X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

May diaper rash si baby? 7 na maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari

8 min read

May diaper rash ba si baby? Dahil iba na ang ating panahon at ginagamitan natin ng diaper si baby kaysa sa lampin ay maaari siyang magkaroon ng diaper rash.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Ano ang diaper rash
  • Sintomas ng diaper rash
  • Sanhi ng diaper rash kay baby
  • Gamot sa diaper rash ni baby

Kaya naman ang nga ba ang diaper rash kay baby? Ano ang sanhi at gamot para rito? Alamin sa artikulong ito.

Ano ang diaper rash?

baby diaper rash

Larawan mula sa Shutterstock

Ang diaper rash ay karaniwang nangyayari sa mga bata. Wala yatang batang hindi nakaranas nito, kahit hindi malala.

Hindi po ito dahil sa pabayang mga magulang. Ito ay uri ng contact dermatitis o sakit sa balat na sanhi ng maraming bagay. Nagiging malala ito kung hindi naaagapan o naiimpeksiyon ng bacteria o yeast.

Ang diaper rash ay pamumula ng bahagi ng ibabang katawan, mula harap hanggang sa puwetan ng bata. Ito ay tumutukoy sa pagka-irita ng balat sa bahaging ito dahil na nga sa suot na lampin.

Kahit hindi pa uso o hindi pa nagsusuot ng disposable diaper ang mga bata nuong sinaunang panahon, mayron nang kaso ng diaper rash.

Nagmimistulang mas madalas at mas malala lamang ngayon dahil hindi maikakaila na kapag nababad sa materyal ng disposable diaper ang balat ng bata, ay mas nakakairita ito.

Tinatawag din itong diaper o ammonia dermatitis. Ang dermatitis ay ang pamamaga at labis na pamumula ng balat.

Maraming sanhi ng kondisyong ito, pero ang pinakakaraniwan ay ang contact irritation o pagka-irita ng balat dahil sa mga bagay na dumadampi dito, lalo’t nabababad sa basa.

May diaper rash si baby? 7 na maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari

Diaper rash kay baby. | Larawan mula sa Shutterstock

Mga sintomas ng diaper rash ni baby

  • Pamumula sa balat sa bahaging puwetan 
  • Kapansin pansin ang iritasyon ni baby lalo na habang nagpapalit ng diaper. Ang isang baby na may diaper rash ay mabilis mairita at umiyak kapag nahahawakan ang parte na may diaper rash. 

7 maaaring sanhi kung bakit nagkakaroon ng diaper rash si baby

Ang pagkakaroon ng diaper rash ay maaaring may iba’t ibang sanhi. Kaya naman nilista namin sa inyo ang mga karaniwang sanhi nang pagkakaroon ng diaper rash ni baby. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 

1. Iritasyon mula sa dumi at ihi.

Ang matagal na exposure sa dumi at ihi ni baby ay isa sa mga sanhi ng diaper rash. Kapag pinatagal ang dumi at ihi sa diaper nagkakaroon ng iritasyon sa balat ni baby. 

2. Mahigpit na diaper.

Ang paglalagay ng masyadong mahigpit na diaper kay baby ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng diaper rash. 

3. Iritasyon mula sa bagong produkto.

Ang balat ng baby ay maaaring mairita sa mga bagong produkto, tulad ng baby wipes, disposable diapers, detergent, bleach o fabric softener. Importante na humanap ng produkto na hiyang kay baby upang hindi makaranas ng diaper rash. 

4. Bacterial o yeast (fungal) infection.

Ang isang simpleng impeksyon sa balat ay maaaring lumalala at kumalat. Ang mga parte na nasasakop ng diaper tulad ng pwet at hita ay mas prone sa pagkakaroon ng bacteria. 

