Bilang mga moms na nasa rural areas at financially challenged, hirap sila sa access at mag-maintain ng healthy na pagkain araw-araw. Gayundin, may struggles din pagdating sa lifestyle na health para sa pamilya.
Imahe mula sa | Freepik
Sa kasalukuyan, mas nagre-rely ang mga moms sa outdoor at nature activities tulad ng pag-akyat ng bundok, paliligo sa ilog at water falls, pamamasyal sa bukid, at pagbisita sa malalapit na dagat. Ngunit, nahahadlangan na rin sila sa mga ito dahil sa mga privatization ng mga access sa mga ito.
Nature activities at struggle ng mga moms
Ipinapakita ng mga kasalukuyang pag-aaral na ang 20 minutes na exposure sa nature ay nagpapa-boost ng health at well-being. Sa kabilang banda, ang assumption natin na kapag nakatira sa rural areas, mas madaling magawa ang nature activities.
Ngunit, karamihan din sa mga rural at low-income moms ay hirap sa access ng mga public recreations na inaasahan nila. Hirap din silang mai-convert ang family health sana sa mga public access ng nature at outdoor activities.
Imahe mula sa | Freepik
Outdoor nature activities
Sa isang foreign project tungkol sa healthy rural families, lumitaw sa mga interview kung papaanong napapanatili ang kalusugan ng mga pamilya. Iisa lamang ang sagot ng mga nanay at magulang na kasama sa nabanggit na project: paglahok o pagsasagawa ng outdoor activities.
Sa pag-aaral ni Dina Izenstark, inaalam niya kung bakit nagiging paraan ng pag-promote ng kalusugan ng isang pamilya ang nature trips. Natuklasan niya na ito ang nagiging solusyon ng mga ina na nasa context ng rural areas. Dahil sa espasyo na ginagalawan nila na malapit sa kalikasan, ito ang naiisip nilang paraan.
Family health
Dagdag pa sa pag-aaral ni Izenstark, ang outdoor nature activities ang nagiging solusyon ng mga rural moms. Dahil ito sa kakulangan ng income at access sa standard na healthy lifestyle. Sa pagiging malapit sa kalikisan, ito ang nakikita na oportunidad ng mga ina para sa pagpapabuti ng kalusugan nila.
Maging ang mga pang-araw-araw na gawain, tulad ng pagsasaka kasama ang pamilya, ay nagiging paraan din upang pagtibayin ang kalusugan ng pamilya.
Imahe mula sa | Freepik
Tandaan
Walang eksaktong paraan at pattern para panatilihing malusog ang sarili at ang pamilya. Tulad ng mga rural moms, hindi balakid ang kakulangan ng income para makahanap ng paraan. Ang kalikasan sa ating paligid ang pinaka-organic na daan tungo sa kalusugan natin.
Isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!