X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#MomTips: "Tinuruan kong uminom sa baso ang 1-year old ko para hindi masira ang ngipin niya"

4 min read
#MomTips: "Tinuruan kong uminom sa baso ang 1-year old ko para hindi masira ang ngipin niya"

Nagbigay ang mommy na ito ng tips kung paano ang teknik niya upang ang pag inom ng gatas ng kaniyang anak ay sa baso na mula sa bote.

Formula-fed ang panganay ko ngunit nang tumuntong siya ng 1 taon ay inilipat ko na siya sa baso at hindi na muli dumede sa bote.

May nabasa kasi ako tungkol rito, ito raw ay upang maiwasan ang maagang pagkasira ng ngipin at nakakatulong din sa iba pang cognitive development nila.

Napatunayan ko ngayong 2 taon na ang aking anak ito. Dahil hanggang ngayon ay buo at kumpleto pa rin ang kanyang mga ngipin. Gusto kong  ibahagi kung paano ko inilipat sa baso ang anak ko sa mabisang pamamaraan.

Mula bottle-fed papunta sa pag-inom ng gatas sa baso

Tulad ng ibang nanay o magulang na may anak na formula fed ay hirap din ako sa araw-araw na paghuhugas ng sangkatutak na bote. Sa kabuuan nga, siyam na piraso ang kaniyang bote noon, kasama pa ang takalan at lalagyan ng gatas.

Dahil mahilig din ako magbasa-basa ay nagkataong nabasa ko ang isang post ni Dr. Zane, pediatrician tungkol sa discontinuing bottle feeding kaya naman nagkaroon na ko kaagad ng ideya kung ano ang balak kong gawin pagtungtong niya ng 1 taong gulang.

pag inom ng gatas

Ito ang link ng guide post ng isang pedia kung saan ko ito nabasa at nakatulong talaga ito sa amin ng malaki.

Palibhasa ay marunong ng uminom ng tubig sa baso ang anak ko ay naisip ko na baka kaya na rin niya uminom ng gatas sa baso. Sa madaling sabi,  sinubukan ko na agad ito sa aking anak ko nang padahan-dahan.

Noong una ay sa umaga ko lang ito ginagawa at wala namang kahirap-hirap dahil nakita ko sa anak ko na talagang willing siyang gawin ito. Kapag naman nga tinimplahan ko siya ay mauubos niya rin ito sa isang upuan lang at saka naman niya bibitawan ang baso niya kapag tapos niya siyang uminom ng gatas.

Hanggang sa sinubukan ko na rin ito tuwing gabi. Nagigising siya at binibigkas ang “Mommy milk” at ako naman ay agad nang babangon upang magtimpla.

Kapag naitimpla ko na ay gagabayan ko siya sa kanyang pag-upo habang ako ay nasa likuran niya. Sapagat inaantok pa siya, kailangan talagang may nakaalalay sa kaniya. Pagkatapos ay babalik na ulit siya sa kaniyang pagtulog.

pag inom ng gatas

BASAHIN:

Bottle-fed o dumedede si baby sa bote? Ito ang mga palatandaan na overfed na siya at epekto nito sa kaniya

Gaano ba dapat kadalas ang pag-feed kay baby? Ito ang feeding schedule ng 0 to 1 year old

3 ways to sterilize your Baby’s feeding bottles

Sa kabuuan ay humihingi siya ng gatas sa umaga pagkagising, bago matulog sa hapon, bago matulog sa gabi at ilan pa sa hating gabi at madaling araw.

Masaya ako na paglipas ng ilang buwan ay nasanay rin naman siya sa pag-inom ng gatas sa baso. Isa itong milestone unlocked para sa akin.

Nakakatuwa pa rito dahil wala akong ginamit na espesyal na baso. Kung hindi kung ano lang rin ang baso na ginagamit namin ay ‘yon lang rin ang basong pinagtitimplahan ko ng kanyang gatas.

pag inom ng gatas

Ngunit kung balak mo naman siya bilhan ng basong may disenyo ay maigi rin ito upang mas maengganyo siyang uminom dito.

Ang saya sa part ko bilang nanay na maraming nakakapansin sa anak ko lalo na sa ngipin niya. Sapagkat ngayong siya ay 2 years old and 5 months na ay buo pa rin ang kanyang mga ngipin.

Takot rin kasi ako na baka matulad siya sa ngipin ko at sa Daddy niya na gumagamit na ng dentures. Samantala, kung maraming nabilib sa anak ko ay hindi maiiwasan na may ilan-ilan din namang napataas ang kilay. Dahil inaalala nila na baka naiistorbo ang pagtulog ng anak ko sa gabi.

Mga naging benepisyo para sa amin ng anak ko sa ganitong set-up

Ngunit sa isip ko alam kong mas madaming magiging benepisyo ito para sa kanya. Ito ang ilan sa mga benepisyo nito:

  • maiiwasan ang maagang pagkabulok ng ngipin na napatunayan ko na.
  • maiiwasan ang luga sa tenga.
  • para ma-ensayo ang hand-mouth coordination ni baby
  • maiiwasan din ang pagkasamid dahil nakaupo silang umiinom at hindi nakahiga.

Ang masasabi ko lang ay sa huli tayo pa rin ang nakakakilala at nakakaalam sa anak natin. Kung kaya na nilang simulan ang isang bagay mapa transition to cup man ‘yan, potty training at marami pang iba.

Pero hindi natin ito malalaman kung hindi natin ito dadahan-dahaning sisimulan. Sana ay may napulot kayong aral sa munting karanasan ko sa aking anak.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.
img
Sinulat ni

Danica Razon

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • #MomTips: "Tinuruan kong uminom sa baso ang 1-year old ko para hindi masira ang ngipin niya"
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • OPEN LETTER: Babae ka, hindi ka mahina – Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa iyo

    OPEN LETTER: Babae ka, hindi ka mahina – Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa iyo

  • Open letter para sa mga magulang na may anak na may cancer: Laban lang!

    Open letter para sa mga magulang na may anak na may cancer: Laban lang!

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • OPEN LETTER: Babae ka, hindi ka mahina – Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa iyo

    OPEN LETTER: Babae ka, hindi ka mahina – Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa iyo

  • Open letter para sa mga magulang na may anak na may cancer: Laban lang!

    Open letter para sa mga magulang na may anak na may cancer: Laban lang!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko