Anemia: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na ito

Anemic ka ba? Alamin ang mga ng sintomas ng anemia, mga pagkain na mayaman sa iron, gamot sa low blood, at iba pang impormasyon tungkol sa sakit na ito.

Alamin ang sintomas ng anemia at mga maaring gawin para makaiwas sakit na ito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ano ang sakit na anemia.
  • Tatlong sanhi ng anemia.
  • Mga pangunahing sintomas ng anemia.
  • Mga uri ng anemia.

Ano nga ba ang sintomas ng isang tao na anemic? Para sa experts, ang pagiging maputla at mahina ang maaaring unang senyales. Alam mo bang maaaring warning sign din ito ng mas malubhang karamdaman? Aalamin natin ang kung bakit nga ba nakukuha ito, ano ang sintomas ng anemia, at maging gamot para sa sakit na ito.

Walang pinipili ang anemia—bata ka man o matanda maaaring kang magkaroon nito. Sa oras na tumigil na ang pagdami ng malusog na red blood cells o hemoglobin ang katawaan, maaari ka nang magkaroon ng sakit na ito. Kaya naman mahalagang maging aware sa mga sintomas ng anemia upang maging handa kung sakaling makakaramdam nito.

Narito ang Frequently Asked Questions (FAQs) o pinaka-karaniwang katanungan tungkol sa kondisyong ito na dapat maagapan nang maaga para maiwasan na maging malubha. Tulad ng sintomas ng anemic sa babae at mga anemia sintomas o symptoms na minsan ay hindi aakalain palatandaan na pala ng sakit. 

title="Ano ang pangunahing sintomas ng anemia? ">Ano ang pangunahing sintomas ng anemia?
  • Bukod sa sintomas ng anemia, ano pa nga ba ang mga uri nito?
  • Pasa sa iyong katawan, sintomas ng anemia nga ba?
  • Paano natutukoy ang sakit na anemia?
  • Gamot sa mga pasa na dulot ng anemia
  • May mga uri nga ba ang anemia na nakamamatay?
  • Maaari bang mamana ang sakit na amenia?
  • Mga maaaring gamot sa anemic na tao
  • Mga dapat kainin ng taong anemic para mapabuti ang kalagayan
  • Ano ang kailangang kainin para labanan ang anemia? May vitamins ba para dito?
  • Ano ang sakit na anemia?

    Ang sakit na anemia sa wikang Ingles at wikang Tagalog, ay kadalasang nakakabit sa kaisipang “kulang sa dugo.” Ano nga ba ang tamang impormasyon sa kundisyon na ito?

    Ayon sa mga eksperto, ito ay isang karaniwang blood condition, kung saan natitigil ang pag-prodyus ng hemoglobin o red blood cells and bone marrow. Sa pagpapaliwanag ni Dr. Carlo Palarca, MD isang internest ito raw ay kung ang production ay “abnormally low.”

    Iba’t ibang uri ng red blood cells

    Mayroong tatlong uri ng blood cells, narito ang mga sumusunod:

    • White blood cells – Pangunahing layunin nito ay malabanan ang anumang impeksiyon sa katawan.
    • Platelets – Tumutulong naman na ito para labanan ang blood clot.
    • Red blood cells – Tungkulin naman nitong dalhin ang oxygen sa buong katawan.

    Kung kaunti o wala nang hemoglobin, walang makukuhang oxygen ang mga cells ng katawan. Ito ang nagiging dahilan kaya nanghihina ang isang tao. 

    May iba’t-ibang uri ng anemia. Ang mga ito ay ang sumusunod:

    • Anemia dulot ng vitamin B12 deficiency
    • Anemia na dulot ng folate (folic acid) deficiency
    • Hemolytic anemia
    • Anemia due dahil sa iron deficiency o iron deficiency anemia (Ito ang pinaka-common na uri ng anemia.)
    • Anemia of chronic disease
    • Idiopathic aplastic anemia
    • Megaloblastic anemia
    • Pernicious anemia
    • Sickle cell anemia
    • Thalassemia

    Para makaiwas sa sakit at sintomas ng anemia, dapat ay may sapat na vitamins, minerals at nutrients ang katawan para mag-produce ng sapat na red blood cells. Ang tatlo sa mahalagang nutrients na dapat taglayin ng katawan ay ang iron, vitamin B12 at folic acid. Ang mga nutrients na ito ay maaring hindi sapat na taglay ng katawan dahil sa mga sumusunod na dahilan.

