X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ano ang balisawsaw?: Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa balisawsaw

9 min read
Ano ang balisawsaw?: Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa balisawsawAno ang balisawsaw?: Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa balisawsaw

Ilang medical facts tungkol sa sakit na ito, at paano nga ba ito gagamutin.

Noong bata pa ako, sinasabihan ako ng matatanda na huwag uupo sa mainit na upuan o sahig, at baka ma-balisawsaw ako. At hindi nga biro ang balisawsaw —masakit, nakakairita at istorbo dahil maya’t maya ay naiihi ka.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sanhi at sintomas ng balisawsaw
  • Ano ang gamot sa balisawsaw?
  • Ilang mga natural at tradisyonal na balisawsaw remedy

Table of Contents

  • Mga dapat mong malaman tungkol sa Balisawsaw
  • Ano nga ba ang sanhi ng balisawsaw
  • Sino ang karaniwang naaapektuhan ng balisawsaw
  • Paano nasusuri ang balisawsaw o balisawsaw in english, Dysuria? 
  • Gamot sa balisawsaw
  • Mga natural at traditional balisawsaw remedy

Mga dapat mong malaman tungkol sa Balisawsaw

balisawsaw

Balisawsaw in english: Dysuria | Image from iStock

Balisawsaw in medical term: dysuria

Sa terminong medikal, dysuria ang sintomas na nararamdaman at tinatawag na balisawsaw ng mga Pilipino. Mahapdi o kumikirot ang pag-ihi, at parang hindi ka mapakali dahil masakit at parang palagi kang naiihi, pero minsan ay wala namang lalabas.

Mas karaniwan daw ito sa mga babae kaysa sa lalaki, at kung nangyayari man sa lalaki, nangyayari ito sa mga mas matanda kaysa bata.

Maraming nakakaranas ng madalas na pag-ihi. Kapag lagpas ng 3 litro kada araw ang ihi, tinatawag naman itong polyuria. Iba ang madalas na pag-ihi o balisawsaw sa tinatawag na urinary incontinence, kung saan nakakaranas na ng paglabas ng ihi nang walang anumang kontrol o hindi namamalayan.

Madalas din, ang balisawsaw ay maaaring sintomas ng mas malalang kondisyon. Ang maagang diagnosis at paggamot nito ay makakatulong na makaiwas sa anumang delikadong kahihinatnan o komplikasyon.

Ano nga ba ang sanhi ng balisawsaw

May ilan sanhi ang balisawsaw o balisawsaw in english, Dysuria:

1. Impeksiyon

Isa sa pinakakaraniwang sanhi ay urinary tract infection (UTI), lalo sa mga babae. Pumapasok ang bacteria sa bladder papunta sa urethra at nagkakaron ng impeksiyon. Maaaring may impeksiyon sa kidney, bladder, o urethra, kaya masakit ang pag-ihi.

Maaaring sanhi din ito ng vaginal infection, tulad ng yeast infection, na may kasamang mabahong amoy at discharge.

Mayroon ding sexually transmitted infections tulad ng genital herpes, chlamydia, at gonorrhea, na bukod sa makirot na pag-ihi ay may kasamang pangangati, hapdi at sugat.

2. Pamamaga

Ito ay dahil sa bato sa urinary tract, pagkairita ng urethra dahil sa pakikipagtalik, interstitial cystitis na sanhi ng pamamaga ng bladder, mga sintomas ng menopause, sensitibong ari dahil sa paggamit ng mabangong sabon, toilet paper, o douche at spermicide, mga aktibong gawain tulad ng pagbibisikleta o pangangabayo.

3. Overactive na bladder

Ayon sa mga urologists ng Mayo Clinic, ang pag-ihi ng 8 beses pataas sa loob ng 24 na oras ay matuturing na “frequent urination”.

May naitalang kaso ng overactive bladder sa Amerika pa lamang na nasa halos 33 milyon, na inilathala ng American Urological Association, o 40% ng kababaihan sa United States.

Ang sakit na diabetes ay maaari ring sanhi ng madalas na pag-ihi. Nariyan din ang labis na pag-inom ng caffeine, nicotine, artificial sweeteners, at alcohol na maaaring makairita sa bladder, at makapagpalala sa mga sintomas ng madalas na pag-ihi.

4. Ibang sakit

May ilang mga sakit din na nagiging sanhi ng aktibong bladder at madalas na pag-ihi. Nariyan ang mga kondisyong nakakaapekto sa muscles, nerves, at tissues, tulad ng stroke o multiple sclerosis (MS), estrogen deficiency dahil sa menopause.

