X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Daing na Bangus: Ang perfect fried fish partner sa anumang ulam

4 min read

Daing na bangus agad ang naiisip natin kapag tinatanong tayo kung anong luto sa bangus ang isa sa pinaka-popular. Mula sa mga palengke hanggang sa mga supermarket, makikita nating laging meron nito sa seafood section. Madali kasing itong lutuin at hindi rin komplikadong i-terno sa ibang ulam kaya hindi ito nawawala sa hapag-kainan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sangkap para sa Daing na Bangus
  • Paraan ng paglilinis sa Bangus
  • Paraan ng pagluluto sa Daing na Bangus

Popularidad ng daing na bangus sa bansa

daing na bangus

Daing na bangus. | Larawan mula sa iStock

Napapaligiran ng anyong tubig ang ating bansa kaya naman sagana tayo sa iba’t-ibang uri ng isda. Isa ang bangus sa paboritong uri ng isda ng mga pinoy dahil sa dami ng putahe na mailuluto dito. Madali din itong paramihin at alagaan kaya maunlad ang industriya ng pag-aalaga nito sa bansa.

At kapag bangus ang pinag-uusapan, hindi mawawala dito ang probinsya ng Pangasinan. Tinagurian itong “Bangus Capital of the Philippines” dahil bangus ang pangunahing produkto ng probinsya. Bilang pagpupugay, taunan nilang ipinagdiriwang ang kanilang Bangus Festival.

Hindi lamang sa Pangasinan sagana ng bangus dahil maging sa ibang probinsya ay marami ring may palaisdaan nito. Sa pagkakaroon ng napakaraming palaisdaan ng bangus, hindi nakapagtataka na popular nito sa ating bansa.

 

Ang paglilinis ng bangus

Ang bangus ang isa sa pinakamatinik na isda kaya isang pagsubok ang pagtatanggal ng tinik nito o deboning. Ngayon, marami na ang eksperto sa pagtatanggal ng mga ito kaya hindi na problema ang deboning para sa mga mamimili.

Makakabili na rin tayo sa palengke o supermarket ng mga bangus na nalinisan na at nahati na into butterfly-cut. Mayroon na ring timplado na at ready to fry. Ngunit gaya ng ilang homecook, mas prefer nila na sila ang gagawa ng sarili nilang timpla.

daing na bangus

Paglilinis ng bangus para madaing. | Larawan mula sa iStock

BASAHIN:

Bangus Sisig Recipe: Ang healthier sisig!

Batangas Lomi recipe, na pwedeng-pwede niyong iluto sa bahay!

Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

Mga sangkap sa pagluluto ng daing na bangus

  • 3 large bangus, nalinisan at nahati na (butterfly-cut)
  • 1 cup suka
  • 6 cloves ng bawang, crushed
  • 1 kutsarang pamintang buo
  • 1 kutsaritang asin
  • cooking oil

Ang proseso ng pagma-marinade at pagluluto ng daing na bangus

  1. Hugasang maigi ang mga bangus sa running water upang matanggal ang mga naiwang dugo at laman-loob. I-drain ito at itabi.
  2. Sa isang malinis na palanggana o malalim na bowl, pagsama-samahin ang suka, asin, pamintang buo at bawang at haluin ito. Tiyakin na kasya ang buong isda sa loob ng bowl o palanggana.
  3. Ilagay ang isda. Tiyaking nakalubog itong maigi upang mababad nang maigi sa marinade ang buong bangus. Ilagay sa refrigerator at hayaan itong ma-marinate ng 4 na oras o mas mainam ay overnight. Mas manunuot ang marinade sa laman ng isda kapag mas matagal itong nakababad.
  4. Kapag handa ng lutuin ang daing na bangus, i-drain ito mula sa marinade. Nasa sa iyo kung tatanggalin mo ang mga bawang at paminta kapag pinirito ito. Mas mainam kung tatangggalin ito. Itapon ang marinade.
  5. Sa isang malaking kawali, ilagay ang cooking oil at isalang ang kalan sa medium heat. Tiyaking nasa 1-inch ang taas ng mantika upang ma-deep fry ang isda. Dahan-dahang ilagay ang bangus sa kawali. Lutuin ang bawat side ng tig-5 minuto o hanggang sa maging golden brown ang kulay nito. TIP: Unahing i-prito ang side na may kaliskis upang hindi madurog ang isda.
  6. Ihango ang bangus mula sa kawali. Ilagay sa platong may kitchen towels o tissue upang masipsip nito ang excess oil ng isda. Serve and enjoy!
daing na bangus

Masarap na daing na bangus. | Larawan mula sa iStock

Para sa sawsawan:

  1. Magdikdik ng 2 cloves na bawang at hiwain ng maliliit. Ilagay sa isang platito at lagyan ng suka at kaunting asin. Maaari ring maglagay ng konting pamintang durog at siling labuyo kung nais ng maanghang na sawsawan.

Note: Maaaring samahan ng iba pang ulam ang iyong daing na bangus para sa complete meal gaya ng nilagang:

  • kangkong
  • talbos ng kamote
  • talong
  • okra

Puwede rin itong samahan ng pritong itlog, ensaladang mangga o sariwang kamatis na may bagoong na isda.

Partner Stories
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Daing na Bangus: Ang perfect fried fish partner sa anumang ulam
Share:
  • Sinigang na Bangus sa Bayabas: Healthy Sinigang Dish ng mga Kapampangan

    Sinigang na Bangus sa Bayabas: Healthy Sinigang Dish ng mga Kapampangan

  • Paksiw na Bangus Recipe, Pinasarap at Pina-level Up

    Paksiw na Bangus Recipe, Pinasarap at Pina-level Up

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Sinigang na Bangus sa Bayabas: Healthy Sinigang Dish ng mga Kapampangan

    Sinigang na Bangus sa Bayabas: Healthy Sinigang Dish ng mga Kapampangan

  • Paksiw na Bangus Recipe, Pinasarap at Pina-level Up

    Paksiw na Bangus Recipe, Pinasarap at Pina-level Up

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.