    • Pagbabago sa lining ng tiyan o intestines na nakakaapekto sa pag-absorb nito ng nutrients tulad ng ginagawa sa katawan ng sakit na celiac disease.
    • Poor diet.
    • Surgery na kung saan may naalis na parte ng tiyan o intestines.

    Tatlong sanhi ng anemia

    Mayroon ding tatlong pangunahing sanhi ng anemia, ito ang mga sumusunod:

    • Blood loss
    • Pagtigil ng production ng red blood cells
    • Mabilis na pagkasira ng red blood cells

    Habang ang iba pang dahilan kung bakit nararanasan ng katawan ang sakit na ito ay ang sumusunod:

    • Iron deficiency
    • Vitamin B12 deficiency
    • Folate deficiency
    • Pag-inom ng mga gamot na nakakaapekto sa production ng red blood cells.
    • Sakit na sumisira sa mga red blood cells ng mas maaga kaysa sa normal tulad ng mga sakit sa immune system gaya ng lupus.
    • Long-term (chronic) diseases tulad ng chronic kidney disease, cancer, ulcerative colitis, o rheumatoid arthritis.
    • Namamanang uri ng anemia tulad ng thalassemia o sickle cell anemia.
    • Pagdadalang-tao.
    • Problema sa bone marrow tulad ng lymphoma, leukemia, myelodysplasia, multiple myeloma, o aplastic anemia.
    • Slow blood loss na maaring dulot ng malakas na regla o stomach ulcers.
    • Biglang pagkawala ng maraming amount ng dugo.

    May panganib nga ba na magkaroon ng anemia ang buntis?

    Kapag nagbubuntis, kailangan ng iron supplement sa katawan. Layunin nitong makatulong na magkaroon ng sapat na red blood cells upang siguradong makaiwas sa sakit na anemia o sa sintomas ng anemia sa babae.

    Ano ang sintomas ng anemic na buntis? Kung ang isang pregnant mommy ay mayroong iron deficiency kapag nakakaranas ito palagi ng heavy menstrual bleeding. Sa ilang pagkakataon, maaari rin itong magkaroon ng ulcer at cancer. 

    Maaari naman din itong makuha kung madalas na gumagamit ng over-the-counter pain relievers, lalo na ang aspirin.

    Ano ang pangunahing sintomas ng anemia?

    Ano ang sintomas ng anemia? Dahil nga mababa ang bilang ng red blood cells, mapapansin kaagad ang pamumutla. Susunod na diyan ang labis na panghihina dahil nga sa hindi maayos ang mga organs ng katawan. 

    Iba-iba rin ang mga sintomas ng anemic na ang isang tao, depende pa ito sa kung anong uri ng anemia ang mayroon siya. Ilan sa karaniwang senyales ay mabigat ang pakiramdam, giniginaw, nahihilo, iritable, hirap huminga, at masakit ang ulo palagi.

    Kapag pinakinggan naman ang heartbeat, maririnig na irregular ito. Madalas din na naninikip ang dibdib ng tao. May mga nakakaramdam din ng madalas na panlalamig ng mga kamay at mga paa.

    Habang lumalala ang kondisyon, mas marami ang mararamdamang sintomas at mas madalas na rin ito.

    Ang mga kababaihang nagbubuntis ay “susceptible” sa iron-deficiency anemia dahil na rin sa increased blood supply demands habang nagbubuntis.

    Ilan pang sintomas ng anemia (anemia sintomas tagalog):

    1. Pamumutla (Isa sa madalas na anemic sintomas o symptoms na iniuugnay sa sakit)
    2. Panghihina
    3. Namamanhid madalas ang binti
    4. Paninikip ng dibdib, buto, tiyan at kasukasuan
    5. Pagkahilo o pakiramdam na parang hihimatayin 
    6. Panlalamig ng kamay at binti
    7. May problema sa pagtaas ng height (para sa mga bata at teens)
    8. Kinakapos sa paghinga
    sintomas ng anemia - babaeng nahihilo

    Ano ang sintomas ng anemia sa babae? Alamin sa artikulong ito. | Image grabbed from Freepik

    Bukod sa sintomas ng anemia, ano pa nga ba ang mga uri nito?

