Ano nga ba ang perfluorooctanoic acid at paano nito naapektuhan ang mga buntis at sanggol sa kanilang sinapupunan?
Mababasa sa artikulong ito:
- Kung ano perfluorooctanoic acid
- Paano nakakaapekto ang perfluorooctanoic acid
- Mga toxins na nakakasama sa buntis
Hindi kayang sabihin at pag-usapan ni Nikki Aldrich kung ano ang nangyari sa kanilang bucolic riverside village nang hindi napapaiyak. “She lets me do the talking,” wiki ng kaniyang ina na si Loreen Hackett.
Si Hackett at ang pamilya ng kaniyang anak ay nakatira sa Hoosick Falls sa New York. Kung saan natuklasan nila noong 2016 na — habang dinadala ni Aldrich sa kaniyang sinapupunan ang unang dalawa niyang mga anak — ay umiinom siya ng contaminated na tubig na mayroong perfluorooctanoic acid o PFOA. Isa itong toxic chemical na ginamit ng isang local factory para gumawa ng Telfon na mga produkto.
Nang pinagtignan ng state ang PFOA blood levels nina Hackett at pamilya ng kaniyang anak, nagulat sila sa resulta. Ang blood levels ng kaniyang mga apo. Nakita na 50 na beses na mataas ito kaysa sa national average na roughly 2 parts per billion para sa mga bata at matatanda. Parehas na silang nagkakasakit na sinasabi ng isang pag-aaral na mayroon itong kaugnayan sa perfluorooctanoic acid o iba pang kemikal, ayon ito kay Hackett.
Perfluorooctanoic acid, or PFOA, a toxic chemical is said to cause diverse effects on pregnancies and babies. | (Yukai Du/The New York Times)
Perfluorooctanoic acid or PFOA
Ang perfluorooctanoic acid ay isa sa mga pinakapinag-aaralan ng mga eksperto. Kasama ito sa halos 4,700 na kemikal na tinatawag na per- at polyfluoroalkyl na substances, o PFAS. Ang mga kemikal na ito’y matatagpuan sa daan-daang mga produkto na ginagamit natin sa pang-araw-araw. Kasama na rito ang mga stain at water resistant na furniture, outdoor gear, costmetics, dental floss, at disposable food packaging.
Ang kontaminadong tubig na iniinom ay isa sa mga major exposure nito, kasama na ang mga carpets, tainted seafood, microwave popcorn at takeout foods served na grease-resistant containers.
Iniisip ng mga scientist na ang malawak na paggamit ng mga industrial chemical; maaaring makasama sa mga buntis na kababaihan at sa kanilang developing na baby sa loob ng kanilang sinapupunan. Maaaring ang kemikal na ito’y makielam sa gene regulators and hormones na siyang nagkokontrol sa dalawang critical functions ng katawan: metabolism at immunity.
Nakakabahala sa kemikal na ito
Ang mas nakakabahala rito, ang perfluorooctanoic acid ay maaari ring makapag-alter ng thyroid hormone levels ng mga nanay at baby nila. Kung saan maaaring ma-oversee ang brain development, growth at metabolism, at mayroon din itong role sa immunity.
Ang prenatal exposure sa perfluorooctanoic acid nakaka-disrupt sa metabolism at immunity. Maaaring magdulot ito ng mabilis at matagalang epekto para sa mga nanay at kanilang anak. Kapag exposed isang babae sa PFAS habang nagbubuntis mayroong mataas na tiyansa na magkaroon ng gestational diabetes at pre-eclampsia, isang uri ng high blood pressure. Ang mga baby na na-expose din dito’y may mataas na tiyansa na mag-undergo sa abnormal growth sa utero, na maaaring magdulot ng low birth weight. Kalauna’y maaaring humarap sa mataas na tiyansa ng childhood obesity at impeksyon.
Samantala, ang isa sa major producer ng PFAS sa United States, na 3M ay denims ang findings na ito. “PFAS is a broad category, including thousands of substances with diverse physical and chemical properties, uses, and characteristics,” ani ito kay Sean Lynch, spokesperson ng 3M. Dagdag pa niya,
“While the science behind PFAS is complex, the weight of scientific evidence does not show that PFOS or PFOA, two types of PFAS, cause harm in people at current or past levels.”
Ayon kay Philippe Grandjean, M.D., Ph.D., isang environmental epidemiologist sa Harvard T.H Chan School of Public Health; hindi umano matukoy ng mga epidemiologist kung ano ang sanhi ng pagkakaroon ng gestational diabetes o obesity. Subalit nakikita umano nila sa average scale na ang PFAS ay nakakapagpataas ng risk sa health problems katulad ng metabolic disease at immune deficiency.
