X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Nanay, nanganak sa gitna ng Bagyong Ursula

4 min read
Nanay, nanganak sa gitna ng Bagyong Ursula

Narito ang mga safety tips na dapat isaisip ng isang buntis sa oras na may paparating na bagyo.

Bagyong Ursula ipinangalan sa isang isanggol na ipinanganak sa gitna ng paghagupit nito sa probinsya ng Biliran.

Sanggol isinilang sa gitna ng bagyong Ursula

Sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Ursula sa Eastern Visayas nitong pasko ay isang sanggol ang isinilang.

Ayon sa video na inupload sa Manila Bulletin Online, ang ina ng sanggol ay papunta na sana sa isang Rural Health Unit ng makaramdam ng palatandaan na siya ay manganganak na. Ngunit napigilan siyang magpatuloy ng malakas na ulan at hangin na itinutumba na noon ang mga puno sa paligid nila. Kaya naman minabuti ng manganganak na ina na sumilong muna sa isang bahay na kanilang nadaanan. Doon siya inabutan at nanganak sa kaniyang sanggol. Sa tulong ng isang registered nurse at ni Caibiran Mayor Rhodessa Revita na noon ay sumaklolo sa kanila, isinilang ng ligtas ng ina ang kaniyang sanggol. At ang sanggol ay pinangalanang Mary Ursula.

bagyong ursula

Image from Unsplash

Bagyo safety tips para sa mga expectant moms

Isa ka rin bang expectant mom o nagbabalak na magbuntis sa mga susunod na buwan? Puwes, dapat ka naring maging handa sa oras na may bagyong Ursula ulit ang humagupit sa bansa. Ito ay para masiguro ang kaligtasan mo at ng sanggol na iyong dinadala. Ilan sa mga tips na dapat mong isaisip at tandaan bago at sa gitna ng isang bagyo ay ang sumusunod.

Bago ang bagyo

Sa oras na mabalitaang may paparating na bagyo at ikaw ay nagdadalang-tao, narito ang mga guidelines na dapat mong tandaan.

Sa oras na mabalitaang may paparating na bagyo at ikaw ay nagdadalang-tao, narito ang mga guidelines na dapat mong tandaan.

  • Maghanda ng emergency bag na kung saan nakalagay na dito ang mga bagay na kakailanganin mo.

Kung ikaw ay nalalapit na sa iyong due date ay alamin ang signs ng labor at ihanda ang mga gamit ni baby tulad ng lampin, baru-baruan atbp at siguraduhing ilagay ang mga ito sa iyong emergency bag. Magdala rin ng kumot, damit at iba pang bagay na kakailanganin mo.

Maghanda rin ng malinis na tubig, pagkain at perang iyong magagamit sa oras ng emergency sa gitna ng bagyo.

bagyong ursula

Image from Freepik

  • Ihanda ang mga gamot o vitamins na iyong iniinom. Maglagay ng mga piraso nito sa isang sealable plastic bag at ilagay sa iyong emergency kit o bag.

Para makasigurado, mabuting maghanda ng pang-dalawang linggong supply ng mga gamot o vitamins na iyong iniinom. Ito ay upang sa oras ng relocation o emergency ay mayroon kang dalang sapat na supply ng gamot o vitamins mo. Mas makakatulong rin kung dadalhin mo ang orihinal na bote o preskripsyon ng gamot o vitamins na iyong iniinom. Para makakabili o makakahingi ka ng mga ito sa oras na maubos na ang supply mo.

  • Siguraduhing mayroon kang contact number ng iyong midwife o doktor.

Ito ay upang sa oras ng emergency ay mas madali mo silang matatawagan at mahihingan ng tulong medikal.

  • Dalhin din ang mga importanteng medikal records mo na may kaugnayan sa iyong pagbubuntis.

Makakatulong ito upang sa oras na wala ang iyong doktor ay mas maiintindihan ng bagong doktor na titingin sayo ang kalagayan mo.

  • Bumuo narin ng emergency plan sa tulong ng iyong pamilya o kamag-anak.

Para sa oras na manganak ka sa gitna ng bagyo ay alam mo na kung sino ang iyong tatawagan para hingan ng tulong.

  • Mag-preemptive evacuation kung ang bahay na iyong tinitirhan ay nasa mapanganib na lugar sa oras ng bagyo.

bagyong-ursula

Image from Unsplash

Kung ikaw ay nalalapit na sa iyong due date mabuting lumipat muna sa lugar na malapit sa ospital o lying-in center na iyong pag-aanakan. Ito ay upang mas madali kang makakapunta o makakatawag ng tulong sa oras na maramdaman mong ikaw ay manganganak na.

Kug flood prone naman ang iyong lugar ay lumipat na muna sa mas mataas na lugar na ikaw ay magiging ligtas at komportable.

Pagtapos ng bagyo

Matapos ang bagyo ay sunod naman ang paglilinis at pagsasaayos ng mga nasalanta nito. Pero kahit na ba ang bagyo ay tumila ay kailangan mo paring mag-ingat at i-prioritize ang kaligtasan mo.

  • Para makaiwas sa dehydration ay uminom ng maraming tubig at iwasan ang pag-inom ng may alcohol o caffeine.
  • Maglinis o maligo upang mapanatiling malinis at cool ang iyong katawan.
  • Huwag magbuhat ng mabigat at ipaubaya nalang ang paglilinis sa ibang miyembro ng inyong pamilya.
  • Magpahinga hanggat maari at iiwas ang iyong sarili sa stress.
  • Makipagkita agad sa iyong doktor kung may nararamdaman. O kaya naman ay magpatuloy at sundin ang iyong appointments at checkup.

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: CDC

Basahin: Mahahalagang safety tips para sa bagyo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Nanay, nanganak sa gitna ng Bagyong Ursula
Share:
  • LOOK: Baby na inilagay sa palanggana, ligtas na

    LOOK: Baby na inilagay sa palanggana, ligtas na

  • Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

    Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • LOOK: Baby na inilagay sa palanggana, ligtas na

    LOOK: Baby na inilagay sa palanggana, ligtas na

  • Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

    Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.