Paggalaw ni baby sa tiyan bawat trimester
Isa sa mga karaniwan at laging tanong ng mga pregnant moms ay ang kung “Kailan mararamdaman ang paggalaw ni baby sa aking tiyan?” Hindi maaalis ang fact na ang fetal movement ay isang pagkakataong hinihintay ng isang ina o kumabaga milestone sa pag document ng pregnancy ni mommy. Bukod dito, ang pagdama sa iyong baby ay isang way na nagsasabing “Mommy, healthy po ako!” Ang pagbibilang ng paggalaw ni baby sa tiyan bawat trimester ay mahalagang ugaliin. Ito ay dahil nakita sa maraming pag-aaral na nakapagpababa ito ng risk ng stillbirth.
Ang bawat baby ay iba-iba ang paraan ng paggalaw at kung paano mo ito masasabing aktibo. Ngunit kami, sa theAsianparent ay nag compile ng mga dapat mong asahan sa bawat trimester ng iyong pagbubuntis. Ito ay makakatulong s’yo upang mamonitor ang bawat galaw ni baby at magbigay ng sneak peak preview sa maaaring mangyari.
Paggalaw ni baby sa tiyan bawat trimester | Image from Dreamstime
Paggalaw ni baby sa tiyan: 1st trimester
Kailan ko mararamdaman ang sipa at paggalaw ni baby sa tiyan?
Una mong mararamdaman ang paggalaw ni baby sa tiyan sa as early as 12 weeks ng iyong pagbubuntis. Pero hindi mo ito mararamdaman ng todo dahil sobrang liit pa ng fetus sa loob ng iyong tyan. Bukod dito, napapalibutan ng makapal na protective cushion si baby sa iyong womb.
Kapag dumating naman ang tamang oras para maramdaman mo ang paggalaw ni baby sa tiyan, makakaramdam ka ng parang maliliit na butterfly sa iyong tummy. Ito ay ayon sa ibang mommy na nakaranas ng galaw ni baby. Para sa mga first time mom, mahirap sabihin kung first movement ba ni baby ang nararamdaman mo. Ang mga mommy na nanganak na ay madaling sabihin kung ito ba ay sipa ba ni baby. Hindi na sila malilito kung ito ba ay gas or tunog lang ng sikmura.
Sa pagdating ng iyong 2nd at 3rd trimester, ang iyong balat ay nag stretched na at lumalaki na ang iyong womb. Dito mo na rin mararamdaman ng todo ang sipa, suntok, paggulong at paggalaw ni baby tiyan.
Paggalaw ni baby sa tiyan bawat trimester | Image from Dreamstime
Habang ang iyong baby ay active at may sariling sleeping phases, malalaman mo na kung kailan sila mas aktibo sa ganitong mga pagkakataon:
- Kapag ikaw ay matutulog, ito ang pagkakataon kung saan mararamdaman mo ng todo ang paggalaw ni baby sa tiyan.
- Kapag ikaw ay nasa quiet position katulad ng naka upo o nakahiga.
- Pagkatapos mong kumain. Ito ay dahil sa blood sugar kung saan nagkakaroon ng dagdag energy si baby.
- Sensitive sa tunog at paghawak si baby. Kaya naman mapapansin mo ang response na sipa nito kapag hinawakan mo ang iyong tummy.
Paggalaw ni baby sa tiyan: 2nd trimester
Ang first movement ni baby ay mas kilala bilang “quickening”. Nararanasan ito mula week 16 at 25 ng iyong pagbubuntis, sa second trimester. Ito ang nagpapatunay sa mga second moms na mas nararamdaman nila ang paggalaw ni baby as early as week 16. Habang ang mga first time moms naman ay hindi agad nararamdaman ang galaw ni baby hanggang sa kanilang week 24. Samantala, kung hindi mo pa rin nararamdaman ang galaw ni baby sa 24th week ng iyong pagbubuntis, mas mabuti kung magpatingin na sa iyong doctor. Dito ay magsasagawa sila ng mga test katulad ng ultrasound scan at pagsukat sa iyong belly para makita ang development ni baby.
Marami ang nakakaapekto sa unang sipa ni baby katulad ng lamang ng position nito sa placenta. Kung ito ay nakapwesto sa harap, ito ay tinatawag na anterior placenta. Ito ang dahilan kung bakit matagal mong maramdaman ang sipa ni baby.
Samantala, kung regular mo nang nararamdaman ang paggalaw ni baby sa panahon ng iyong week 20 – 24, mas mapapansin at mararamdaman mo na sila madalas. Dito na lalabas ang malalakas na sipa hanggang sa dulo ng second trimester. Madedevelop na rin ang kanyang motor skills at magkakaroon ng sapat na space sa iyong womb para sa kanyang acrobatic stunts!
Paggalaw ni baby sa tiyan bawat trimester | Image from Dreamstime
3rd trimester
Pagsapit ng iyong 3rd trimester, mararamdaman mo na ang malakas at todong sipa ni baby sa iyong tiyan. Makakaramdam ka rin ng hilo kasama na ang rhythmic tics sa iyong tummy, ito ay dahil sa mga hiccups niya! Ito ay normal at walang epekto sa health ng bata.
Lagi mo nang mararamdaman ang paggalaw ni baby at ang well-defined patterns nito. Ayon sa doctor, ang madalas na pagbilang sa sipa ni baby ay isang indikasyon na alam mo na ang movement pattern nito during third trimester. Ito ay makakatulong sayo kung sakaling nakaramdam ka ng hindi normal na paggalaw kay baby.
May sabi sabi na pagsapit ng third trimester, dito mo na mararamdaman ang kaunting paggalaw ni baby. Ngunit ito ay isang pagkakamali. Habang patuloy na lumalaki at bumibigat ang iyong tyan, makakaranas ka na ng iba’t-ibang range ng paggalaw ni baby. Ngunit mararamdaman mo pa rin ang consistent patterns na nalalaman mo kay baby. Ayon sa pag-aaral tungkol sa paggalaw ni baby, gumagalaw ang fetus sa tiyan sa loob ng 30 mins ng isang oras. Sa makatuwid, healthy ang isang baby kung ito ay parating gumagalaw hanggang sa oyo ay ipanganak. Ang pagbaba o paghina ng paggalaw ng baby ay isang seryosong tagpo na kailangang ‘wag balewalain.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN: Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!