Isa sa development ng 6 taong gulang na bata ay ang pagiging handa na niya na pumasok sa primary school. Mas marami narin siyang magagawang related activities na magbibigay sa kaniya ng mas marami ring opportunities para mag-grow at mag-develop pa.
Pero ano pa nga ba ang mga milestones ng iyong anak sa kaniyang anim na taon? Narito ang mga important developments na mararanasan niya. Ngunit, dapat niyong tandaan na ang bawat bata ay kakaiba at lumalaki sa sarili nilang paraan. Kung may concerns o katanungan ay maaring bisitahin ang iyong pediatrician para malinawagan.
Development ng 6 taong gulang na bata
Image source: Unsplash
Physical Development
Sa edad na anim na taon, ang iyong anak ay magsisimula ng mag-explore sa mas marami pang physical activities. Kabilang na dito ang iba’t-ibang uri ng sports na maari niyang matututunan sa eskwelahan.
Dito narin siya magpapakita ng mabilis na paglaki at maaring maging natural athlete. Samantalang ang ibang anim na taon naman ay magpapakita ng excellent hand-eye coordination skills, malinis na penmanship at development sa kanilang gross at fine motor skills.
Sa edad na anim na taon ay mapapansin mo rin ang mga developments na ito sa iyong anak
- Nag-improved ang kaniyang locomotor skills
- Kaya niya ng magtali ng sintas mag-isa
- Nasisipa niya na ang bola sa goal o napapatama ang bola sa target
- Tumutubo na ang kaniyang permanent teeth
- Nakakagamit na siya ng basic tools tulad ng gunting at pens
- Nakakapagsulat na ng maayos at nakakadrawing ng mga clear pictures
- Nakakasunod na sa beat at rhythm ng music
- Nakakagamit na ng eating utensils ng tama
- Nagpapakita na ng maayos na body balance at coordination
- Pagpapakita ng refined skills sa physical activites tulad ng running, jumping o kaya naman ay swimming
Tips:
- Hayaan ang iyong anak na sumali sa sports o iba pang school activities na nag-iencourage ng physical activity. Maliban sa health benefit ng exercise ay natuturuan rin siya nito ng mga important skills tulad ng team-work, focus at leadership.
- Mag-provide ng isang oras o higit pa sa physical activity ng anak araw-araw.
- Siguraduhing alam ng iyong anak ang mga basic safety precautions kapag gagawa ng mga outdoor activities.
- Limitahan ang panonood ng TV at paggamit ng computer ng iyong anak ng isa hanggang sa dalawang oras lang sa isang araw.
- Kung risky ang activity na ginagawa ng iyong anak tulad ng climbing o swimming ay bantayan siya at huwag iiwanan.
- Turuan ang iyong anak tungkol sa road safety.
- Magkaroon ng healthy eating habits para ma-encourage rin ang iyong anak na kumain ng healthy.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
Kapag ang iyong anak ay,
- Hirap gumamit ng mga basic tools
- Nagpapakita ng growth issue
- Nahihirapang matulog sa gabi
Image source: Unsplash
Cognitive Development
Isa pang development ng 6 taong gulang na bata ay ang kakayahan niya ng mag-solve ng problems ng mag-isa. Kaya niya naring gumawa ng mga task ng mag-isa habang nananatiling masunurin sa mga nakakatanda sa kaniya.
Sa edad na anim na taon ay normal na rin para sa bata na matukoy o makita kung ano ang mali at tama. Ito ay normal na parte ng kaniyang cognitive development na patuloy pang magdedevelop sa kaniyang paglaki.
Narito ang ilan pang cognitive development ng 6 na taong gulang na mapapansin mo sa iyong anak:
- Nagsisimula na siyang magkaroon ng sense of humor at nakakaintindi na ng mga jokes.
- Nasasabi na ang kaniyang edad.
- Nagagamit na ang kaniyang logic at reasoning skills ng maayos.
- Nagpapakita ng improved concentration at focus sa isang task ng 15 minutes o mas matagal pa.
- Nakakabilang na siya ng hanggang 20 o higit pa.
- Nakakabilang ng tatlo pabalik.
- Nakakapagsabi na ng oras at alam na ang kaibahan ng araw sa gabi.
Tips:
- Hayaan ang iyong anak na mag-solve ng problems niya ng mag-isa at mag-offer lang ng iyong tulong kung kinakailangan. Sa pamamagitan nito ay nahahasa ang critical thinking skills niya at problem solving abilities.