Ang mga manafacturer ay tini-treat ang mga produkto mula sa raincoats, hanggang pizza boxes na mayroong PFAS. Sapagkat nagre-repel ito ng tubig, init, at grease, salamat sa unique properties ng kanilang superstrong na fluorine-carbon bonds. Ang mga bonds na ito’y ginagawang resistant sa PFAS papunta sa degradation, tinatawag itong “forever chemicals” ng ilang mga scientist.
Ang malawak na paggamit ng nito ang dahilan kung bakit halos lahat ay exposed sa ganitong kemikal. Habang tumatagal ang kemikal ang exposure sa kemikal na ito, nagko-concentrate ito sa dugo, breast milk at kahit sa numerous tissues. Partikular na nababahala ang mga scientist sa mga buntis na babae na maaari nilang mapasa ang mga kemikal na ito sa pamamagitan ng placenta. Ito ang nagma-manage ng metabolic needs ng isang sanggol sa loob ng sinapupunan ng isang ina habang sinasangga ang anumang impeksyon.
Ilang mga anecdotal reports
Ayon sa ilang mga anecdotal reports mula noong nakaraang century, natuklasan na ang mga toxic substances katulad morphine ay maaaring makapunta sa placenta. Subalit ang ilang mga kemikal umano’y hindi naman nakakaabot sa placenta. Noong 1981 sinuri ng mga DuPont scientists ang umbilical cord ng mga anak ng mga manggagawang babae; natuklasan nila nag-cross sa placenta ang PFAS subalit hindi nila inilathala ang findings na ito.
Ayon sa Federal law nire-require nito ang mga kompanya na i-inform ang Environmental Protection Agency kapag agad nilang nalaman na ang isang chemical ay mapanganib para sa kalusugan ng tao o ng kalikasan. Ang EPA ay naghain ng reklamo sa DuPont noong 2004 dahil umano sa hindi nila pag-report sa kanilang findings. Matapos nilang matanggap ang mga internal document nag-obtained sila sa isang kahiwalay na lawsuit.
“Scientific evidence confirms that the trace amount of PFOA found in this one data point would pose no risk to human health,”
Ito ang tugon ng lawyer ng kompanya.
“In the absence of substantial risk of harm, the information is simply not required to be reported.”
Sa nakalipas na dekada nagkapag-develop ang mga scientist ng mga analytical tool. Para sistematikong matukoy at masukat ang mga toxic intrusion sa pagbubuntis. Alam nila na ang PFAS katulad ng mga nutrients ay parehas lamang ang rule na sinusunod, ayon kay Dr. Grandjean. “And with PFAS, we can see they basically all pass through the placenta.”
Ibig sabihin ang mga bagong silang ay maaaring makakuha ng dobleng dose ng PFAS. Una sa sinapupunan at pangalawa sa kanilang dinedede. May mga ilang pag-aaral ang sinuri ang mga batang nasa edad 2 pababa at natuklasan nila ang PFAS levels nila’y tumaas sa unang anim na buwan, dahil umano ito sa breastfeeding.
Karamihan sa mga scientist, alam ang mga risk na kaugnay ng PFAS. Lalo na sa mga taong nakatira sa mga komunidad katulad ng Hoosick Falls o exposed sa ganung trabaho. Kahit na ang lahat ay kontaminado nito, ayon kay Bruce Lanphear, M.D., isang propesor sa health sciences sa Simon Fraser University sa Vancouver,
“And while we understandably focus on highly contaminated communities,” wika niya, “we can predict, based upon all the other evidence, that there’s unlikely to be any safe level.”
Nababahala ang mga scientist kung paano naapektuhan ang mga sanggol na nagde-develop sa loob ng sinapupunan ng PFAS at kahit pagkatapos silang naisalang. “Minuscule amounts of these exposures can have serious and lifelong consequences.” ani ni Leonardo Trasande, M.D., isang children’s environmental health expert sa New York University.
Imposibleng mga pagpipilian
Image source: iStock
Ang apo ni Hackett ay nagkaroon ng bone problems na inuugnay sa mababa nitong timbang pagkasilang. Ang isa pa niyang apo ay nagkaroon ng matinding staph infection na nagre-require ng massive doses ng iba-ibang mga antibiotics upang makarekober. Parehas na nakaugnay ang mga kundisyong ito sa exposure PFAS.
“There’s rising evidence that kids who are exposed to PFAS get more infections,”
Sinabi naman ito Dr. Trasande. Ang mga batang exposed sa PFAS sa loob ng sinapupunan kapag sila’y isinilang ay nagpapakita ng reduced immune responses sa mga bakuna.
