TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Puwede pa bang gamitin ang maiden name kahit kasal na?

4 min read
Puwede pa bang gamitin ang maiden name kahit kasal na?

Parami nang parami ang mga babaeng pinipiling huwag gamitin ang apelyido ng kanilang asawa matapos ikasal. Alamin dito kung bakit.

Batay sa kaugalian ng mga Pilipino, kasunod ng iyong pagpapakasal ay ang pagkuha ng apelyido ng iyong asawa at palitan ang iyong apelyido ayon dito. Pero hindi ganito ang nakasaad sa batas. Oo, maaari mong gamitin ang maiden name mo o ang iyong pangalan at apelyido sa pagkadalaga kung iyon ang gusto mo. Ayon sa Article 370 ng Family Code, maaaring gamitin ng isang babaeng may-asawa ang alinman sa mga sumusunod:

  • ang kaniyang pangalan at maiden name, at dagdagan ng apelyido ng kaniyang asawa,
  • ang kaniyang pangalan sa pagkadalaga at apelyido ng kanyang asawa, o
  • buong pangalan ng kaniyang asawa, saka daragdagan sa unahan nito ang anumang tanda na siya ang asawa nito, katulad ng “Mrs.”

“May paniwala ang mga Pilipino na kapag ang babae ay ikinasal, dapat niyang palitan ang kaniyang apelyido ng apelyido ng kaniyang asawa. Nalilihis tayo sa katotohanang kapag ang babae ay ikinasal, ang kanyang civil status lamang ang napapalitan at hindi ang kaniyang pangalan,” sabi ni Atty. Krizia Katrian Lean D. Talon sa isang panayam sa GMA News.

“Katunayan, hindi ino-obliga ng batas na palitan ng babae ang kaniyang pangalan dahil lamang sa siya ay ikinasal. Binibigyan ng Civil Code ang isang babae ng mga pagpipilian patungkol sa paggamit ng pangalan niya at ng kanyang asawa matapos niyang maikasal. Ang wikang ginamit sa batas na ito ay permissive, ang sabi ay “maaari.” Kaya maaari niyang palitan ang kanyang apelyido ng sa kaniyang asawa, o idagdag ito sa pangalan niya, o hindi niya ito gamitin at sa halip ay gamitin ang maiden name niya.

“May paniwala ang mga Pilipino na kapag ang babae ay ikinasal, dapat niyang palitan ang kanyang apelyido ng apelyido ng kanyang asawa. Nalilihis tayo sa katotohanang kapag ang babae ay ikinasal, ang kanyang civil status lamang ang napapalitan at hindi ang kanyang pangalan.”

gamitin ang maiden name

Image source: Pexels

Sa isang panayam sa Cosmo.ph, sinabi ni Wiji Lacsamana, isang 32-anyos na tattoist, natural perfumeer at ilustrador at dalawang taon nang kasal, na pinili niyang gamitin ang maiden name niya dahil ayaw niya itong palitan.

“Hindi ko akalaing ikakasal ako, at hindi rin sumagi sa isip ko na kunin ang apelyido ng kahit sinong lalaki para gamitin ko. Bakit ba kailangang palitan ang apelyido mo kung ayaw mo naman? Hindi naman nababawasan ang pagmamahal mo sa kanya, gumagawa ka lang ng desisyon na kailangang respetuhin. Mabuti na lang napaka-open-minded, maunawain at supportive ng napangasawa ko — hindi rin naman ako pipili ng mapapangasawang hindi katulad niya!” sabi niya.

“Noong nalaman ng ibang babae na hindi ko pinalitan ang apelyido ko, lalo na yung mga may-asawa na, nagulat din sila na puwede pala iyon. Malinaw na hindi masyadong alam sa Pilipinas na maaari pa lang gamitin ang maiden name ng misis kahit ikinasal na siya kung nais niya.”

gamitin ang maiden name

Image source: Yddette Civ A. Cruz

Para naman  sa 34-anyos na si Jean Madrid, ang desisyong gamitin ang maiden name niya ay pareho nilang desisyon ng kanyang asawa ng tatlong taon. “Buong buhay ko, kinuwestiyon ko ang mga gampanin ng babae at lalaki pati na ang mga inaasahan ng lipunan sa kanila, at noong sinabi ko iyon sa asawa ko, napagdesisyunan namin na wala sa aming mag-asawa ang gagawa ng anuman dahil lang sa kasarian niya (maliban siyempre sa panganganak at pagpapasuso!)” sabi niya sa Cosmo.

“Kasama na dito ang pagpapalit ko ng apelyido. Liban sa nakasanayan, wala na kaming makitang dahilan na hindi lilihis sa paniniwala namin, kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin pinapalitan ang apelyido ko.”

Para sa mga nagbabalak na gamitin ang kanyang maiden name matapos ikasal, mahalagang maging consistent kapag nagsasagot ng mga forms para sa pag-update ng records sa BIR, SSS, PhilHealth at Pag-IBIG. Ito ay para na rin maiwasan ang abala sa tuwing nagsasagot ng mga forms.

Tandaan na maaaring magkaroon ng kalituhan kapag pinalitan mo ang iyong civil status pero ginamit mo pa rin ang iyong maiden name. Ito ay dahil hindi pa rin naaalis sa mga Pilipino ang paniniwalang obligasyon ng babae na gamitin ang apelyido ng kanyang asawa sa oras na siya ay ikasal.

Ginamit mo ba ang apelyido ng asawa mo o ang iyong maiden name? I-share mo ang iyong pananaw sa comments section sa ibaba!

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ A. Cruz

BASAHIN:

Paano magpalit mula maiden to married name sa mga government ID?
7 payo ni lola at lolo para tumagal ang pagsasama ninyong mag-asawa

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Bianchi Mendoza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Puwede pa bang gamitin ang maiden name kahit kasal na?
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko