5 Senyales Na Tatangkad Ang Inyong Anak

lead image

Nais mo bang malaman kung lalaking matangkad ang iyong anak? Bigyang pansin ang mga senyales na ito!

Marami sa mga magulang ang nag-iisip kung ano kaya ang mga magiging pagbabago sa kanilang anak sa kanilang pagtanda. Iniisip nila kung ano kaya ang mga talento na magkakaroon ang kanilang mga baby, ano kaya ang maging personalidad nila. Marami rin ang nag-iisip ng tungkol sa mga aspetong maaring sukatin tulad ng talino, timbang, at tangkad. Kaya naman, kung isa ka sa mga magulang na gusting malaman kung lalaking matangkad ang iyong anak, narito ang mga senyales na dapat bantayan:

1. Ipinanganak silang mahaba ang sukat

Ang haba ng sukat ng iyong anak sa kanilang kapanganakan ay magandang hudyat na sila ay magiging matangkad sa kanilang pagtanda. Karaniwan, ang sukat ng isang full-term baby ay nasa 20 pulgada (cm), sa pagitan ng 18 pulgada at 22 pulgada. Matapos ang unang buwan ni baby, karaniwan silang humaba pa ng 1.5 pulgada hanggang 2 pulgada o higit pa.

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2014/04/dreamstime s 25432962.jpg 5 Senyales Na Tatangkad Ang Inyong Anak

photo: dreamstime

2. Mas matangkad sila kumpara sa ibang mga bata

Kapag ang iyong anak ay nasa toddler stage na, maaaring pagtuunan ng pansin ang kanyang tangkad kumpara sa kanyang mga ka-edad. Kung sa tingin ninyo ay mas matangkad siya sa kanila, maaaring indikasyon ito na siya ay magiging mas matangkad sa kanila habang lumalaki. Kung hindi naman, huwag mag-alala. Ang pagtangkad ay nangyayari sa kanilang kabataan hanggang pagdadalaga/pagbibinata. Ang mga batang babae ay karaniwang tumitigal ang pagtangkad sa edad na 16, samantalang ang mga lalaki naman ay sa edad na 18.

3. Parehong magulang ni baby ay matangkad

Tulad ng ibang aspeto ng pagtangkad at iba pang development ng iyong anak, ang malaking bagay ang genetics para malaman kung ang anak mo ay magiging matangkad. Kung parehas kayong matanggad ng iyong partner, malaki ang posibilidad na mamana ito ng inyong anak.

Subalit, may mga pagkakataon na ang anak ng isang average-height o kaya naman ng matangkad na mga magulang ay tumigil sa pagtangkad sa hindi malamang dahilan. Ang tawag sa kondisyong ito ay Idiopathic Short Stature (ISS).

4. Sila ay malusog

Kung sapat ang nutrisyon na nakukuha ng iyong anak, malaki ang posibilidad na makatulong ito sa kanyang pagtangkad. Ang pagbibigay sa kanya ng tamang mga bitamina at nutrients lalo sa unang tatlong taon ay mahalaga.

Ilang halimbawa ng mga pagkain na makapagbibigay ng sapat na nutrisyon sa kanya ay ang mga pagkaing sagana sa calcium tulad ng gatas, yoghurt, spinach, pati na rin ang mga pagkaing sagana sa protina tulad ng itlog, oatmeal at lean meat.

5. Wala silang kondisyong na makakapigil sa kanilang pagtangkad

May mga kondiyong pangkalusugan na nakakaapekto sa pagbagal o tuluyang hindi pagtangkad ng mga bata tulad ng dwarfism, isang genetic disorder na dahilan ng hindi pagtangkad ng isang bata ng higit sa 4’10”. Isa pang dahilan ay ang kakulangan sa growth hormone o ang tinatawag na growth hormone deficiency na nangyayari kapag hindi sapat ang inilalabas na growth hormone ng pituitary gland. Karaniwan itong nada-diagnose sa mga bata sa edad na 2 o 3.

Ang article na ito ay unang isinulat ni Bianchi Mendoza.

READ: 6 Disorders that keep kids from growing taller

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!