BASAHIN:
13 beauty products na bawal sa buntis
#AskDok: Nakakasama ba sa buntis at sa baby ang pagsakay ng motorsiklo o ng trike?
Pagiging matakaw ng buntis, nakakasama sa kalusugan ng ina at ni baby
May mga asosasyon ay nag-eexplore kaysa magkaroon ng evidence causation, isang 3M spokeswoman ang nagsabi ng nito sa isang testimony sa U.S. House hearing sa PFAS contamination at corporate accountability noong nakaraang taon. Sabi pa niya,
“There’s no cause and effect for adverse human health effects at the levels that we are exposed to as a general population.”
Hindi lahat ay sumasang-ayon ditp. Nang maisalang ang pinakabatang apo ni Hackett; matapos silang tumigil ng pag-inom ng tubig, sinabi niya na “ipinagbawal” niya ang kaniyang anak na mag-breastfeed. Ang baby ay 5 weeks old pa lamang nang siyang magsimulang makaranas ng mga seizures — sinabi umano ng doktor na ang dahilan ng seizures na ito’y attributed sa isang thyroid disease na inuugnay rin sa PFAS.
Isa sa mga kaibigan ni Hackett na si Emily Marpe, na mula sa Petersburgh. Hindi sinuspetyahan na ang kaniyang mga anak ay na-expose sa PFAS. Hanggang isang opisyal mula sa state health department ang tumawag.
“The first thing he said was, ‘You guys need to stop brushing your teeth right now with tap water.”
Ito ang sinabi ni Marpe. Sinabihan din umano siya na mayroong nakitang PFOA na 2.1 per billion sa kaniyang tubig. Ito’y limang beses na mataas sa EPA’s voluntary guideline noong mga panahon na iyon. Nanghina ang kaniyang tuhod,
“My well had just tested higher than the entire village of Hoosick Falls.”
Si Marpe na nakatira malapit sa Taconic Plastic na gumagawa rin ng mga Teflon na produkto. Agad na naging unofficial na PFOA expert. Nagbasa siya kung paano na contaminate ng DuPont Teflon factory ang tubig sa palibot ng Parkersburg sa West Virginia mula noong 1950’s hanggang early 2000’s. Isang independent na panel ng mga epidemiologist ang nakatuklas sa “probable link” sa pagitan ng PFOA at ilang mga health problem, katulad ng pregnancy induced hypertension at thyroid disease.
Inilista ng New York ang Taconic Plastics facility bilang isang state Superfund site noon 2016; at pumayag sila na i-cover ang costs ng pagpapatanggal ng PFOA mula sa private at public water.
Nang ma-realize ni Marpe na siya’y buntis; iniisip niya na baka ma-expose ang kaniyang isa pang anak sa ganitong mga chemical. Ang kaniyang blood PFOA level ay 160 na mas mataas sa national average. Kaya naman pumasok sa kaniyang isip ang abortion. Ayon sa kaniya,
“I still feel guilty for even thinking about it,”
Kaya naman noong siya’y nagbubuntis ang lahat ng kaniyang ultrasound appointment ay lagi siyang nagkakaroon ng panic. Natatakot kasi siya na magkaroon ng birth defects ang kaniyang anak; na nakita sa mga baby na ng mga Teflon worker. Si Eliana ay ipinanganak ng mas mababa ang timbang kaysa sa kaniyang dalawang matandang anak. Pero naging healthy naman ito.
Sa review ng isang international studies na inilathala noong August, natuklasan nila ang “matibay” na ebidensya ng kaugnayan ng mga buntis na babae na-expose sa PFAS na tumataas ang tiyansa ng low-birth-weight-babies. Natuklasan din sa review na ito ang matibay na imbensya na ng kaugnayan ng prenatal PFAS exposure sa impaired glucose tolerance, o “pre-diabete,” at gestational diabetes sa mga nanay, at obesity sa childhood. Iniisip ng mga scientist na ang mga kemikal na ito’y may ability na i-alter ang glucose metabolism ng mga ina; na maaari makapag-contribute sa mga ganitong risks.
“PFAS appear to slow your metabolism,”
Ito ang winika ni Dr. Trasande, ang nanguna sa review na ito. Hindi na umano siya magugulat kung nag-contribute ang kemikal na ito sa diabetes. Dahil nakakagambala ito sa proteins na nagre-regulate ng sugar at fat metabolism.
Ang mga baby na isinilang ng mga nanay na may gestational diabetes at mga baby na mababa ang timbang; humaharap sila sa mataas na tiyansa ng pagiging obese. Ibig sabihin nito ang dalawang paths ng perfluorooctanoic acid; obesity at epekto nito sa metabolism ng ina o pag-develop ng baby.
