Bagyong Ursula ipinangalan sa isang isanggol na ipinanganak sa gitna ng paghagupit nito sa probinsya ng Biliran.
Sanggol isinilang sa gitna ng bagyong Ursula
Sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Ursula sa Eastern Visayas nitong pasko ay isang sanggol ang isinilang.
Ayon sa video na inupload sa Manila Bulletin Online, ang ina ng sanggol ay papunta na sana sa isang Rural Health Unit ng makaramdam ng palatandaan na siya ay manganganak na. Ngunit napigilan siyang magpatuloy ng malakas na ulan at hangin na itinutumba na noon ang mga puno sa paligid nila. Kaya naman minabuti ng manganganak na ina na sumilong muna sa isang bahay na kanilang nadaanan. Doon siya inabutan at nanganak sa kaniyang sanggol. Sa tulong ng isang registered nurse at ni Caibiran Mayor Rhodessa Revita na noon ay sumaklolo sa kanila, isinilang ng ligtas ng ina ang kaniyang sanggol. At ang sanggol ay pinangalanang Mary Ursula.
Bagyo safety tips para sa mga expectant moms
Isa ka rin bang expectant mom o nagbabalak na magbuntis sa mga susunod na buwan? Puwes, dapat ka naring maging handa sa oras na may bagyong Ursula ulit ang humagupit sa bansa. Ito ay para masiguro ang kaligtasan mo at ng sanggol na iyong dinadala. Ilan sa mga tips na dapat mong isaisip at tandaan bago at sa gitna ng isang bagyo ay ang sumusunod.
Bago ang bagyo
Sa oras na mabalitaang may paparating na bagyo at ikaw ay nagdadalang-tao, narito ang mga guidelines na dapat mong tandaan.
Sa oras na mabalitaang may paparating na bagyo at ikaw ay nagdadalang-tao, narito ang mga guidelines na dapat mong tandaan.
-
Maghanda ng emergency bag na kung saan nakalagay na dito ang mga bagay na kakailanganin mo.
Kung ikaw ay nalalapit na sa iyong due date ay alamin ang signs ng labor at ihanda ang mga gamit ni baby tulad ng lampin, baru-baruan atbp at siguraduhing ilagay ang mga ito sa iyong emergency bag. Magdala rin ng kumot, damit at iba pang bagay na kakailanganin mo.
Maghanda rin ng malinis na tubig, pagkain at perang iyong magagamit sa oras ng emergency sa gitna ng bagyo.
-
Ihanda ang mga gamot o vitamins na iyong iniinom. Maglagay ng mga piraso nito sa isang sealable plastic bag at ilagay sa iyong emergency kit o bag.
Para makasigurado, mabuting maghanda ng pang-dalawang linggong supply ng mga gamot o vitamins na iyong iniinom. Ito ay upang sa oras ng relocation o emergency ay mayroon kang dalang sapat na supply ng gamot o vitamins mo. Mas makakatulong rin kung dadalhin mo ang orihinal na bote o preskripsyon ng gamot o vitamins na iyong iniinom. Para makakabili o makakahingi ka ng mga ito sa oras na maubos na ang supply mo.
-
Siguraduhing mayroon kang contact number ng iyong midwife o doktor.
Ito ay upang sa oras ng emergency ay mas madali mo silang matatawagan at mahihingan ng tulong medikal.
-
Dalhin din ang mga importanteng medikal records mo na may kaugnayan sa iyong pagbubuntis.
Makakatulong ito upang sa oras na wala ang iyong doktor ay mas maiintindihan ng bagong doktor na titingin sayo ang kalagayan mo.
-
Bumuo narin ng emergency plan sa tulong ng iyong pamilya o kamag-anak.
Para sa oras na manganak ka sa gitna ng bagyo ay alam mo na kung sino ang iyong tatawagan para hingan ng tulong.
-
Mag-preemptive evacuation kung ang bahay na iyong tinitirhan ay nasa mapanganib na lugar sa oras ng bagyo.
Image from Unsplash
Kung ikaw ay nalalapit na sa iyong due date mabuting lumipat muna sa lugar na malapit sa ospital o lying-in center na iyong pag-aanakan. Ito ay upang mas madali kang makakapunta o makakatawag ng tulong sa oras na maramdaman mong ikaw ay manganganak na.
Kug flood prone naman ang iyong lugar ay lumipat na muna sa mas mataas na lugar na ikaw ay magiging ligtas at komportable.
Pagtapos ng bagyo
Matapos ang bagyo ay sunod naman ang paglilinis at pagsasaayos ng mga nasalanta nito. Pero kahit na ba ang bagyo ay tumila ay kailangan mo paring mag-ingat at i-prioritize ang kaligtasan mo.
- Para makaiwas sa dehydration ay uminom ng maraming tubig at iwasan ang pag-inom ng may alcohol o caffeine.
- Maglinis o maligo upang mapanatiling malinis at cool ang iyong katawan.
- Huwag magbuhat ng mabigat at ipaubaya nalang ang paglilinis sa ibang miyembro ng inyong pamilya.
- Magpahinga hanggat maari at iiwas ang iyong sarili sa stress.
- Makipagkita agad sa iyong doktor kung may nararamdaman. O kaya naman ay magpatuloy at sundin ang iyong appointments at checkup.
Source: CDC
Basahin: Mahahalagang safety tips para sa bagyo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!