X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Ano ang kaibahan ng gatas na pang baby, toddler, at pre-schooler?

4 min read

Gatas para sa baby, ano nga ba ang angkop na gatas para sa kaniya habang siya ay lumalaki?

gatas para sa baby

Image from Freepik

Gatas para sa baby

Ayon sa WHO at UNICEF, ang breastfeeding ay inirerekumenda mula pagkasilang hanggang sa mag-dalawang taong gulang ang isang bata. Ngunit may mga pagkakataon na hindi ito naibibigay ng isang ina sa kaniyang anak. Sa ganitong pagkakataon ang ilan sa atin ay binibigyan na ng formula milk ang isang sanggol na tanggap at sinasang-ayunan naman ng mga doktor. Pero hindi ito nangahuhulugan na kahit anong formula milk ay pupuwede na. Dapat ito ay angkop sa edad o age-appropriate sa isang sanggol. Ngunit bakit nga ba mahalaga ito? Ano ba ang kaibahan ng gatas na pang-baby, toddler at pre-schooler? Sa isang interview ng theAsianparent Philippines ay sinagot ang mga tanong na ito ni Dra. Ma. Theresa Jimenez sa ginanap na Lactum 3+ #Bibo Panalo Moments talk noong Oct. 27 sa Adventure Zone, Shangri-la at the Fort, Taguig. Si Dra. Jimenez ay isang pediatrician mula sa Delos Santos Medical Center.

Pagpapainom ng age-appropriate na gatas sa sanggol

“Yung age-appropriate kasi kaya siya sinabing age-appropriate kasi it is the nutrients needed by that particular age group. Halimbawa, iba yung levels of nutrients ng babies, actually 0-6 iba na, 6-12 iba na, 1-3 iba narin. Kasi yung mga levels ng nutrients doon, they make sure na ito yung sasagot sa pangangailangan ng body ng bata at that particular age.”

Ito ang paliwanag ni Dra. Jimenez na idiniin kung gaano kahalaga ang pagbibigay ng gatas para sa baby na tugma sa edad niya.

“We make sure that we supplement the right amount na kakailangan nila. That’s why stage milk is very important. Hindi puwedeng yung pang-1year old ibibigay mo sa 3 o yung pang 3 ibibigay mo sa baby. Hindi puwepwede yun kasi hindi kakayanin o immature pa yung organs ng baby kaya hindi pa kakayanin ng katawan niya yung nutrients ng pang-3. Iba yung kailangan niya.”

Dagdag pa niya, ang gatas para sa baby ay hindi lang basta ibinibigay para sila ay magka-energy kung hindi para masiguradong makukuha nila ang lahat ng nutrients para sila ay maging healthy.

“The milk per se lalo na ang mga stage milk they are made in such a way that the nutrients there are optimum para tulungang ma-improve yung full well-being ng bata. It is not just to give them the energy. It is also to improve their immunity. Meron diyang vitamin C, prebiotics, it also has iron that is very important to brain and immunity also.”

Gatas bilang supplement at hindi exclusive source of nutrients sa mga bata

Pero hindi ito nangangahulugan na gatas lang ang dapat ibigay sa mga lumalaking bata lalo na sa mga nakakain na. Dahil habang sila ay lumalaki ang gatas ay nagiging supplement nalang para maging balanced ang diet nila. Mahalagang sila ay bigyan ng tamang pagkain na may taglay na sustansyang kailangan nila tulad ng mga prutas at gulay.

“The vitamins and minerals were put there in such a way na i-susupplement niya yung kinakain na ng bata. That’s why hindi lang dapat tayo nagdedepend sa milk kasi hindi siya yung buong nutrition na naibibigay but they supplement the balanced diet that our children need. Kaya meron iyan for brain yung mga DHA, yung sabi ko nga coline, at iron. Calcium is not just what important for the bones kailangan rin ng vitamin D. And it has been found out that we don’t get enough vitamin D form the sun. Milk can give that also.”

Partner Stories
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'

Kaya paalala ni Dra. Jimenez, ibigay ang gatas na angkop sa edad ng iyong anak para masiguradong nakukuha niya ang vitamins at mineral na kailangan niya para maging healthy.

Basahin: Paano nga ba magkaroon ng sapat na gatas ng ina?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • #AskDok: Ano ang kaibahan ng gatas na pang baby, toddler, at pre-schooler?
Share:
  • #AskDok: Anong toothpaste ang puwedeng gamitin kay baby?

    #AskDok: Anong toothpaste ang puwedeng gamitin kay baby?

  • 5 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo

    5 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • #AskDok: Anong toothpaste ang puwedeng gamitin kay baby?

    #AskDok: Anong toothpaste ang puwedeng gamitin kay baby?

  • 5 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo

    5 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.