- I-encourage ang iyong anak na pumili ng sarili niyang choice na ligtas at appropriate. Tulad ng pagpili ng damit na susuotin o kaniyang kakainin.
- Sagutin ang mga tanong ng iyong anak ng open-ended questions. Tulad ng “Bakit sa tingin mo mabango ang mga bulaklak?”
- I-incorporate ang learning sa kaniyang daily activities sa paraang mag-eenjoy siya. Tulad ng pagtuturo sa kaniya tungkol sa nature at environment kapag kayo ay nasa park o naglalakad-lakad. O kaya naman ay bigyan siya ng maliit na halaga para mabili ang gusto niya sa isang supermarket at ipa-calculate sa kaniya kung magkano ang magiging sukli niya.
- Huwag makipag-usap sa iyong anak gamit ang “baby language”. Subukang isali siya sa mga usapan ng pamilya na appropriate para sa kaniya.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
Kapag ang iyong anak ay,
- Hindi kayang sumunod ng three-step instructions tulad ng “Kainin mo na ang pagkain mo, tapusin mo ang assignment mo at mag-ready ka dahil pupunta tayo sa playground.”
- Hindi na nagagawa ang mga skills na noon ay ginagawa niya.
Image source: Unsplash
Social and Emotional Development
Magkakaroon narin ng maraming kaibigan ang iyong anak sa edad na 6 na taon dahil magsisimula na siyang pumasok sa school. Dito narin niya matututunan ang rules ng socialization. Maiintindihan niya rin na hindi lahat ng pagkakaibigan ay pare-pareho at magkakaroon na siya ng “best friends”.
Mahalaga ang peer approval sa edad na ito ng mga bata. Kaya naman magsisimula na siyang gumawa ng mga bagay para ma-please ang mga teachers at kaibigan niya. Natututo narin siya sa gulang na 6 na maging aware sa feelings ng iba.
Narito ang ilan pang social and emotional development ng 6 taong gulang na mapapansin mo sa iyong anak:
- Pagpapakita ng concern sa iba.
- Gusto niyang magustuhan siya ng mga nasa paligid niya.
- Mas gusto niyang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.
- Naiintindihan na niya ang kahalagahan ng teamwork.
- Mas gusto niyang makipaglaro sa katulad niyang lalaki o babae.
- Nagpapakita ng kaniyang nararamdaman ng hindi umiiyak o nagtatrantrums.
Tips:
- Alamin kung may concern o worries ang iyong anak sa school araw-araw. Tulungan siya sa oras na may nagdudulot ng stress sa kaniya.
- Kausapin ang iyong anak tungkol sa bullying at turuan niya ng maari niyang gawin kung makakaranas nito.
- Turuan ang iyong anak na respetuhin ang iba at ang kahalagahan ng pagtulong sa kaniyang kapwa.
- Mag-assign sa iyong anak ng household chores na kaya niyang gawin para maituro sa kaniya ang independence, responsibility at team-work.
- Kung magpapakita ng good behaviour ang anak ay siguraduhing bibigyan siya ng papuri para lalo niyang gawin at ulitin ang behaviour na ginawa niya.
- I-encourage ang iyong anak na sumali sa mga group activities sa school. Pero tandaan na hindi dapat maover-schedule ang araw niya. Mahalagang bigyan din siya ng oras na magpahinga.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
Kapag ang iyong anak ay,
- Nakakaramdam parin ng pagkabahala kapag nalalayo sayo.
- Hindi nakikipag-interact sa ibang bata.
Image source: Unsplash
Speech and Language Development
Sa edad na anim na taon ang iyong anak ay kaya ng magsimula ng conversation, marunong ng magtanong at kaya ng makisali sa debates at arguments.
Mayroon naring 2,600 na salita ang nasasabi niya at 20,000 words naman ang naiintindihan niya na.
Iba pang development ng 6 na taong gulang sa speech and language skills:
- Nakakabuo na siya ng simpleng pangungusap na may lima hanggang pitong salita.
- Nasasabi niya ng maayos ang kaniyang nararanasan, nararamdaman at naiisip.
- Nagsisimula niya ng maintindihan na ang mga salita ay maaring may maraming kahulugan.
- Nagpapalita ng interest sa mga libro.
- Inaalam niya na ang kahulugan ng mga salitang hindi siya pamilyar.
Tips:
- Ipagpatuloy ang pagbabasa kasama ang iyong anak. Huwag ma-stress kung hindi siya agad makapagbasa ng maayos. I-encourage lang siyang magsimulang i-enjoy at kahiligan ang pagbabasa.
