X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Bakit hindi safe uminom ng mga halamang gamot na pampalaglag?

6 min read

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit hindi ligtas uminom ng mga halamang gamot na pampalaglag?
  • Anu-ano ang posibleng masamang epekto ng pag-inom nito?

Talaan ng Nilalaman

  • Halamang gamot na pampalaglag
  • Paggamit ng halamang gamot na pampalaglag, hindi ligtas sa kalusugan
  • Hindi rin ito proven na epektibo at maaari maging banta sa buhay mo
  • Mas mabuting gumamit nalang ng contraceptives para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis
  • Mahalaga lang na magpakonsulta sa doktor bago gumamit nito

Halamang gamot na pampalaglag

Tayong mga Pilipino ay mahilig gumamit ng mga halamang gamot. Isa ito sa mga nakasanayan na nating gawin na namana pa natin sa ating mga ninuno.

Paniniwala nga ng marami sa atin basta herbal mas ligtas dahil hindi nagtataglay ng kemikal. Ito ang parehong dahilan kung bakit maraming babaeng nakararanas ng hindi planadong pagdadalang-tao ay ito ang takbuhan.

Sapagkat dito sa ating bansa na mahigpit na ipinagbabawal ang abortion, ito ang pinakamadaling makuha o mabili kung kinakailangan.

Isa nga sa kilalang uri nito ay ang makabuhay pampalaglag o pamparegla na mabibili lang sa mga bangketa. O kaya naman ay maaaring makuha lang sa bakuran.

Paniniwala ng marami partikular na ng matatanda ay epektibo ito para wakasan ang hindi planadong pagdadalang-tao. Pero ang claim na ito ay hindi pa napapatunayan ng siyensya na totoo.

Dagdag pa riyan, mahigpit na ipinagbabawal ito sa sa Pilipinas sapagkat sa ito ay maituturing na paraan ng abortion.

halamang gamot na pampalaglag

Larawan mula sa iStock

Paggamit ng halamang gamot na pampalaglag, hindi ligtas sa kalusugan

Paliwanag naman ni Dr. Arlene Ricarte Bravo, active consultant OB-GYN ng Makati Medical Center hindi ipinapayo ang paggamit ng mga halamang gamot na pampalaglag hindi lang dahil sa itinuturing na illegal ang abortion dito sa bansa.

May masamang epekto rin umano sa katawan ang pag-inom ng mga ito. Maaari ring magdulot ng seryosong komplikasyon sa ating kalusugan. Pagpapaliwanag ni Dr. Bravo,

“Unang-una, hindi namin pino-promote ‘yung paggamit ng mga ganitong method. Kasi kapag sinabi mong herbs, hindi mo alam ‘yung quantity ng active ingredient na ibinibigay sa katawan mo. Puwede kang magkaroon ng kidney failure dahil toxic pala siya sa kidney. O kaya naman hepatic failure dahil toxic pala siya sa liver. Kasi iniinom ito, dumadaan sa liver so hindi natin alam ang safety nito.”

Ang pahayag niyang ito sinuportahan ng resulta ng isang pag-aaral na nailathala sa Medical Journal of Australia. Ang pag-aaral ay isinagawa ng University of Adelaide sa Australia na base sa ginawang analysis at review ng 52 na pag-aaral tungkol sa herbal medicine at toxicology.

Ayon sa pag-aaral, ang mga halamang gamot maaaring magdulot ng kidney failure at liver damage. Sapagkat sa ang mga ito ay nagtataglay ng toxic chemicals o heavy metals na maaaring magkaroon ng masamang reaksyon kapag naihalo sa ibang gamot.

BASAHIN:

5 masamang epekto ng abortion sa kalusugan ng babae

11 madalas na side effects ng paggamit ng contraceptive pills

Puwede bang magpahilot ang buntis?

Hindi rin ito proven na epektibo at maaari maging banta sa buhay mo

Maliban sa mga nabanggit na masamang epekto sa kalusugan, hindi rin proven na epektibo ang mga halamang gamot na pampalaglag. Maaari pang maging banta sa buhay ng babaeng nagdadalang-tao.

“Ang effect kasi ng mga locally available na abortifacient is nagpapableed siya kumbaga it enduces vaginal bleeding. So bago mag-bleed pagadaanan mo muna ‘yung napakasakit na puson.” “May ideya ka ba kung ilang weeks na iyong baby mo mamaya further stage ka ng pregnancy so mas masakit iyon. So puwede ka na lang mapabaluktot sa daan sa sobrang sakit at masagasaan. O kaya bumulwak ‘yung dugo mo, mahimatay ka, biglang mag-cardiac arrest ka.”

