X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

STUDY: Mga kinakain ng pregnant mommy, natitikman ba ni baby sa tummy?

4 min read
STUDY: Mga kinakain ng pregnant mommy, natitikman ba ni baby sa tummy?

May ginawang experiment ang mga researchers para malaman kung nagre-react na ba ang fetus sa kinakain ng kanilang mommy.

For sure, ginagawa mo ang lahat ng paraan upang healthy ang pagkain na naibibigay mo kay baby habang ikaw ay buntis. Ang tanong, nalalasahan nga ba nila ito? Ito ang sagot ng experts.

Mababasa sa artikulong ito:

  • STUDY: Pagkain ng pregnant mommy, natitikman ba ni baby sa tummy?

STUDY: Pagkain ng buntis, natitikman ba ni baby sa tummy?

pagkain ng buntis

Ngumingiti raw ang baby sa sinapupunan kung gusto niya ang pagkain at sumisimangot naman kung hindi, ayon sa pag-aaral ng experts. | Larawan mula sa Pexels

Pinaghahandaan ng most moms talaga kung paano magiging healthy ang pregnancy. Malaki kasi ang magiging impact nito sa delivery at health ni baby. Maraming nagsisimulang mag-exercise consistently, nagte-take ng vitamins, regular na nagpapa-check-up, at syempre ang pagkain ng healthy foods.

Kadalasang sinu-suggest ng experts ang pagkain ng maraming gulay at prutas dahil source ito ng napakaraming nutrients na need ng katawan. Ang pagkain kasi ng ina ay pagkain din ng sanggol sa loob ng kanyang tiyan.

Sa katunayan, sa bagong pag-aaral na nailathala sa Psychological Science, ipinapakita dito na ang mga fetus daw na may edad 32 and 36 weeks ay nagre-react sa kinakain ng kanilang ina.

Maaari raw silang makapagbigay ng gesture tulad ng pagngiti at pagsimangot bilang response sa kung ano ang kinakain ng kanilang nanay.

Facial expression ng fetus sa mga kinakain ng kanilang mommy

pagkain ng buntis

Habang lumalaki ang fetus sa tiyan, unti-unti na rin nilang nadedevelop ang facial muscle dahilan para makabuo rin sila ng facial expressions. | Larawan mula sa Pexels

Pinangunahan ang pag-aaral na ito ng reseachers mula sa Durham University’s Fetal and Neonatal Research Lab. Sinubukan nilang gamitin ang isang 4D ultrasound scans. May kakayahan itong magpakita ng three dimensional video ng isang fetus na nasa loob ng uterus. Inalam nila ang reaksyon ng mga sanggol sa loob ng sinapupunan ng kanilang ina sa bawat pagkain na ini-ingest.

Para makuha ang data, hinayaan nilang inumin ng mga nanay ang capsule na naglalaman ng carrot o kale powder. Ginamit nila ang pills imbes na fresh carrot o kale. Ang capsule na ito ay walang amoy at lasa. Nari-release ang full flavor sa oras na ma-dissolve na sa katawan. Ginawa nila ito 20 minuto bago ang mismong ultrasound scan.

Dito nila nakita sa scan na ang mga fetus ay bumubuo ng expressions.

Once na exposed sa matamis na lasa ng carrot ay nagre-respond sila in a happy way o nagkakaroon ng “laughter-face” expressions. Sa kabilang banda, ang mga sanggol naman na exposed sa mapait na lasa ng kale ay nagrerespond gamit ang kanilang “cry-face” expressions.

Sa pagpapaliwanag ng eksperto, ang taste buds daw kasi ay nagsisimulang madevelop sa 8 weeks of gestation. Nade-detect din daw nila ang taste molecules sa amniotic fluid sa pagitan ng 14 weeks. Unti-unti na rin nilang maamoy ang odor-active molecules sa fluid mula sa kanilang opened nostrils sa panahon na tumuntong sila ng 24 weeks old.

Kasabay nito, nade-develop na rin ang facial muscles ng fetus dahilan upang lumabas na ang kanilang facial expression. Lalo itong nagiging complex habang sila ay padagdag nang padagdag ang edad sa sinapupunan. Ang expressions daw na ito ay nagagawa rin nila once ipanganak na sila.

Importance of food for pregnant women

pagkain ng buntis

Mahalaga ang role ng pagkain ng buntis while pregnant. Ito ay upang magkaroon ng preferences sa food ang babies. | Larawan mula sa Pexels

Dahil sa study, napatunayan lang na ang pagkain ng pregnant mommies ay nagpe-play ng malaking factor para sa baby. Ipinapakita kasi ng pag-aaral na malaki ang impact ng mother’s diet sa panahon na nagbubuntis siya. Ito raw kasi ang nagpapakilala ng bagong flavor sa mga sanggol.
Maaari pa nga raw na i-reject ng bata ang lasa ng isang pagkain na minsan niyang hindi nagustuhan nang nasa sinapupunan pa lamang ito. Ito raw ay dahil naalala niya ang flavors ng food kaya sa post-birth ay hindi na niya gusto.
Pagsasalaysay pa ng lead researcher na si Beyza Ustun, natutulungan daw nito na magkaroon ng preferences pagdating sa pagkain ang mga sanggol.

“We think that this repeated exposure to flavors before birth could help to establish food preferences post-birth.”

“Which could be important when thinking about messaging around healthy eating and the potential for avoiding ‘food-fussiness’ when weaning,”

Sa ngayon daw ay nais nilang bumuo ng pag-aaral kung ang mga sanggol na kabilang dito ay magkakaroon ng rejection  sa carrot o kale once na kumakain na sila. Ito raw upang ikumpara sa ibang mga sanggol na hindi kabilang sa research. Mas mapagtitibay kasi nito ang resulta na natatandaan ng baby ang lasa ng kinakain ng kanilang mommy habang pregnant.

Psychology Today

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • STUDY: Mga kinakain ng pregnant mommy, natitikman ba ni baby sa tummy?
Share:
  • Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

    Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Hot Weather Health Risks For Pregnant Moms: What You Need To Know

    Hot Weather Health Risks For Pregnant Moms: What You Need To Know

  • Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

    Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Hot Weather Health Risks For Pregnant Moms: What You Need To Know

    Hot Weather Health Risks For Pregnant Moms: What You Need To Know

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.