Ano nga ba ang epekto ng isolation sa mental health ng mga bata?
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto ng kalungkutan o loneliness sa mga bata
- Paraan para masuportahan at matulungan ang mga bata sa kanilang mental health
Maraming dahilan kung bakit nararamdaman ng mga bata ang kalungkutan, maaaring sa hindi pagkakaintindihan sa loob ng tahanan, pagtatalo nila at kaniyang kaibigan, pakiramdam na hindi sila belong o kabahagi sa eskuwelahan, hindi nakasama sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, at mahaba pa ang listahan ng mga dahilan. Bilang mga magulang gusto nating masigurado na ang ating mga anak ay hindi makaramdam ng pagiging alone o ng kalungkutan. Lalo na sa ating mundo na walang kasiguruhan.
Sa nararanasan nga nating pandemic ngayon, maraming ipinagbawal at nilimitahan na kinakailangan nating matanggap, katulad ng biglaang isolation ng ating mga anak mula sa kanilang mga kaibigan at paboritong lugar ay maaaring magdulot ng labis na kalungkutan para sa kanila.
Isang pag-aaral ang isinagawa ng The Journal of the American Academy of Child and Adolescent Psychiatry na nailathala ng Elsevier, ay nagbigay ng babala patungkol sa pakiramdam ng kalungkutan sa mga bata ay maaaring magdulot ng hindi magandang mental health ng mga bata.
Larawan mula sa iStock
Ang epekto ng kalungkutan o loneliness sa mga bata
Natuklasan ng mga mananaliksik ang potensyal na kaugnayan sa pagitan ng mga lonely na bata at ang kanilang mental health state. Sa pamamagitan ng data mula sa 60 na pag-aaral patungkol sa isolation, loneliness at mental health ng mga bata o kabataan na may edad na 4 na taong gulang hanggang 21 na taong gulang.
Nalaman nila ang mga batang nakakaranas ng loneliness o kalungkutan; nagpapakita sila ng mga sintomas ng mental illness kapag sila’y lumaki katulad ng depresyon o anxiety.
BASAHIN:
Epekto ng lockdown sa mental health ng mga bata
Importanteng maalagaan ang iyong mental health sa panahon ng COVID-19
5 paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media
Sinabi ni Dr. Maria Loades, pangunahin awtor ng pag-aaral na,
“This rapid review of what is known about loneliness and its impact on mental health in children and young people found that loneliness is associated with both depression and anxiety. This occurs when studies measured both loneliness and mental health at the same point in time; when loneliness was measured separately; and when depression and anxiety were measured subsequently, up to 9 years later,” said Dr Maria Loades, lead author of the study.”
Napapakita sa kanilang pag-aaral na ang mga batang lonely o nakakaranas ng kalungkutan ay tatlong beses na mataas ang tiyansa na magkaroon ng depresyon. Maaari rin umano itong magtagal ng ilang taon kapag sila’y lumaki. Natuklasan din nila na maaari sanhi ito ng tagal o haba ng kanilang loneliness o kulungkutan kaysa sa tindi o intensity nito.
Larawan mula sa iStock
Ano ang magagawa natin para makatulong?
Makakatulong umano ang parerekonek nila sa kanilang mga kaibigan. Ang pagkakaroon ng social interactions sa ibang tao bukod sa kanilang pamilya. Malaki ang tulong nito upang mapababa ang kalungkutan o loneliness na nararamdaman ng kabataan. Samakatuwid, para maiwasan ang pag-develop ng problema sa mental health ng mga bata makatutulong ito.
Kahit na matapos ang isolation, may ilan pa ring mga bata ang nahihirapang makabalik sa kanilang social life. Patuloy pa rin na nag-i-struggle sa kanilang kalungkutan.
Larawan mula sa iStock
Ayon kay Dr. Loades,
“It’s key that children and young people are allowed to return to activities such as playing together. Even if outdoors, as soon as possible, and that they are able to resume attending school. Which gives them a structure for their day, and provides them with opportunities to see peers and to get support from adults outside of the nuclear family.”
Payo ni Dr. Loades upang matulungan at masuportahan ang mga bata sa kanilang mental health . Sinabi neighing data na “”the government target children’s wellbeing in public health messaging.” Dagdag pa niya ang pagkontak o pakonek sa ibang tao sa pamamagitan ng teknolohiya ay lubos na makakatulong sa kanila.
Ang dagdag pang suporta mula sa mga paaralan ay makakatulong upang mabawasan ang kanilang mga pangamba. Patungkol sa pagbabalik sa pag-aaralan at pakikipag-ugnayan o interact sa kaniyang mga peers.
Para naman sa mga bata at young adults na nakakaranas ng mental illness. Katulad ng anxiety o depresyon sa panahon ng isolation, huwag kayong matakot na humingi ng tulong. Maski mula sa inyong pamilya, kaibigan o professional help,, ang suporta ay laging naririyan para sa iyo.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Marhiel Garrote
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!