Ang pag-disrupt sa metabolism ng nanay ay maaaring makapekto sa placenta. Noong nakaraang taon isang study ang nagpakita na ang mga babaeng may gestational diabetes ay mayroong malaking tiyansa na mapasa ang mas mataas na level ng perfluorooctanoic acid sa kanilang mga baby. Si Youseff Oulhote, isang environmental epidemiologist sa University of Massachusetts na nag-lead ng pag-aaral. Sinusupetyahan niyang ang perfluorooctanoic acid; na maaaring magdulot ng pagtagos sa placenta. Sa madaling salita, ang PFAS ay maaaring magdulot ng kundisyon na maaaring makaapekto sa baby.
Si Marpe, hindi nagkaroon ng gestational diabetes. Pero ang kaniyang katawan ay nagkaroon ng maraming level ng PFAS at sa kaniyang anak. Nang pina-test niya si Eliana noong siya’y 7 weeks old, simula nang tumigil siya sa pag-inom ng contimated water. Natuklasan niya na ang PFOA blood level ay nasa 75.9 parts per billion. Mas mataas pa sa mga tao sa Hoosick Falls.
Nag-breastfeed si Marpe sa kaniyang dalawang mas matandang anak at nalaman niya maaari pa lang babies ingest ang PFAS kapag sila’y dumidede. Ang PFAS level ng kaniyang anak ay mataas na, kaya naman nagdesisyon siyang tumigil sa pag-breastfeed sa kaniyang pangatlong anak.
“That was one of the hardest decisions I’ve ever made.”
Pag-regulate para sa susunod na henerasyon
Image source: iStock
Si Rebecca Fuoco, isang science communications officer para sa nonprofit Green Science Policy Institue; gumagawa siya ng mga steps para ma-limit ang exposures sa PFAS bago pa man siya magbuntis. Nang siya’y lumipat sa Los Angeles dalawang taon ang nakakalipas. Inalis niya ang kaniyang carpet at ginawa niya ang best niya para masiguro na ang kaniyang mga furniture, damit o iba pang gamit ay hindi kontaminado ng PFAS.
Subalit ang pag-avoid ng mga pagkain na may exposure sa kemikal na ito habang buntis ay mahirap.
“Sometimes cooking from scratch felt impossible, like juggling on a tightrope.”
Dagdag pa na ang mga kemikal na ito’y ‘di inilalagay sa mga label ng mga produkto.
“Even with all the advantages I had. It was impossible for me to completely eliminate my baby’s exposure because PFAS are ubiquitous and invisible.”
Walo sa mga chemical manufacturers na tumigil na sa paggawa ng so-called long-chain ng PFOA at PFOS sa United States noon 2015. Dahil sa health at environmental concerns. Pero lumipat sa short-chain varieties at iba pang shorter na carbon backbones na nag-accumulate sa tissue ng tao at maaari itong ma-prove na kasing toxic din ng PFOA at PFOS
“What’s so frustrating is that we’ve been chasing a train that already left the station. We are decades too late.”
Ayon ito kay Dr. Grandjean.
Sa European Food Safety Authoriy ay in contrast, ay kina-calculate ang lowest PFAS dose na maaari makasama sa mga infant at nalaman nila kung gaano ang nai-ingest ng isang nanay para ma-exceed ng kaniyang baby ang ganitong amount. Nag-arrive sila sa weekly intake ng 0.0008 parts per billion sa pagkain, fraction level ito sa karamihan sa mga babae. Subalit hindi ito in-enforced ng batas.
Ang United States EPA ay hindi pa nag-implent ng enforceable PFAS water-quality standard per ang New York ay magse-set para ma-adopt ang granting standards na pitong beses na mababa kaysa sa agency guidelines. Lahat ng state legislator ay nagpasa ng bill para ma-ban ang PFAS mull sa mga food packaging materials noon July.
Si Loreen Hackett, na ang advocate ay para sa PFAS regulation noon pa man. Ni-reveal ang blood test ng kaniyang pamilya ay mayroong napakataas na PFOA levels, nag-testify siya sa hearing. Hindi niya maiwasan na sa tuwing titignan niya ang kaniyang mga apo na isipin kung magkakaroon ba sila ng health problems kung hindi sila uminom ng tubig mula sa Hoosick falls na kotaminado. Kaya naman ang packaging bill ay napakahalaga para sa kaniya.
“With our levels, we can’t afford another ounce of this stuff.”
“These Everyday Toxins May Be Hurting Pregnant Women and Their Babies” by Liza Gross © 2020 The New York Times Company
Liza Gross is a science and health journalist and author of “The Science Writers’ Investigative Reporting Handbook.
This story was originally published on 23 September 2020 in NYT Parenting.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Marhiel Garrote
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!