Mas malala pa nga umano ang maaaring maranasan mong epekto na ito kung malaki na iyong ipinagbubuntis.

“Iyong pinag-iinom mo na pang-abort halimbawa, dinugo ka, malakas ito at medyo malaki na ang ipinagbubuntis mo, dangerous ito kasi puwede kang mamatay sa blood loss.” “Puwede kang mamatay sa sobrang sakit, And then ‘yung ospital din mabuburden kasi kung marami ka ng blood loss kailangan ka ng salinan ng maraming dugo.”

halamang gamot na pampalaglag

Larawan mula sa iStock

Mas mabuting gumamit nalang ng contraceptives para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis

Ang mga nabanggit na epekto ng pag-inom ng halamang gamot ay hindi lang nakakatakot ayon kay Dr. Bravo. Hindi hamak na mas magastos ito kaysa sa iwasan nalang ang pagbubuntis gamit ang mga contraceptives.

Pahayag ni Dr. Bravo,

“So mas magastos than you being prescribed a 50 peso pill or ‘yung libreng pills sa rural health center. So ‘yung burden na ibinibigay ng mga nagpapa-abort mas malaki o mas expensive. Kaysa kung ikaw bumili ng condom or kumuha ng pills na libre sa health center. So might as well be wise, mag-contraception ka nalang kung sexually active ka.”

Pero bago gumamit ng kahit anumang contraceptive, dapat ay una munang komunsolta sa isang doktor. Sapagkat makakatulong siya sa kung anong contraceptive method ang nararapat sa ‘yo.

Dagdag pa niya, hindi naman dapat problemahin ang pambili nito. Sapagkat marami sa mga contraceptive methods ang libreng ipinamimigay ng gobyerno sa publiko.

halamang gamot na pampalaglag

Background photo created by Dragana_Gordic – www.freepik.com 

Mahalaga lang na magpakonsulta sa doktor bago gumamit nito

Pagpapaliwanag ni Dr. Bravo,

“Once you get to be sexually active, consult with a gynecologist para ma-guide kayo sa kung anong gagawin. It’s easy for us to say because we are here in an urban area, so most of our patients lalo na kung private ka are class a, b, c, but how about those in the urban areas that are class c and e? Actually, may ginagawa naman ‘yung gobyerno sa mga ‘yan. Namimigay sila ng libreng long-acting contraception method.” “Example binibigyan sila pagkapanganak palang ng baby. Lalo na ‘yung mga teenage mothers nilalagyan na sila ng implant nilalagyan na sila ng IUD para ma-lessen ‘yung mga further pa na mga accidents na nabubuntis sila na unwanted nga.”

Dagdag pa ni Dr. Bravo mayroon din ang mga local government sa malalayong lugar na may libreang IUD, contraception pills, injectables contraception, at pap smear. May mga trained na health workers umano na naka-assign sa area na iyon.

Ang kinakailangan na lamang gawin ay pumunta roon at magpakonsulta, libre ito. Kahit umano dito sa metro manila at urban area ay mayroon mga ganitong serbisyo ang lokal na pamahalaan.

Partner Stories
Teleperformance partners with UNICEF in support of child education and global disaster relief
Teleperformance partners with UNICEF in support of child education and global disaster relief
Metro goes ALL OUT with P39 deals, up to 70% off for its 39th Anniversary Sale
Metro goes ALL OUT with P39 deals, up to 70% off for its 39th Anniversary Sale
Nestlé Wellness Campus: Empowering students, parents, and teachers to live healthier lives
Nestlé Wellness Campus: Empowering students, parents, and teachers to live healthier lives
Lea Salonga Instashines with a Musical Tribute
Lea Salonga Instashines with a Musical Tribute

Kaya naman upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis at maaaring magdulot ng abortion o pagpapalaglag. Mas maganda umano na gumamit na lamang ng contraception para maiwasan ang pagbubuntis.

 

The Guardian, NCBI, UTEP

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • #AskDok: Bakit hindi safe uminom ng mga halamang gamot na pampalaglag?
Share:
  • #AskDok: Totoo bang malalaglag si baby pag uminom ng cortal at coke?

    #AskDok: Totoo bang malalaglag si baby pag uminom ng cortal at coke?

  • 17 mabisang halamang gamot sa Pilipinas para sa iba't ibang sakit

    17 mabisang halamang gamot sa Pilipinas para sa iba't ibang sakit

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • #AskDok: Totoo bang malalaglag si baby pag uminom ng cortal at coke?

    #AskDok: Totoo bang malalaglag si baby pag uminom ng cortal at coke?

  • 17 mabisang halamang gamot sa Pilipinas para sa iba't ibang sakit

    17 mabisang halamang gamot sa Pilipinas para sa iba't ibang sakit

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.