X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mom warns: "Nalapnos ang balat ng anak ko matapos mabanlian ng mainit na gravy"

4 min read

Hindi lang nakaranas ng severe burns o pagkalapnos sa balat ang isang batang nabanlian ng mainit na gravy. Ayon sa kaniyang ina, ang bata na-trauma rin dahil sa nangyari sa kaniya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng batang nabanlian ng mainit na gravy.
  • First aid na dapat gawin sa oras na mapaso ang iyong anak.

Batang nabanlian ng mainit na gravy

nabanlian ng mainit

Ang mga maliliit na bata ay normal na curios at mahilig makialam ng lahat na bagay na makukukot nila. Tulad nang nangyari sa isang magdadalawang taong bata na binukadkad ang dalang plastic bag ng kaniyang ina.

Ang plastic bag naglalaman ng mashed potato gravy na binili ng kaniyang ina sa isang restaurant. Ito ay aksidenteng nabuksan at natumba ng bata.

Kaya ang mainit na laman nito ay tumapon sa kaniya. Matapos ang aksidente ay nalapnos ang balat sa kamay, binti, paa pati na ang kaniyang mukha.

Pero maliban sa lapnos at paso na nakuha, ayon sa ina ng bata ito ay nagkaroon din ng trauma. Takot na rin umano itong humawak at sumubo ng maiinit na pagkain.

Ang bata ay na-ospital ng higit sa limang araw dahil sa nangyaring aksidente. Siya ay binigyan ng antibiotics para mapabilis ang paggaling ng mga sugat niya.

Ang nangyari sa bata ay ibinahagi ng kaniyang ina sa social media. Ito ay upang magbigay warning at paalala sa iba pang mga magulang na dapat ay mas maging maingat para maiwasang mangyari sa ibang bata ang nangyari sa anak niya.

Ano ang dapat gawin sa oras na ma-expose sa mainit na bagay ang isang bata?

Sa oras na ma-expose sa mainit na bagay ang iyong anak ay may mga hakbang na maaaring gawin para maagapang hindi lumala ang impact o injury nito sa balat niya. Ang mga hakbang na ito ay ang sumusunod:

1. Hugasan ang napasong balat ng running tap water.

Kung nakahawak ng mainit na object o bagay ay dapat ilublob sa normal temperature tap water ang kamay sa loob ng 5 hanggang 10 minuto.

Kung malaking bahagi naman ng katawan ang napaso ay maaaring paupuin ang bata sa harap ng shower. Doon ay hayaang mabasa ng tubig mula sa shower ang napasong bahagi ng katawan ng hanggang sa 20 minuto. O kaya naman hanggang sa mawala ang sakit na dulot ng pagkakapaso.

nabanlian ng mainit

2. Alisin ang damit na na-exposed sa mainit na bagay o likido.

Kung ang mainit na likido o pagkain ay natapon sa damit ng bata ay mahalagang maalis o maihubad agad ang damit na suot niya. Ganoon din ang iba pang kasuotan tulad ng alahas o diapers na maaaring sipsipin ang init at mas lalong magdulot ng injury sa kaniyang balat.

Madalas ang hakbang na ito ay nalilimutang gawin ng mga magulang na natataranta. Kaya naman ang heat source na nagmula sa natapong pagkain o likido ay hindi naalis sa katawan ng bata. Ang resulta mas lumala ang injury na dulot sa kaniya ng aksidente.

3. Iwasan ang mga weird tips.

Malamang narinig mo na dapat lagyan ng toothpaste, toyo o harina ang balat sa oras na ito ay napaso. Ang mga tips na ito ay maaring applicable sa maliliit na paso.

Pero kung ang paso ay malaki at nangyari sa isang bata ay mabuting iwasan itong gawin. Dalhin agad siya sa doktor, matapos gawin ang dalawang naunang tips para makasigurado.

4. Agad na magpunta sa doktor.

nabanlian ng mainit

Ang mga mild at maliliit na paso ay madalas na gumagaling ng ilang araw o linggo. Ito ay nakadepende sa lalim o lala ng paso.

Sa oras na makitang namamaga ang sugat na dulot ng paso, namumula, lumalaki o pinagmumulan ng masamang amoy ay mabuting agad na pumunta sa doktor. Dahil ang mga ito ay posibleng palatandaan na ng impeksyon.

5. Huwag puputukin ang mga paltos na dulot ng paso.

Makalipas ang ilang araw ay maaring ang pamumula dulot ng paso ay magkaroon ng maliliit na paltos. Ang mga ito ay hindi dapat putukin.

Sa halip, lagyan lang ng antiseptic at takpan o ibalot ng non-stick bandage. Dahil kung ito ay iyong puputukin ay maaring pagmulan pa ito ng mas malalang impeksyon.

Iwasan rin ang paglalagay ng lotion, powders at paggawa ng iba pang tips na sinasabing nakakagamot ng paso. Mas mabuting kumonsulta sa doktor kung labis na nag-aalala o nababahala sa kondisyon ng anak upang makasigurado.

Ang artikulong ito ay orihinal na nailathala sa the Asianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianParent

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mom warns: "Nalapnos ang balat ng anak ko matapos mabanlian ng mainit na gravy"
Share:
  • 17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

    17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

  • Mga dapat malaman at tips sa pagpapalaki ng isang anak

    Mga dapat malaman at tips sa pagpapalaki ng isang anak

  • Communication susi raw para malaman ang personality ng iyong asawa

    Communication susi raw para malaman ang personality ng iyong asawa

  • 17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

    17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

  • Mga dapat malaman at tips sa pagpapalaki ng isang anak

    Mga dapat malaman at tips sa pagpapalaki ng isang anak

  • Communication susi raw para malaman ang personality ng iyong asawa

    Communication susi raw para malaman ang personality ng iyong asawa

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.