningitis

    Sanggol patay matapos mahawa sa sakit na meningitis

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.