Signs of overfeeding baby: Narito ang mga signs ng overfed na si baby at ang mga paraan kung paano ito maiiwasan para sa kaniyang kalusugan at kaligtasan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Signs ng ng overfeeding
- Sanhi kung bakit overfed si baby
- Paraan upang maiwasan ang overfeeding sa sanggol
Signs of overfeeding baby
Bagama’t gusto nating lumaki ng mabilis at malusog si baby, hindi naman dapat sumusobra ang pagpapadede sa kaniya. Sapagkat ang overfeeding maaaring magdulot ng discomfort o pain sa kaniyang tiyan. Ganoon din ang paglungad niya ng gatas o pagsuka. Maaaring maging dahilan din upang siya ay maging overweight o obese sa katagalan.
Ayon sa mga eksperto, ang mga sanggol na breastfed ay hindi maaaring ma-overfed. Ito’y dahil ang mga sanggol na breastfed ay mayroong self-regulation system na nagsasabi sa kanilang dumede ng dumede hanggang sila ay gutom pa at tumigil kapag sila ay busog na.
Hindi katulad ng mga sanggol na dumedede na sa bote o bottle-fed na hindi kayang kontrolin ang gatas na nasisipsip nila. Ito ang isa sa mga sinasabing dahilan ng discomfort o pag-iyak ng isang sanggol na madalas nating inaakala na dahil sa kabag, reflux, allergy o lactose intolerance.
Kaya naman mahalagang malaman natin ang signs na overfed na si baby. Pati na ang mga paraan kung paano ito maiiwasan para sa kaniyang ligtas at maayos na paglaki.
Larawan mula sa iStock
Ayon sa lactation expert at nurse na si Rowena Bennett, ang mga sumusunod ang signs ng overfeeding sa baby na dapat nating bantayan.
- Mabigat si baby kumpara sa normal na weight na dapat mayroon siya para sa kaniyang edad.
- Madalas matamlay si baby at may foul-smelling na dumi.
- Lagi siyang may kabag.
- Malakas siyang dumighay.
- Laging siyang lumulungad ng gatas.
- Iritable si baby.
- Hindi siya makatulog ng maayos o mabuti.
BASAHIN:
LIST: 7 best baby feeding bottle brands para kay baby
Tips kung paano babalik sa breastfeeding pagkatapos ng bottle feeding
STUDY: Bottle-fed babies, nakakainom ng microplastics mula sa kanilang bote
Dahilan kung bakit na-ooverfeed ang baby
Ang overfeeding sa mga sanggol ay maari namang maiwasan dahil sa ito ay dulot ng mga sumusunod na dahilan:
- Kawalan ng maayos na tulog na nakakaapekto sa kaniyang gana kumain.
- Pagmi-misinterpret sa pagsa-suck ni baby sa pag-aakalang si baby ay gutom.
- Dahil sa active sucking reflex o masyadong mabilis na pagdede o pagsipsip ni baby.
- Hindi makontrol na flow ng gatas sa bawat pagsipsip ni baby.
- Feeding-sleep association o ang paghahanap ni baby ng dede dahil sa nakasanayan niya na itong bilang kaniyang pampatulog.
- Kawalan ng kaalaman sa baby cues na ipinapakita ni baby kaya naman kahit ayaw niya na o busog na siya ay pinipilit parin siyang dumede pa.
Paano maiiwasang ma-overfeed ang isang sanggol?
Bantayan ang mga palatandaan kung gutom o busog na si baby.
Ang unang paraan para maiwasan ma-overfed si baby ay ang padedehin siya sa oras na siya ay gutom na. Itigil ang pagpapadede sa kaniya kapag siya ay busog na.

Signs of overfeeding baby/ Photo by Purnachandra Rao Podilapu on Unsplash
Ang mga madalas na palatandaan na ipinapakita ni baby kapag siya ay gutom na ay ang sumusunod:
- Ginagalaw niya na ang kaniyang ulo sa magkabilang side.
- Binubuksan niya na ang kaniyang bibig na parang ready na sa pagdede.
- Nilalabas niya ang kaniyang dila.
- Inilalagay niya na ang kaniyang kamay o daliri sa bunganga.
- Tila sinisipsip niya na papasok ang kaniyang labi.
- Isinusunod niya na ang kaniyang ulo sa bawat bagay na sumasagi sa kaniyang pisngi.
- Pag-iyak.
Dapat namang itigil na ang pagpapadede kay baby sa oras na siya ay magpakita ng signs na siya ay busog na.
- Tinutulak niya na palayo sa kaniya ang bote o ang iyong suso.
- Iniaalis niya na palayo ang kaniyang ulo sa bote o sa iyong suso.
- Iniluluwa niya na ang gatas.
- Mukha na siyang hindi interesado.
- Nakakatulog na siya.
- Humihina na ang kaniyang pagsisip.
- Nagre-relax na ang kaniyang mga daliri, braso at binti.
Maliban sa pagiging aware sa signs na si baby ay gutom at busog na, dapat ay malaman din ang normal amount ng gatas na dapat dinedede ng isang sanggol base sa kaniyang edad. Ayon sa Standford Children’s Organization, narito ang amount ng formula at dalas na dapat dumedede ang isang sanggol sa loob ng 24 oras.

Baby photo created by valuavitaly – www.freepik.com
Amount ng formula at breastmilk na dapat dinedede ng sanggol
Edad |
Amount ng formula milk sa kada feeding |
Bilang ng breast o formula feedings sa loob ng 24 Hours |
Maximum na dami ng formula feeding sa loob ng 24 hours |
Newborn |
½ ounce |
8 hanggang 12 beses |
6 ounces |
1 month |
2-4 ounces |
6 hanggang 8 na beses |
24 ounces |
2 months |
5-6 ounces |
5 hanggang 6 na beses |
32 ounces |
3 to 5 months |
6-7 ounces |
5 hanggang 6 na beses |
32 ounces |
Ang overfeeding sa isang sanggol ay hindi lang nangyayari sa mga buwan na siya ay dumedede pa. Maaari rin siyang ma-overfeed kapag siya ay nagsisimulang kumain ng solid foods na.
Sa pagkakataong ito ay maaari pa namang maiwasan na ma-overfeed siya sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga body cues niya. Ang mga signs na kung siya ay gutom pa ba o busog na. Saka siya padedein ng naayon sa dami ng gatas na kayang i-take ng maliit pa niyang tiyan.
Source:
Kidspot, Stanford Children’s Org, NHS
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!