Naranasan mo na bang magkaroon ng pigsa sa kilikili? Narito ang mga dapat mong malaman tungkol dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Posibleng sanhi ng pigsa sa kilikili
- Sintomas at lunas ng pigsa sa kilikili
- Paano maiiwasang magkaroon nito
Isa sa mga bahagi ng katawan na iniingatan ng mga kababaihan ay ang kilikili. Kung mahilig ka magsuot ng mga damit na walang manggas, alam mo kung gaano kaimportante na makinis ang iyong kilikili.
Paano kung nagkaroon ka ng makati at masakit na bukol sa parteng ito ng iyong katawan? Paniguradong hindi ka mapapakali at hindi rin makakakilos ng maayos.
Masakit at nakakainis magkaroon ng pigsa sa ano mang bahagi ng katawan. Subalit paano kung tumubo ito sa iyong kilikili?
Narito ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa nakakabalisang sakit na ito.
Pigsa sa kilikili: sanhi
Ang boils o pigsa sa Tagalog ay isang skin infection sa hair follicle o oil gland sa balat. Puwede itong tumubo sa anumang bahagi ng katawan ng tao na may buhok – sa binti, sa mukha, sa braso, at maging sa puwit at kilikili.
Kadalasan sanhi ito ng bacteria na Staphylococcus aureus. Nakakapasok ito sa katawan sa pamamagitan ng maliliit na butas o hati sa ating balat. Kapag nagkaroon ng impeksyon, mamumula ito at magkakaroon ng maliit na bukol. Sa loob nito ay mayroong pus o nana.
Kung ang pigsa ay tumubo sa kilikili, ang posibleng sanhi nito ay ang mga sumusunod:
Kung matindi ka pagpawisan dahil sa init ng panahon o sa pisikal na gawain, at hindi ka naligo ng maayos o nilinisan ang iyong kilikili, maaari kang magkaroon ng impeksyon sa iyong balat.
-
Pag-ahit ng iyong kilikili
Ang bahaging ito ng iyong katawan ay madalas magpawis at magkaroon ng dead skin.
Kapag nag-aahit ka, maaaring magkaroon ng mga sugat o hiwa sa iyong balat kung saan makakapasok ang bacteria. Kaya kung madalas ka mag-ahit, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ka ng bacterial infection sa iyong kilikili.
Larawan mula sa iStock
Kapag hindi mo hinuhugasan at nililinisan ng maayos ang iyong kilikili, maaaring dumami ang dead skin sa bahaging ito ng iyong katawan, at magsanhi ng pagkakaroon ng pigsa o tigyawat.
Kung mahina ang iyong immune system, mas mahihirapan ang iyong katawan na labanan ang bacteria na nagdudulot ng infection.
Mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng pigsa ang mga taong may allergies at eczema, at mga sakit gaya ng cancer at diabetes.
-
Na-expose sa mga chemical na nakakairita sa balat
“Do not apply to broken skin.” Iyan ang laging paalala kapag naglalagay ng mga lotion o kahit anong ipinapahid sa balat. Sapagkat kapag may sugat o pagbubukas sa balat, maaaring makapasok ang bacteria rito, o mga kemikal na magdudulot para mairita ang balat at magkaroon ng infection.
Pigsa sa kilikili: mga sintomas
Kapag nagkaroon ng impeksyon sa balat, kadalasan itong namumula, nangangati o namamaga. Siguradong masakit ang pakiramdam ng pigsa sa kilikili dahil naiipit ang bahaging ito ng katawan.
Narito ang mga karaniwang sintomas ng pigsa:
- bukol o pamamaga sa balat na kulay pula o pink
- bukol o pamamaga sa balat na mas malaki sa tigyawat
- pananakit sa paligid ng bukol
- may nakikitang nana sa paligid ng bukol
- pangangati sa paligid ng bukol
- maari kang magkaroon ng lagnat (senyales ng infection)
- maaring mamaga ang lymph nodes o magka-kulani (senyales ng infection)
Maaari ring kumalat ang pigsa at dumami.
BASAHIN:
Pigsa: Sanhi, paano natural na malulunasan at maiiwasan
Kulani sa kilikili: Dapat bang ikabahala?
ALAMIN: Mga mabisang gamot sa putok sa kilikili
Lunas sa pigsa sa kilikili
Gaya ng tigyawat, nakakatuksong hawakan at putukin ang pigsa, lalo na kapag makati ito. Subalit kapag ginawa mo ‘yon, mas maaaring lumala ito at kumalat sa iba pang bahagi ng iyong katawan.
