X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Insurance
    • Loans
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
    • COVID-19
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping

Sumasali ang anak sa online challenge? Heto ang dapat gawin para maging safe siya mula sa mga social media trend

4 min read
Sumasali ang anak sa online challenge? Heto ang dapat gawin para maging safe siya mula sa mga social media trend

Communication is the key pa rin para sa mga parents para maiwas ang kanilang anak sa dangers ng social media.

Dahil sa lawak ng peer pressure ngayon online, maraming kabataan ang nahuhumaling na sumali sa mga challenges sa social media. Narito ang dapat gawin ng parents para maging safe ang anak from social media trend.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Sumasali ang anak sa ‘online challenges?’ Heto ang dapat gawin para maging safe siya from social media trend
  • Social media risk for teenagers

Sumasali ang anak sa ‘online challenges?’ Heto ang dapat gawin para maging safe siya from social media trend

dalawang babae na nagse-selfie - social media trend

Teenagers ang kadalasang prone sa pagsali sa mga social media trends. | Larawan mula sa Pexels

We are already living in a modern world. Hindi na lang adult ang may access sa gadgets at internet kung hindi maging ang mga kabataan. Ito na ang nagsisilbing entertainment at kung minsan basis nila sa mga gagawin.

Talamak sa social media ang iba’t ibang trend. Kabilang diyan ang challenges na kailangan gawin ng mga tao para masabing sila ay “in” o kabilang sa uso. Naririyan ang mga sayaw na kailangang gayahin. Mayroon din namang kung minsan ay mga delikado na at labis na ikapapahamak nila.

Kadalasang biktima nito ang teenagers dahil sila ang prone sa peer pressure at natutulak na subukan ang risk. Maaaring magkaroon ng tuksuan ng pagiging ‘duwag’ o ‘kill joy’ kung hindi sasali. May pagkakataon ding sa online na sila kumukuha ng validation para maka-gain ng self-esteem at confidence.

Sa ganitong edad raw kasi ay hindi pa developed ang isipan ng kabataan. Kumbaga, hindi pa ito fully-functioning hangga’t hindi nakakatuntong ng kanilang mid-20’s.

Sa phase kasi ng adolescence madaling nadadala ng mga desisyon mula sa kanilang peers. Kung minsan pa nga ay nagrerebelde sa kanilang mga magulang. Para sa experts, normal naman daw ang ganitong kaganapanan dahil parti ito ng kanilang development. Kinakailangan din daw nilang malaman ang independence para matututo sa maraming life skills.

Communication is always the best choice

babae na nagsi-cellphone - social media trend

Ugaliing magkaroon ng healthy relationship between you and your child. | Larawan mula sa Pexels

As common as it may sound pero ang best way raw upang maging ligtas ang anak ay ang kausapin sila.

Habang tumatanda ang bata ay mas nagiging malayo at awkward ang relasyon nila sa parents. Nawawala kung minsan ang lambing at iba pang gawain na dati ay ginagawa naman ng magulang at anak. Maging ang pag-uusap ay isang mahirap na gawain lalo na sa kultura ng mga Pilipino. Mapapansin mo na naiinis o iniiwasan nila parati sa tuwing nag-eengage ka.

Maraming pag-aaral na ang nagsabing malaki ang magagawang difference ng pakikipag-usap sa anak. Malaking tulong daw ito para makabawas na magtake sila ng risk sa mga delikadong bagay.

Maaari raw simulan ito sa paraang conversational. Dapat lang na hindi nila mararamdaman na pinipigilan mo kaagad sila sa mga bagay-bagay na nagpapasayat sa kanila. Halimbawa sa effective na pagtatanong ay:

“Narinig mo ba iyong bagong challenge ngayon? Ano ang pagtingin mo dun?”

Hayaang malaman kung alam niya ito at kung paano niya ba ito tinitignan. Maaaring pahapyaw na bigyan siya ng ideya kung ano ang iyong pagtingin dito. Pwedeng ipaliwanag na delikado ang ganitong bagay at maaari itong pagmulan ng aksidente o kapahamakan.

Kailangan daw iwasan ng mga magulang na maging antagonistic. Hindi dapat pinangungunahan na gagawin niya ito dahil lang sa ginagawa rin ng karamihan.

Kahit daw sa tingin mong hindi nakikipag-engage ang iyong anak sa conversation ituloy lang ang healthy communication. Kalaunan kasi ay nauunawaan nila ang importansya nito.

Social media risk for teenagers

Katulad ng outside world, hindi rin ligtas ang mga kabataan online. Lalo ngayon na mas dumarami na ang krimen na nagagawa sa social media. Malaking bilang na kasi ng populasyon ang gumagamit nito.

Para sa parents, mahalagang alam nila kung ano ang risk na maaaring kaharapin ng kanilang mga anak. Para magkaroon ka ng idea, narito ang ilan sa mga ito:

  • Pagiging biktima ng cyberbullying. Nagiging matapang ang mga tao sa online world dahil kaya nilang i-hide ang kanilang identity. Dahil dito, dumarami tuloyg ang mga bully online lalo na sa mga bulnerableng biktima tulad ng teenagers.
  • Health issues. Maraming kabataan din ang sadyang nahuhumaling talaga sa social media. Nauuwi tuloy ito sa pagiging puyat nila. Minsan din ay kawalan ng physical activity at pag-iwas na kumain para lang makakeep up sa update nangyayari sa virtual world.
  • Lower self-esteem and self-confidence. May image at standard na sine-set ang social media. Ang standards na ito ay kadalasang unrealistic kaya kahit anong gawin nilang gayahin ay nahihirapan sila. Mauuwi tuloy sa bababa ang kanilang tiwala sa sarili dahil tingin nila hindi sila katulad ng mga nakikita nila online.

Psychology Today, Newport Academy

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Ange Villanueva

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Sumasali ang anak sa online challenge? Heto ang dapat gawin para maging safe siya mula sa mga social media trend
Share:
  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Pregnancy
  • Parenting
  • Lifestyle Section
  • FAMILY & HOME
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Become a Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it