    Hindi lamang isa ang uri ng anemia tulad ng nauna ng nabanggit. Mahalagang malaman ang bawat isa nito upang malaman din kung ano ang sintomas at partikular na lunas. Ang mga ito ay ang sumusunod:

    1. Anemia dahil sa pagkawala ng dugo

    Maaaring bumaba ang iyong red blood cells dahil sa labis pagdurugo. Maaari itong unti-unting mangyari nang hindi mo napapansin. Magugulat ka na lang na hindi na pala sapat ang suplay ng dugo para sa iyong buong katawan. Ang mga maaaring sanhi nito ay:

    • Gastrointestinal conditions tulad ng ulcers, hemorrhoids, gastritis (pamamaga ng tiyan), at cancer
    • Non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng aspirin o ibuprofen, na maaaring magdulot ng ulcer at gastritis
    • Menstruation para sa mga babae, lalo na kapag malakas nang menstruation o heavy period. Maaari itong maiugnay sa hemorrhoids.
    • Post-trauma o pos-surgery

    2. Anemia dahil sa mababang produksyon ng red blood cells

    Sa ganitong uri ng anemia, hindi nakakagawa ng sapat na red blood cells ang iyong katawan. Hindi na kasi nito nagagampanan ang kanyang tungkulin. 

    Maaari itong mangyari kapag mayroong mali isa iyong red blood cells. Pwede ring hindi na sapat ang minerals at vitamins sa iyong red blood cells. Ang mga kondisyon na nauugnay sa mga dahilan ng anemia na ito ay kinabibilangan na:

    • Problema sa bone marrow at stem cell
    • Iron-deficiency anemia
    • Sickle cell anemia
    • Vitamin-deficiency anemia, partikular na ang b12 o folate

    3. Problema sa bone marrow at stem cell

    Maaari nitong mapigilan ang paggawa ng red blood cells ng iyong katawan. Ang ilan sa mga stem cell na nasa loob ng marrow sa gitna ng iyong mga buto ay maaaring ma-develop bilang red blood cells.

    Kung walang sapat na stem cell, hindi ito gagana ng maayos, o kapag napalitan ito ng ibang cells tulad ng cancer cells, maaari kang magkaroon ng anemia. Ang anemia na dulot ng problema sa bone marrow o stem cells ay kinabibilangan ng:

    • Apalastic anemia. Nangyayari kapag walang sapat na stem cells.
    • Lead poisoning. Nagiging dahilan ng pagkonti ng red blood cells.
    • Thalassemia. Nangyayari kapag may problema sa hemoglobin formation.

    4. Iron-deficiency anemia

    Nangyayari ito kapag walang sapat na mineral iron sa iyong katawan. Ang iyong bone marrow ay nangangailangan ng iron upang makagawa ng hemoglobin, ang bahagi ng red blood cell na nagdadala ng oxygen sa iyong mga organ. Ang iron-deficiency anemia ay maaaring dulot ng:

    • Diet na walang sapat na iron, lalo na sa sanggol, bata, teenagers, at vegetarians
    • Ilang mga gamot, pagkain, at caffeinated na inumin
    • Digestive conditions tulad ng Crohn’s disease, o kung mayroong bahagi ng iyong tiyan o small intestine na tinanggal
    • Madalas na pag-donate ng dugo
    • Endurance traing
    • Pagbubuntis at pagsususo na gumagamit ng iron mula sa iyong katawan
    • Menstruation
    • Chronic slow bleed na kadalasan ay mula sa gastrointestinal source

    5. Sickle cell anemia

    Ang red blood cells na kadalasang hugis bilog ay nagiging crescent-shape dahil sa problema sa genes. Ang crescent-shaped red blood cells ay maaaring maipit sa maliliit na blood vessels at magdulot ng pananakit.

    6. Vitamin-deficiency anemia

    Nangyayari ito kapag hindi ka nakakakuha ng sapat na vitamin B12 at folate na parehas kailangan upang makagawa ng red blood cells. Ang ganitong klaseng anemia ay maaaring dulot ng:

    • Dietary deficiency. Kung kaunti lamang ang kinakain na karne o hindi kumakain ng karne, maaaring hindi ka makakuha ng sapat na vitamin B12. Kung overcooked ang kinakain na gulay o hindi kumakain ng sapat na gulay, maaaring hindi ka makakuha ng folate.
    • Megaloblastic anemia. Kapag hindi ka nakakakuha ng vitamin B12, folate, o parehas.
    • Pernicious anemia. Kapag hindi nakaka-absorb ng sapat na vitamin B12 ang iyong katawan.