5. Reaksyon sa bagong pagkain kinakain ni baby

Kapag ang isang baby ay nag-umpisa ng kumain ng matigas na pagkain, nagbabago na rin ang kanilang dumi. Ang ganitong sitwasyon ay nagpapataas ng chance ng pagkakaroon ng diaper rash. 

6. Pagkakaroon ng sensitibong balat.

Ang mga baby na may kondisyon sa balat tulad ng atopic dermatitis o seborrheic dermatitis (eczema) ay mas madalas makaranas ng pagkakaroon ng diaper rash. 

7.  Paggamit o pag-inom ng antibiotic.

Ang antibiotic ay pumapatay ng good at bad bacteria. Kapag ang isang bata ay umiinom ng antibiotic, ang mga good bacteria na lumalaban sa mga impeksyon ay nababawasan. Ang paggamit ng antibiotics ay sanhi rin ng pagkakaroon ng diarrhea. 

BASAHIN:

6 quality Diaper Bags in the Philippines that you should check out!

Goodbye, diaper rash! Top 7 baby diaper rash medications

Top 7 diaper brands recommended by TAP app moms

Paano magagamot ang diaper rash?

baby diaper rash

Larawan mula sa Shutterstock

Mga mommies at daddies kahit gaano pa tayo kaiingat hindi maiiwasan na minsan ay magkaroon si baby ng diaper rash, kung kaya naman kinakailangan na maging maalam tayo sa mga treatments na pwede nating gawin. 

Partner Stories
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

Mga produkto na maaaring gamitin bilang treatment:

  • Cream o ointment na zinc oxide o petrolatum (petroleum jelly). IPahid ito sa parte na apektado ng rashes at patuyuin bago lagyan ng diaper. 
  • Baby powder. Huwag hayaan na mapunta sa mukha ng bata ang pulbos. I-apply ito sa may diaper area. 
  • Antifungal Cream. Gamitin ito kung may fungal infection si baby. 
  • Topical or oral antibiotics. Kung si baby ay may bacterial infection ito ang pinakamainam na gamitin. 

Ito naman ang mga home remedies at treatments na pwede nating gawin mga mommies at daddies:

  • Maghugas ng kamay bago at pagkatapos magpalit ng diaper ni baby.
  • I-check lagi ang diaper ni baby at palitan ito agad kung magkaroon ng dumi.
  • Gumamit ng malinis na tubig sa paghuhugas ng pwet ni baby. Gumamit ng hindi matapang na sabon. 
  • Imbis na kuskusin ay punasan ng dahan dahan ang parte na may diaper rash.
  • Kung ikaw ay gumagamit ng wipes, piliin ang angkop para sa balat ni baby. Iwasan ang mga wipes na may pabango o alcohol. O di kaya naman ay gumamit na lang ng malambot at malinis na tela.
  • Siguraduhin na tuyo ang pwet ni baby bago lagyan ng diaper. 
  • Kung kaya ay iwasan ang paggamit ng diaper upang mahanginan ang balat na may rashes na siyang makakatulong upang mas mapabilis ang pag galing nito.

Paraan para maiwasan ang diaper rash kay baby

Ang pinakamainam na paraang upang maiwasan ang pagkakaroon ng diaper rash ni babay ay kinakailangan na maging dry ang area ng sinusuotan ng diaper. Mayroon ibinahagi ang ang Mayo Clinic kung paano mababawasan ang tiyansa na magkaroon ng diaper rash si baby.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Palitan ang diaper ni baby ng madalas.

Agad palitan kapag nakita na basa na ang diaper ni baby para hindi siya magkaroon ng diaper rash. Kung aalis ka naman at ipapabantay si baby sabihan ang magbabantay sa kaniya na palitan ang kaniyang diaper kapag basa na ito.

baby diaper rash

Larawan mula sa Shutterstock

2. Hugasan ang puwetan ni baby nang maligamgam na tubig kapag papalitan siya ng diaper.

Mahalaga na hugasan ang puwetan ni baby at area sinusuotan ng diaper. Pwede ring gumamit ng washcloths, cotton balls, at baby wipes. Pero tandaan na dapat maging gentle sa paghuhugas kay baby.