Larawan mula sa iStock
Para gumaling ang iyong pigsa:
- Gumamit ng antibacterial soap kapag nilinis mo ito.
- Lagyan ng warm compress sa bahaging ito ng katawan. Kusang puputok ang sugat kapag madalas itong mainitan.
- Huwag puputukin ang pigsa.
- Kapag pumutok na ang pigsa, linisin ang balat ng maigi at pagkatapos, balutin ito ng bandage para maiwasang kumalat o lalong magsugat.
Mga natural na gamot para sa pigsa
Ayon sa Healthline, maari ring subukan ang mga home remedies na ito para gamutin ang pigsa:
Mayroon kasi itong antibacterial properties na lumalaban sa mga impeksyon. Subalit paalala na hindi ito dapat direktang ipinapahid sa pigsa dahil mahapdi ito. Haluan ito ng coconut oil o olive oil bago ipahid sa balat.
Mayroon din itong antibacterial at anti-inflammatory properties kaya nakakatulong ito sa pamamaga. Ihinahalo ito sa mainit na tubig para gawing tsaa at iniinom ng tatlong beses sa isang araw.
Makakatulong ito para mawala ang nana sa loob ng sugat. Ibabad ang tela sa mainit na tubig at epsom salt. Tapos ipatong ang warm compress sa iyong pigsa.
Naglalaman ito ng kemikal na ricinoleic acid, na isang malakas na anti-inflammatory na gamot. Ipahid lang ito sa iyong pigsa ng tatlong beses sa isang araw hanggang sa gumaling ito.
Mayroon din itong antibacterial at antiseptic properties na pumapatay sa mga impeksyon. Ipinapahid lang rin ito sa sugat ng tatlong beses isang araw.
Sa mga gamot na ipinapahid sa sugat, siguruhing maghugas ng kamay pagkatapos mo hawakan ang pigsa.
Kapag hindi gumaling ang iyong pigsa sa loob ng dalawang linggo, kailangan mong tumawag sa iyong doktor. Puwede niyang hiwain ang sugat para alisin ang mga nana. Maaari ka rin niyang resetahan ng antibiotics para gamutin ang impeksyon.
Larawan mula sa Freepik
Kailan dapat tumawag sa doktor?
Kadalasan, hindi naman nangangailangan ng agarang medikal na atensyon ang pigsa. Subalit kung nakakaramdam ng mga sumusunod na sintomas, kailangang tumawag sa iyong doktor:
- Nagkaroon ka ng lagnat
- Nagkaroon ka ng kulani
- Matinding pamumula ng pigsa
- Matinding pananakit ng pigsa
- Hindi ito lumiliit kahit ginagamot
- May panibagong pigsa na lumalabas
- Kapag nagkaroon ng mataas nalagnat at panginginig
- Kung mayroon kang sakit sa puso, diabetes o sakit na apektado ang iyong immune system at nagkaroon ka ng pigsa.
Paraan para makakaiwas sa pigsa sa kilikili
Larawan mula sa iStock
Napakahirap magkaroon ng pigsa sa anumang bahagi ng katawan, pero lalo na sa kilikili kung saan lagi itong naiipit.
Narito ang ilang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng pigsa sa iyong kilikili:
- Panatiliing malinis ang iyong katawan. Ugaliing maligo araw-araw at gumamit ng sabon sa iyong kilikili.
- Kapag pinagpawisan, ugaliing maligo o linisin agad ang iyong balat.
- Ugaliing magpalit ng mga sapin sa kama at iba pang beddings para hindi pagbahayan ng bacteria.
- Mag-ingat sa pag-aahit ng iyong kilikili para maiwasan ang mga sugat sa balat na maaaring pasukan ng bacteria.
- Kung mayroon kang sugat o hiwa sa iyong balat, iwasang maglagay ng mga cream, lotion o iba pang kemikal na maaaring makairita sa balat.
- Huwag hahawakan ang pigsa ng ibang tao. Ugaliing maghugas ng kamay kapag humahawak sa sugat.
- Palakasin ang iyong immune system.
Kung mayroong mapapansing sugat o kakaiba sa iyong kilikili o anumang bahagi ng balat, huwag mahiyang kumonsulta sa isang dermatologist.
Source:
Healthline, WebMD
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!