Patay ang isang lalaki matapos nito umanong uminom ng chloroquine pangkontra sa coronavirus.
Chloroquine as medicine for coronavirus? | Image from Freepik
Lalaki namatay nang uminom ng chloroquine para makaiwas sa COVID-19
Buong pag-aakala ng isang lalaki na ang pag-inom ng chloroquine ay isang paraan para makaiwas sa coronavirus. Ngunit hindi niya alam na makakapagdala pala ito sa kanya ng kapahamakan.
Patay ang isang lalaki sa Arizona nang uminom ito ng chloroquine phosphate pangontra sa coronavirus.
Ayon sa asawa nito na napag-alaman ding uminom ng chloroquine phosphate, una nilang nalaman ang chloroquine dahil ginamit nila ito bilang gamot sa kanilang alagang isda na koi. Matapos gumaling ng isda, saka sila nagkaroon ng ideya na puwede itong inumin at maaaring pangontra sa virus.
Dahil sa takot na mahawaan ng sakit, naglagay sila ng maliit na amount sa kanilang tubig. Matapos ang 20 minutes, nakaramdam agad sila ng pagkahilo. At dito na magsimulang magsuka ang babae habang ang asawang lalaki naman ay hirap na rin.
Chloroquine as medicine for coronavirus? | Image from Freepik
Ngunit nang makarating sila sa hospital, agad ding binawian ng buhay ang kanyang asawang lalaki habang nasa critical care ang babae. Dahil na rin may edad ang dalawa, agad silang nanghina sa ininom na chloroquine.
Ang chloroquine ay isang gamot para sa paggamot ng malaria sa mga tao. Ngunit ang ininom ng mag-asawa ay hindi medical form ng chloroquine kundi ito ay isang ingredient para sa mga parasite ng isda.
Ang mga drugs na ito ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa puso ng isang tao at iba pang sakit katulad ng renal failure at hepatic disease.
Sa isang pag-aaral, ang combination ng hydroxychloroquine at antibiotic azithromycin ay nakatulong ng kahit kakaunti sa SARS dati. Ngunit paglilinaw din ng CDCP na “it did not assess clinical benefits.“
Chloroquine as medicine for coronavirus? | Image from Freepik
Sa ibang pag-aaral naman na ginawa ng Journal of Zhejiang University in China ay nagpapakita na walang kasiguraduhan pa na ang drugs na ito ay maaaring maging antidote sa COVID-19. Pwede na gumana ito minsan ngunit hindi pa masasabi kung gagana ng ligtas itong medicine sa virus.
Ayon sa isinagawang test, ang 15 na pasyente na hindi binigyan ng hydroxychloroquine ay kasalukuyang under conventional care. Dito siya binibigyan ng oxgen inhalation, anti-viral drugs at bed rest. Samantalang ang isang pasyente namang binigyan ng hydroxychloroquine ay kasalukuyang nagkaroon ng matinding sakit. At ang apat na iba pang pasyente ay nagkaroon ng diarrhea at sintomas ng pagkasira ng liver.
Sa ganitong pagkakataon, hindi pa rin masasabi kung ang chloroquine ba talaga ang gamot para sa coronavirus. Masusi at malalim na pag-aaral ang kinakailangan bago ito masabing antidote sa virus.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!