Tandaan na huwag gumamit ng wipes na mayroong alcohol o fragrance. Kapag gagamit ka naman ng soap, kailangan mild lang at fragrance-free.

3. Punasan ng dahan-dahan ang dry skin nang malinis na towel o kaya naman patuyuin ito sa hangin.

Huwag niyong i-scrub ang iyong baby’s bottom. I-pat lamang ito sa skin ng iyong baby para hindi ma-irritate ang kaniyang skin.

4. Huwag sikipitan ang pagsuot ng diaper kay baby

Kapag masikip ang pagkakasuot ng diaper ay nagpe-prevent ito ng airflow kaya naman maaaring maging sanhi ito nang pagkakaroon ng diaper rash.

5. Bigyan ng maraming oras si baby na walang suot na diaper.

Kung posible namang hindi suotan si baby ng diaper ay huwag siyang suotan ng diaper. Ang pag-expose ng skin ni baby sa hangin ay natural at gentle na way para maging dry ito.

Kailan nga ba dapat humingi ng tulong sa doctor?

Kapag hindi naagapan ang diaper rash ay maaaring lumala ito, kinakailangan na ng tulong ng eksperto. Kaya narito ang mga signs na kailangan mo nang dalhin si baby sa doktor: 

  • Ang rashes ay mas lalong lumala sa loob ng dalawa o tatlong araw matapos gamutin.
  • Nagkaroon na ng blisters o pus-filled sores.
  • Nilalagnat si baby habang mayroong diaper rash.
  • Sobrang sakit na ng diaper rash ni baby.
  • Hinihinalang mayroong yeast infection.

Alin nga ba ang mas mainam gamitin, cloth diaper o disposable diaper?

May diaper rash si baby? 7 na maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari

Larawan mula sa Shutterstock

May dalawang uri ng diapers cloth diaper at disposable diaper. Ang cloth diaper ay maaaring hugasan matapos gamitin. Samantalang ang disposable diaper naman ay tinatapon matapos gamitin. 

Ayon sa isang pag-aaral, mas madalang magkaroon ng rashes ang mga baby na gumagamit ng disposable diapers. Sa kabilang banda ang pagkakaroon ng rashes ay hindi nababase sa kung ano mang uri ng diaper ang ginagamit ni baby.

Importante na gawin ay ang madalas na pagpapalit ng diaper, disposable man ito o hindi. Palitan agad ang diaper ni baby kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkakaroon ng diaper rash.

Tandaan mas mainam na agapan ang pagkakaroon ng diaper rash ni baby. Mas mainam talaga na iwasan ito para naman hindi ito lumalala pa at humantong sa maraming kumplikasyon.

 

Karagdagang ulat mula kay Joyce Vitug

Source:

Horii, Kimberly A., and Trisha A. Prossick. “Overview of diaper dermatitis in infants and children.”, Mayo Clinic, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • May diaper rash si baby? 7 na maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari
Share:
  • Preventing HIV infection among teenagers

    Preventing HIV infection among teenagers

  • Magiging spoiled ba ang baby kapag parating inaalo tuwing umiiyak? Ito ang sabi ng experts

    Magiging spoiled ba ang baby kapag parating inaalo tuwing umiiyak? Ito ang sabi ng experts

  • Protecting your child from the dangers of rabies

    Protecting your child from the dangers of rabies

  • Preventing HIV infection among teenagers

    Preventing HIV infection among teenagers

  • Magiging spoiled ba ang baby kapag parating inaalo tuwing umiiyak? Ito ang sabi ng experts

    Magiging spoiled ba ang baby kapag parating inaalo tuwing umiiyak? Ito ang sabi ng experts

  • Protecting your child from the dangers of rabies

    Protecting your child from the dangers of rabies

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.