Epekto ng pagyakap kay baby napatunayan ng isang pag-aaral na nakakatulong sa kaniyang brain development at paglaki.
Study tungkol sa epekto ng pagyakap kay baby
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 125 na full-term at premature baby sa Nationwide Children’s Hospital sa Columbus, Ohio natuklasang ang gentle touch na ibinibigay ng mga magulang at caregivers sa mga newborn ay may lasting effect sa brain development ng mga sanggol. Nakakatulong din daw ito para maiwasan ang mga trauma na maari pa nilang maranasan.
Napatunayan ito ng mga researchers sa pamamagitan ng pagsukat ng brain responses ng mga baby sa gentle touch na ibinibigay sa kanila.
Sa tulong ng EEG net na inilagay ng mga researchers sa ulo ng mga baby ay natuklasan nilang mas malakas ang brain response ng mga full-term babies sa touch kumpara sa mga premature babies. Pinaka mahina naman ang brain reactions ng mga premature babies na dumaan sa painful medical procedure ng maipanganak.
Ngunit, may natuklasang paraan ang mga researchers’ para labanan ang negative experience na ito sa mga sanggol. Ito ay sa pamamagitan ng madalas na pagyakap sa kanila, ayon parin sa pag-aaral.
Pahayag ng eksperto
Ayon kay Dr. Nathalie Maitre, isa sa mga author ng ginawang pag-aaral ay nakakatulong umano ang skin-to skin care sa mga sanggol lalo na sa mga premature babies o sa mga sanggol na mahaba ang stay sa neonatal intensive care unit o NICU.
“Making sure that preterm babies receive positive, supportive touch such as skin-to-skin care by parents is essential to help their brains respond to gentle touch in ways similar to those of babies who experienced an entire pregnancy inside their mother’s womb”, paliwanag ni Dr. Maitre.
At hindi nga lang daw ang magulang ang maaring gumawa ng hugging duty para mapabilis ang development ng premature baby. Makakatulong rin daw ang mga occupational and physical therapists na mas may alam sa pagbibigay ng carefully planned touch sa mga sanggol.
Iba pang pag-aaral tungkol sa epekto ng pagyakap sa mga baby
Sinuportahan naman ang findings ng pag-aaral na isang pag-aaral na isinagawa sa isang orphanage sa Eastern Europe para maipakita ang epekto ng pagyakap sa mga sanggol.
Sa orphanage setting, karamihan ng mga infants ay nag-istay sa loob ng kanilang crib mula 22 to 23 hours araw-araw. Ito daw ang mga batang madalas na nakakaranas ng impaired cognitive development issues habang lumalaki, ayon sa pag-aaral.
Pero ng mabigyan ng 20minute tactile stimulation o touch per day sa loob ng 10 linggo, ang mga bata ay nagsimula umanong tumaas ang score sa developmental assessment.
Ngunit paglilinaw ng pag-aaral, hindi daw lahat ng uri ng touch ay beneficial para sa mga sanggol. Tanging ang mga nurturing touch lang tulad ng pagyakap ang nakakapagbigay ng positive stimulation na kailangan ng mga murang utak ng mga sanggol para mag-develop ng healthy.
Iba pang magandang epekto ng pagyakap sa mga bata
Maliban sa healthy brain development, ay marami pa ang magandang epekto ng pagyakap sa mga baby hanggang sa kanilang paglaki.
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa US National Library of Medicine, ang pagyakap ay nagrerelease ng oxytocin o love hormone na maraming magandang epekto sa katawan lalo na sa lumalaking sanggol.
Una na rito ang pag-iiwas sa sanggol na makaranas ng growth deficiency dahil ang hormone na ito ay nakakatulong sa growth stimulation o paglaki.
Ang increase level rin ng oxytocin ay nakakatulong para mas mapakalas ang immune system ng isang bata o sanggol. Pinapababa rin ng oxytocin ang plasma levels ng thyroid hormones na mas nagpapabilis ng paghilom ng mga sugat.
Ang isa pang magandang epekto ng pagyakap sa mga bata ay ang calming effect na ibinibigay nito kapag sila ay nagwawala. Dahil ayon parin sa pag-aaral, ang oxytocin na inilalabas ng kanilang katawan sa tuwing sila ay niyayakap ay nakakapagpababa umano ng level ng stress hormone at anxiety effects sa kanila. Sa ganitong paraan, ay natutunan ng isang bata na ma-regulate ang kaniyang emosyon at mas maging resilient.
Mas nararamdaman din ng isang bata na siya ay mas minamahal tuwing siya ay niyayakap na mas nagpapalakas ng kaniyang loob at nagiging dahilan para siya ay maging optimistic o positive thinker.
Higit sa lahat, sa tulong ng pagyakap ay mas nabubuo ang tiwala ng isang bata sa kaniyang magulang, nababawasan ang kaniyang takot at naiimprove ang parent-child relationship na napaka-importante sa kaniyang overall development.
Sources: Parenting For Brain, Current Biology
Basahin: Kangaroo Mother Care (KMC): Mga benepisyo sa pag-develop ng premature baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!