Pati na ang labis na bigat ng timbang, pati tumor sa urinary tract. Maaaring side effect ng ilang gamot o medikasyon o supplements.

Ang ilang sintomas na karaniwang kasama ng madalas na pag-ihi o pakiramdam na naiihi, ay lagnat, abnormal discharge, labis na pananakit ng ari pero hindi tuluy-tuloy, at kung ang ihi ay patak-patak lang o madami, at may hapdi o kirot sa paglabas ng ihi.

Madalas din ay may malakas na amoy ng ihi, masakit ang lower abdomen at lower back, malabo ang ihi o may dugong kasama, labis na giniginaw, pagkahilo at hindi makontrol ang paglabas ng ihi.

Sino ang karaniwang naaapektuhan ng balisawsaw

Ang mga kalalakihan at kababaihan sa anumang edad ay maaaring makaranas ng masakit na pag-ihi. Ito ay mas karaniwan sa mga kababaihan.

Ang mga impeksyon sa daanan ng ihi (urinary tract infections, UTI) ay karaniwang nauugnay sa dysuria. Ang mga UTI ay nangyayari sa mas maraming kababaihan kaysa sa mga lalaki.

May mas mataas na panganib ng dysuria rin sa mga:

  • Buntis na babae.
  • Mga lalaki at babae na may diabetes.
  • Mga kalalakihan at kababaihan na may anumang uri ng sakit sa pantog.

BASAHIN:

UTI o Urinary Tract Infection sa mga bata at baby, lahat ng kailangan mong malaman tungkol rito

Mga rason kung bakit dapat iwasan na mag-sex sa tubig

Bacterial vaginosis: What moms-to-be need to know about this pregnancy infection

Paano nasusuri ang balisawsaw o balisawsaw in english, Dysuria? 

Upang masuri ang iyong sakit, susuriin muna ng iyong doktor ang iyong medical history, kabilang ang pagtatanong sa iyo tungkol sa iyong kasalukuyan at nakaraang mga kondisyong medikal, tulad ng diabetes mellitus o mga sakit sa immunodeficiency. 

Maaari rin siyang magtanong tungkol sa iyong sekswal na kasaysayan upang matukoy kung ang isang STI ay maaaring maging sanhi ng sakit. 

Maaaring kailanganin din ang mga pagsusuri para sa screen para sa mga STI, lalo na kung ang mga lalaki ay may discharge mula sa kanilang ari o ang mga babae ay may discharge mula sa kanilang ari. Kung ika’y isang babae na nasa edad na ng panganganak, maaaring magsagawa ng pregnancy test.

Tatanungin ka rin ng iyong doktor saiyong mga kasalukuyang sintomas at kukuha ng malinis na sample ng iyong ihi. Susuriin ang iyong sample ng ihi para sa mga puting selula ng dugo, mga pulang selula ng dugo o mga dayuhang kemikal.

Ang pagkakaroon ng mga white blood cell ay nagsasabi sa iyong provider na mayroon kang pamamaga sa iyong urinary tract. Ang impormasyong ito ay nagbibigay-daan sa iyong provider na pumili ng antibiotic na pinakamahusay na gagana sa paggamot sa bakterya.

Kung walang makikitang senyales ng impeksyon sa sample ng iyong ihi, maaaring magmungkahi ang iyong doktor ng mga karagdagang pagsusuri upang tingnan ang iyong pantog o prostate (sa mga lalaki).

Ang iyong doktor ay maaari ring kumuha ng swab sample ng lining ng iyong ari o ng urethra upang suriin kung may mga senyales ng impeksyon (sa mga babae).

Gamot sa balisawsaw

Kahit parang simpleng sakit lang ito, kailangan ng masusing pagtingin at ekpertong paggamot ng doktor. May mga lab tests at physical exam para matukoy ng urologists, mga espesyalista sa urinary system, ang sanhi ng mga sintomas.

Partner Stories
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Discover a smooth, creamy, and doubly delicious drink for the family!
Discover a smooth, creamy, and doubly delicious drink for the family!
Keep your family extra cool and germ-free this summer season!
Keep your family extra cool and germ-free this summer season!

Saka pa lang ito magagamot. Una na dito ang urine test, ayon sa WebMd Journals, na pinagtibay ni Dr. Jennifer Robinson, MD.