    7. Anemia na nauugnay sa iba pang chronic conditions

    Nangyayari ito sa long-standing inflammation na nakakapagpabagal ng produksyon ng bone marrow ng red blood cells sa iba’t ibang paraan.

    • Advanced kidney disease
    • Hypothyroidism
    • Katandaan
    • Long-term disease tulad ng cancer, impeksyon, lupus, diabetes, at rheumatoid arthritis

    8. Anemia na dulot ng destruksyon ng red blood cells

    May mga pagkakataong hindi na kinakaya ng katawan ang stress na dumadaloy sa iyong red blood cells. Nagiging dahilan ito para pumutok ang ugat at maging maging dahilan ng hemolytic anemia. Hindi man malinaw ang mga sanhi ng hemolytic anemia, pero ilan dito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

    • Pag-atake sa iyong immune system katulad sa lupus
    • Kondisyon na naipapasa sa genes, tulad ng sickle cell anemia, thalassemia, at thrombotic thrombocytopenic purpura (TTP)
    • Paglaki ng spleen 
    • Bagay na nagbibigay ng strain sa iyong katawan, tulad ng impeksyon, droga, venom ng ahas o gagamba, o piling mga pagkain
    • Toxins mula sa advanced liver o iba pang kidney disease
    • Vascular grafts, grafts, prosthetic heart valves, tumors, severe burns, being around certain chemicals, severe hypertension, at clotting disorders

    Pasa sa iyong katawan, sintomas ng anemia nga ba?

    Pasa sa katawan na dulot ng anemia at iba pang sintomas ng anemia

    Maaaaring amy anemic ang isang taong madalas nagkakaroon ng pasa sa katawan. | Larawan mula sa Shutterstock

    Oo, ang sagot sa katanungang ito. Ang pagkakarooon ng iron deficiency anemia ay nagdudulot sa balat na mangati at madaling kapitan ng mga pasa. Ang balat na nasugatan at nagkaroon ng pasa ay maaaring magdulot ng rash-like appearance sa balat.

    Maaaring masabing anemia ang dahilan ng iyong mga rashes dahil sa ibang sintomas na kasama nito. Ang mababang bilang ng platelet na nangyayari kasama ang aplastic anemia ay maaaring magkaroon ng ibang sintomas na kinabibilangan ng:

    • Maliliit na pasa na nakakakalat sa balat
    • Pagdurugo ng ilong at ng gums
    • Pagkakaroon ng dugo sa tuwing dumudumi
    • Problema sa paningin na dulot ng pagdurugo ng retina
    • Heavy menstrual bleeding para sa mga babae

    Paano natutukoy ang sakit na anemia?

    Kung nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas, mas mainam na magpatingin sa doktor para malaman kung anemic na. Pero paano ba malalaman kung anemic na ang isang tao? Una, siya ay sasailalim sa physical test o exam na susukatin ang mga sumusunod:

    • Pakikinig sa heart murmur o sounds sa iyong puso.
    • Low blood pressure lalo na sa tuwing tatayo.
    • Bahagyang pagkakaroon ng lagnat.
    • Maputlang balat.
    • Mabilis na tibok ng puso.

    May mga uri naman ng anemia na hindi lang basta sa physical exam natutukoy. Kinakailangan ng blood test para matukoy kung anong klaseng anemia ang nararanasan ng isang tao. Ang mga blood test na ito ay ang sumusunod:

    • Pagsukat ng blood levels ng iron, vitamin B12, folic acid, at iba pang vitamins at minerals sa dugo.
    • Complete blood count (CBC)
    • Reticulocyte count

    Maliban sa mga ito ang isang pasyente ay maaring sumailalim sa iba pang test lalo na kung ang anemia na kaniyang nararanasan ay dulot ng iba pang karamdaman.

    Gamot sa mga pasa na dulot ng anemia

    Kinakailangang matugunan ang underlying cause nito at maibalik ang produksyon ng blood cell ng katawan.

    Ang aplastic anemia ay nauuri ng non-severe, severe, o very severe. Nakabase ito sa blood count ng isang tao at makakatulong na matukoy ang kinakailangang treatment plan. Mas malala ang kondisyon kapag mas mababa ang bilang ng blood cell.

    Ang treatment para sa aplastic anemia ay kinabibilangan ng:

    Maaaring magbigay ng gamot para makamit ang mga sumusunod:

    • Ma-stimulate ang bone marrow
    • I-suppress ang immune system
    • Maiwasan at gamutin ang mga impeksyon

    May mga uri nga ba ang anemia na nakamamatay?

    sintomas ng anemia - namumutlang balat

    Maaari nga bang maging sanhi ng pagkamatay ang anemia? Ito ang sagot ng experts.| Larawan mula sa Shutterstock

    Oo. Ang anemia of chronic disease ay dala ng iba pang mas malubhang karamdaman. Ilan sa mga ito ay ang mga sakit na tulad ng cancer, HIV/AIDS, rheumatoid arthritis, kidney disease, Crohn’s disease at iba pang chronic inflammatory diseases.

    Ang aplastic anemia naman ay isang uri ng life-threatening anemia na sanhi ng hindi sapat na pag-prodyus ng red blood cells ng katawan, impeksiyon, autoimmune diseases at exposure sa mga toxic chemicals.

    Mayron ding sanhi ng kondisyon ng bone marrow tulad ng leukemia at myelofibrosis na nakakaapekto sa blood production ng bone marrow.

    Maaari bang mamana ang sakit na amenia?

    Sa malungkot na balita, ang sagot dito ay oo. Literal raw na nasa dugo ang sakit na ito. Mayroon din daw uri ng anemia o hereditary o namamana. Maaaring magsimula ito pagkapanganak pa lamang hanggang sa maging bata na siya. 

    Maaari rin namang magkaroon din ng anemia dahil sa hindi pagkain ng sapat na masusustansiyang pagkain, ikaw man ay bata o matanda. Mayroon ding iba pang kundisyon na maaari ring pagmulan ng anemia.

    Mga maaaring gamot sa anemic na tao

    Ang paggamot ay depende sa kung anong uri ng anemia ang nararamdaman ng pasyente. Una na rito ang pagbabago ng mga kinakain, para masigurong mayaman sa iron at folate at iyong diet.

    May mga nakukuha sa mga gamot at supplements, pero madalas din ay nangangailangan ng medical procedures, paliwanag ni Dr. Palarca.

    Kung ang anemia ay sanhi ng isang chronic disease, may angkop na paggamot para sa uri ng karamdaman o kondisyon. Kung ito ay aplastic anemia, halimbawa, maaaring irekumenda ng doktor na kumunsulta sa hematologist para sa isang bone marrow biopsy para malaman kung ano ang sanhi ng anemia. May medikasyon at blood transfusions para magamot ang aplastic anemia.

    Mga dapat kainin ng taong anemic para mapabuti ang kalagayan

    1. Berdeng gulay

    Sa maraming pagkakataon, malaki talaga ang tulong ng pagkain ng gulay para sa katawan ng tao. Masustansiya namang talaga ang mga berdeng gulay, lalo na kung dark green ito, tulad ng spinach, kale, Swiss chard at collard greens na mayaman sa folate.

    sintomas-ng-anemia - mga pagkain na nakakatulong na maiwasan ang sakit

    Sintomas ng anemia | Image from Unsplash

    2. Citrus fruits, beans, at whole grains

    Ang mga pagkaing ito ay mayaman din sa folate.

    Isa sa mga dapat kainin ng taong anemic ay ang mga pagkaing mayaman sa folate. Kalad ng mga gulay, prutas, nuts o grains.

    3. Pagkaing may Vitamin C

    Kung isasabay ang pagkain ng berdeng gulay sa pagkaing may vitamin C tulad ng oranges, red pepper, at strawberries, mas magiging epektibo ang iron absorption.

    4. Karne

    Lahat ng meat at poultry ay may heme iron. Ang red meat at lamb ay pinakamainam na source ng iron. Bagamat hindi gaanong kahitik ang poultry at manok, mabuting sanhi pa rin ito ng iron. Lalo na kung kasabay sa pagkain ng berdeng gulay.

    5. Atay

    Isa sa mga dapat kainin ng taong anemic ay ang mga pagkaing mayaman sa iron at folate, kasama na ang iba pang “organ-meat” tulad ng puso, kidney, at dila ng baka.