- Tanungin ang iyong anak tungkol sa kaniyang naging araw. I-encourage siyang magsalita tungkol sa kaniyang naranasan o nararamdaman. Sa pamamagitan nito ay mas maeenhance ang inyong bonding at mahahasa ang speech ng iyong anak.
- Huwag isawalang bahala ang mga katanungan ng iyong anak. At bigyan siya ng iyong buong atensyon kapag siya ay nakikipag-usap sayo.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
Kapag ang iyong anak ay,
- Nahihirapang i-express ang kaniyang sarili sa buong pangungusap.
- Ayaw o mag-sulat o walang interes sa pagbabasa
Image source: Unsplash
Health and Nutrition
Sa edad na anim na taon ay madadagdagan din ang energy needs ng iyong anak. Kaya naman kailangan niyang kumain ng mas marami sa ngayon.
Ang isang anim na taong gulang bata ay nangangailangan ng nasa 1,200 to 2,000 calories sa isang araw depende sa mga ginagawa niyang activity.
Ang average weight ng isang anim na taong bata ay nasa 19 kg, at ang height ay nasa 115 cm.
Ang mga batang nasa anim na taong gulang ay dapat mag-consume ng mga sumusunod araw-araw:
Grain group
Ang iyong anak ay nangangailangan ng 4 to 6 ounces ng grains araw-araw para sa maayos na energy levels. Ito ay maaring sa pamamagitan ng 1 to 2 ounces ng dry cereal, 2 slices ng bread o 3/4 cup ng cooked pasta.
Dairy group
Para sa milk o dairy, ang iyong anak ay nangangailangan ng daily intake ng 2.5 cups nito. Maaring ito ay sa pamamagitan ng 1/2 to 1 whole cup ng gatas o yogurt. Nakakatulong rin ito para mag-grow ng healthy at strong ang mga buto ng iyong anak.
Protein group
Ang protein ay importante sa iyong anak dahil sinusuportahan nito ang proper growth niya. Siya ay nangangailangan ng 3 to 5 unces ng protein araw-araw. Ito ay katumbas ng isang buong itlog o portion ng manok, karne ng baka o isda na kasing laki ng palad ng iyong anak.
Fruit and vegetable group
Mahalaga rin ang mga prutas at gulay sa iyong anim na taong gulang na anak para sa kaniyang maayos na kalusugan at immunity.
Sa prutas ay kailangan niya ng 1 to 2 cups sa isang araw, ganoon din naman sa gulay.
Subukang simulan ang araw ng iyong anak sa pamamagitan ng isang bowl ng fruit salad at dagdagan ng 1 cup ng mixed vegetables na may kasamang kanin o noodles.
Tips:
- I-provide ang meal ng iyong anak na pinagsama-sama na ang mga lahat ng food groups na kailangan niya sa kaniyang breakfast, lunch at dinner.
- Bawasan din ang pagpapakain sa kaniya ng matatamis at hangga’t maari ay laging healthy foods lang ang ibigay sa kaniya.
- Siguraduhin ding nakakainom ng sapat ng dami ng tubig ang iyong anak araw-araw. Siya dapat ay nakakainom ng 5 to 6 cups ng tubig o mas marami pa depende sa intensity ng mga ginagawa niyang activity.
Mga bakuna na kaniyang kailangan at sakit na kaniyang mararanasan:
Dapat sa ngayon ay nabigyan na ng mga sumusunod na bakuna ang iyong anak:
- DTaP vaccine bilang proteksyon niya laban sa diphtheria, tetanus, at pertussis
- IPV vaccine laban sa polio
- MMR vaccine bilang proteksyon sa measles, mumps, at rubella
- Varicella vaccine laban sa chickenpox
- At flu shot na ibinibigay taon-taon
I-check din sa inyong doktor kung up-to-date ang immunization records ng iyong anak.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor:
- Huwag magdalawang-isip na kausapin ang inyong doktor kung ang iyong anak ay overweight o underweight.
- Kung mayroon din siyang unusual rashes, lump, bumps o bruises, at may prolonged diarrhea na sinasabayan ng pagsusuka, may mataas na lagnat na higit sa 39 degrees Celsius, ay dapat mo ng dalhin agad sa doktor ang iyong anak.
Previous month: development ng 5 taon 11 buwang gulang
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Irish Mae M. Manlapaz
Sources: Mayo Clinic, CDC, Web MD
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!