May warning ang Food and Drug Administration (FDA) para sa mga parents. Ayon sa ahensya, delikado ang neck floats for baby.
Mga mababa sa artikulong ito:
- FDA warns parents about neck floats for baby
- Safety tips during bath time ni baby
FDA warns parents about neck floats for baby
Larawan kuha mula sa Pexels
Pinapagamit niyo rin ba ng neck floats ang inyong babies sa tuwing sila ay lumalangoy? Ang neck floats ay isang inflatable ring na sinusuot sa pagitan ng leeg ng bata upang hayaang lumutang siya sa tubig nang hindi nalulunod.
May mga nagbebenta nito na marketed kahit pa 2 weeks old pa lang ang baby maging sa mga batang may disabilities o developmental delays. Karaniwan naman ginagamit ito ng parents at caregivers habang lumalangoy ang bata bilang umano physical therapy tool.
Sa kabila ng pagiging sikat nito at marami ang tumatangkilik, nagbigay naman ng warning ang United States Food and Drug Administration hinggil sa paggamit nito. Sa kanilang opisyal na website ay sinabi nilang ang paggamit ng neck floats for baby ay maaaring mag-lead sa serious injury at malala pa ay pagkamatay,
“The U.S. Food and Drug Administration (FDA) is warning parents, caregivers, and health care providers not to use neck floats with babies for water therapy interventions, especially with babies who have developmental delays or special needs, such as spina bifida, spinal muscular atrophy (SMA) type 1, Down syndrome, or cerebral palsy. The use of these products can lead to death or serious injury.”
Pinabulaanan na rin ng FDA ang sabi-sabing nakatutulong ito para sa mga batang may disabilities at developmental delays.
“The safety and effectiveness of neck floats to build strength, to promote motor development or as a physical therapy tool, have not been established.”
Larawan kuha ni Juan Salamanca mula sa Pexels
Kasama raw sa mga aksidenteng nakukuha sa paggamit ng neck floats at pagkamatay. Ito raw ay dahil sa pagkalunod, injury, suffocation dahil sa sikip ng neck floats na nakatapat sa leeg ng mga baby. Mas mataas daw ang chance na magkaroon ng serious injury ang batang mayroong special needs.
“The FDA is aware of one baby who died and one baby who was hospitalized related to the use of baby neck floats. In both cases the babies were injured when their caregivers were not directly monitoring them.”
Sa ngayon daw ay patuloy ang kanilang monitoring para sa mga kumpanyang nagbebenta ng neck floats for baby. Tinitignan daw nila ang mga nagbebenta nito at sinasabing therapy tool ito para sa bata nang walang approval mula sa ahensya.
Ang babala ng US FDA ay kasunod ng insidente kung saan isang baby ang nasawi habang gumagamit ng neck floats. Isang kaso naman ang na-injure ang baby at kinailangang dalhin sa ospital.
Safety tips during bath time ni baby
Larawan kuha mula sa Pexels
Magkahalong excitement at kaba nga naman ang pagpapaligo sa mga sanggol. Kinakailangan kasi ng doble ingat para sa kanila.
Para matulungan ang parents, especially sa mga first-timers, narito ang ilang tips para safe ang bath time ni baby:
- Huwag na huwag iiwanan ang baby sa pagligo – Kahit pa saglit lang ‘yan, isang minuto o mas mababa pa, hindi dapat iniiwanan ang bata sa pagligo. Ang sobrang iksing panahon kasi na malingat ka ay maaaring mag-lead na into accident. Tandaan na wala pang kakayahan ang anak mo na malaman at mag-respond sa mga emergency situation.
- Parating i-check ang water temperature – Dapat na nasa pagitan ng 37°C at 38°C ang bata bago ito ilagay sa tubig. Hindi dapat sobrang mainit o malamig ang tubig upang makaiwas sila sa sakit at pagkapaso.
- Ihanda na ang lahat ng kailangan bago pa man simulan ang bath time – Para hindi nalilingat, bago pa man magsimula sa bath time, siguraduhin nang kumpleto ang gamit. Dapat ay nakahanda na ang towel, damit, sabon, at iba pang kinakailangan ni baby.
- Panatilihin ang 5 hanggang 10 minutong pagpapaligo – Sapat na ang ganitong panahon para sa bath time ni baby. Ang labis kasing oras ay maaaring magdulot na makakuha ng sakit tulad ng ubo at sipon. Matapos ang bath time, siguraduhing tatanggalin din ang tubig na ginamit sa pagpapaligo.
- Umiwas sa lahat ng distractions – I-turn off ang phones o anumang mobile devices na maaaring makapag-distract sa iyo kay baby. Kahit kasi simple lang ang distractions ay pwede ring makapag-cause ng kaliwa’t kanang aksidente.
- Maglagay lamang ng tamang amount ng tubig – Para sa kanyang washing at play, ang tubig na dapat nakalagay ay belly-button height niya lamang. Ito ay upang maiwasan ang pagkalunod.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!