Kailangang malaman kung gaano kadalas at kung gaano karami sa bawat pag-ihi, kung may kulay (o dugo) ang ihi, at kung anong klaseng sakit ang nararamdaman sa tuwina.

Ang paggamot nito ay depende sa sanhi o sintomas. Ang unang pagtutuunan ng pansin ay ang pangunahing sakit na dahilan ng madalas at masakit na pag-ihi, ayon kay Dr. Arsenio Meru, MD, general physician. Kung impeksiyon, halimbawa ang pangunahing sakit, antibiotics ang ibibigay na lunas sa balisawsaw.

May mga lunas sa balisawsaw din para sa pag-kontrol ng muscle spasms sa bladder, ayon sa WebMd.

Mga natural at traditional balisawsaw remedy

Para makatulong sa mabilis na paggaling at paghupa ng sakit, may mga maaaring gawin kasabay ng medikal na paggamot na pinayo ng urologist.

Narito ang ilang ligtas na balisawsaw remedy:

1. Uminom ng maraming tubig

balisawsaw

Gamot sa balisawsaw | Image from Freepik

Higit 8 baso sa isang araw, juice ng buko at cranberry, at ibang inumin tulad nito para mahugas ang impeksiyon sa ihi, payo ni Dr. Jen Cruz,  doktor ng family medicine. Uminom lang lagi ng maraming tubig moms and dads!

2. Umiwas sa mga pagkain o inumin na nakakapagpalala o nagdudulot ng balisawsaw

Katulad ng alak, citrus juice, kape, tsaa, kamatis at mga pagkaing may kamatis (tulad ng pasta na may tomato sauce, kaldereta, mechado, atbp.), at artificial sweeteners.

Dagdagan din ang pagkain ng fiber, lalo kung hirap dumumi, dahil ang constipation ay isang sanhi ng madalas na pag-ihi. Iwasan din ang mga inuming may kemikal tulad ng softdrinks. Kasama na rito ang pag-iwas sa pagkaing maaalat.

3. Kegel pelvic exercise

Alamin ang tamang Kegel pelvic exercise, para maging matibay ang pelvic floor, at mas makontrol ang pag-ihi.

4. Pagiging malinis

Siguraduhing hugasan ang ari pagkatapos umihi, at magpalit ng underwear at salawal kung nakikitang madumi na ito, para makaiwas sa masamang bacteria.

Sa mga babae, huwag gumamit ng sabong panligo, lalo na iyong masyadong mabango. Sa halip, gumamit ng feminine wash sa tuwing maghuhugas.

5. Mag-ehersisyo

Maglakad-lakad, tumakbo, at magbisikleta para maging maayos ang pagdaloy ng tubig at dugo sa katawan, payo ni Dr. Jen.

6. Acupuncture

balisawsaw

Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Balisawsaw | Image from Unsplash

May mga naniniwala din sa acupuncture, ang tradisyonal na paggamot ng mga Chinese. May mga paraan ng acupuncture para magamot ang overactive bladder at balisawsaw.

Bagama’t hindi ito lubusang pinapagtibay ng Western Medicine, maraming nagpapatunay na ito ay nakakagamot ng anumang sakit, kasama na ang balisawsaw.

Ayon sa British Medical Journal, mayrong kasalukuyang scientific review na nakatuon sa pagpapatunay kung epektibo nga ang acupuncture.

Kung nakakaranas ng ibang sintomas at alam mong hindi na normal, ‘wag matakot na magpakonsulta sa doktor upang masuri ang nararamdamang kalagayan.

 

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Harvard Health, WebMD, Mayo Clinic, Cleveland Clinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

Margaux Dolores

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Ano ang balisawsaw?: Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa balisawsaw
Share:
  • May bakuna na ba sa Hepa B ang anak? 7 rason kung bakit delikado ang sakit na ito sa bata

    May bakuna na ba sa Hepa B ang anak? 7 rason kung bakit delikado ang sakit na ito sa bata

  • 14 sintomas ng nakamamatay na meningococcemia sa mga bata

    14 sintomas ng nakamamatay na meningococcemia sa mga bata

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

app info
get app banner
  • May bakuna na ba sa Hepa B ang anak? 7 rason kung bakit delikado ang sakit na ito sa bata

    May bakuna na ba sa Hepa B ang anak? 7 rason kung bakit delikado ang sakit na ito sa bata

  • 14 sintomas ng nakamamatay na meningococcemia sa mga bata

    14 sintomas ng nakamamatay na meningococcemia sa mga bata

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.