    6. Seafood

    Anumang shellfish tulad ng oysters, clams, at hipon ay mayaman sa iron. Dagdag pa dito ang mga uri ng isda tulad ng sardinas at tuna, de lata man o sariwa, salmon, halibut, at perch. Tandaan na ang mga pagkaing mayaman sa calcium tulad ng delatang salmon, gatas, yogurt, atbp., ay hindi dapat na sinasabay sa pagkain ng iron. Nakahahadlang ito sa absorption ng iron sa katawan.

    sintomas-ng-anemia - pagkain ng isda nakakatulong na maiwasan ang sakit

    Marami ang pagkaing para sa mga taong anemic para mapabuti ang kanilang kalagayan. | Image grabbed from Unsplash

    7. Beans

    Kung vegetarian at hindi makakakuha ng iron sa karne, beans ang alternatibo, bagamat rekumendado pa rin ito kahit hindi vegetarian. Nariyan ang kidney beans, chickpeas, soybeans, black-eyed peas, pinto beans, black beans, peas, at lima beans.

    8. Nuts at seeds

    Nariyan ang pumpkin seeds, kasuy, pistachios, hemp seeds, pine nuts, at sunflower seeds.

    9. Foods with iron

    Tulad ng fortified orange juice, cereals, white bread, pasta, pagkaing galing sa cornmeal, at white rice.

    10. Cereal

    Ang almusal ang pinakamagandang oras para kumonsumo ng iron. Ang cream ng wheat o bran at oat cereal ay mayaman sa iron at magandang opsyon na kainin sa umaga. 

    11. Itlog 

    Anumang luto ng itlog – scrambled, boiled, sunny-side up – ay makakakuha ka ng sapat na iron. Maaaring sabayan ng wheat bread para mas madagdagan ang iron na ma-konsumo ng katawan. Ngunit kung ang pagkain nito ay sasabayang inuman ng kape o tea ay maaaring mapigil ang absorption ng iron. 

    12. Sariwang prutas

    Ang pakwan ay higit pa sa isang nakakapreskong pagkain sa tag-araw. Ang isang maliit na hiwa nito ay maaaring magbigay sa iyo ng .69 mg ng iron. Habang ang isang saging ay may .36 mg.

    Ano ang kailangang kainin para labanan ang anemia? May vitamins ba para dito?

    Bukod pa sa mga gamot sa anemic na tao, mapipigilan din ito ng mga vitamins na available sa market. Kailangan ng katawan ng iron, vitamin B-12, folate at iba pang nutrients.

    Ang mga ito ay maaaring makuha sa piling pagkain at supplements. Nalalabanan at nasasangga ang pagkakaron ng ilang uri ng anemia sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiya, lalo na kung mayaman sa iron.

    sintomas ng anemia - doktor na may hawak na gamot

    Malaking tulong ang vitamins para sa mga taong anemic. | Larawan mula sa Shutterstock

    May mga iron supplement na maaaring inumin para madagdagan ang iron at vitamins na kailangan ng katawan upang maiwasan ang anemia at ibang sakit na maaaring maging dulot nito. 

    Tandaan na dapat sundin ang tagubilin ng doktor o ang label ng produkto kung kailan at gaano kadalas iniinom ang food supplement. 

    Kadalasang kailangan ng mga matatanda ang mga dieatary supplements na may taglay na mga sumusunod:

    • Vitamin B-12 — 2.4 micrograms (mcg)
    • Folate or folic acid — 400 mcg
    • Vitamin C 75 to 90 milligrams

    Para naman sa mga buntis o breastfeeding na nanay ay nire-require at mas marami para sa bawat vitamins.

    Maaari ring ikonsidera ang pag-inom ng multivitamin

    Kung concern ka patungkol sa hindi enough na vitamins na nakakukuha mo sa iyong kinakain maaaring tanungin ang iyong doktor kung ano ang multivitamin na maaari para sa iyo.

    Ayon sa mga doktor, nangangailangan ng mula 150 hanggang 200 milligrams ng iron sa araw-araw. Sa umpisa pa lang na malamang may anemia, kailangang matugunan kaagad ang iron deficiency. Ito ay para malabanan ito at mabawi ang reduced red blood cells.

    Walang iisang pagkain na mayaman sa iron ang makakagamot sa anemia. Siguraduhing makakain ng lahat ng uri ng pagkain para lubos ang paggaling.

     

    Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva at Irish Mae Manlapaz

    Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

    May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!