Importansya ng melatonin sa ating kalusugan, alamin dito. Pati na kung bakit hindi ka dapat matulog ng nakabukas ang ilaw, ayon sa mga eksperto.
Batang babaeng nakaranas ng early puberty
Isang batang babae sa China na may pangalang Dandan ang nakaranas ng early puberty o maagang pagdadalaga.
Ayon sa kaniyang ina, sa edad na 7-anyos ay may taas na 120cm o halos 4 feet na ang taas ng kaniyang anak. Dagdag pa ang pagkakaroon na nito ng suso bagamat napakamura pa ng kaniyang edad.
Nang dalhin si Dandan sa doktor upang matingnan, mas kinagulat ng kaniyang ina ang kaniyang natuklasan. Si Dandan umano ay may skeletal structure ng tulad na sa isang sampung taong gulang na bata. At ang kaniyang mga ovaries ay lumaki na rin na isang sign ng pagdadalaga o puberty.
Noong una ay hindi maipaliwanag ng doktor kung bakit nakaranas ng early puberty si Dandan. Dahil sa madalas, nararanasan ito ng mga sampung taong gulang na batang babae. Dagdag pa ang hindi niya naman pag-inom ng mga supplements.
Dahilan ng maagang pag-dadalaga
Nang mas mag-imbestiga pa ang doktor doon niya nalaman ang dahilan ng early puberty ni Dandan. Ito umano ay ang pagtulog ng bata sa nakaraang tatlong taon na nakabukas ang ilaw.
Bagamat nakakagulat, ayon sa doktor na tumingin kay Dandan ang pagtulog ng bukas ang ilaw ay may naging epekto sa kaniyang kalusugan. Partikular na sa produksyon at importansya ng melatonin hormones sa kaniyang katawan.
Ayon sa ina ni Dandan, apat na taong gulang palang si Dandan ng natutulog itong mag-isa bilang pagsasanay na siya ay maging independent. Kaya naman magmula noon ay natutulog na itong bukas ang ilaw, dahil siya ay takot sa dilim.
Paliwanag ng doktor, ang nakasanayan na ito ni Dandan ay nagkaroon ng epekto sa kaniyang melanin production sa nakalipas na tatlong taon.
Importansya ng melatonin
Ang melatonin ay ang hormone na nag-reregulate ng night at day cycles o sleep-wake cycles ng ating katawan. Sa madaling salita, ito ang hormone na kumokondisyon sa ating body clock at nagbibigay signal kung tayo ay matutulog o gigising na.
Ito ay tinatawag ding “hormone of darkness” dahil mas lumakas ang produksyon ng katawan nito sa gabi kung kailan madilim.
Sa kaso ni Dandan dahil sa pagtulog niya sa gabi na bukas ang ilaw ay bumaba ang produksyon ng melatonin ng kaniyang katawan. Nag-resulta ito sa mas mabilis na sexual maturation o early puberty na base sa findings ng isang bagong pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa University of Ottawa.
Epekto sa katawan ng pagtulog ng bukas ang ilaw
Isa lamang ito sa epekto sa katawan ng pagtulog ng bukas ang ilaw. Ayon sa iba pang pag-aaral, ang pagtulog ng bukas ang ilaw ay maari ring magdulot ng sleeping orders na maaring mag-resulta sa sumusunod na kondisyon:
Depression
Ito ay ayon sa isang pag-aaral ng na nailathala sa journal na Molecular Psychiatry. Base sa ginawang pag-aaral, natuklasang ang dim lighting sa gabi ay pinipigilan din ang melatonin production ng katawan. Bilang resulta ay nagkakaroon ng mas mataas na rate sa physiological changes sa katawan na maaring magdulot ng depression.
Cancer
Natuklasan din ng isang pag-aaral matapos i-analyze ang data ng 1,679 na babae, ang pagtulog ng bukas ang ilaw sa gabi ay itinuturing na significant risk factor sa pagkakaroon ng breast cancer.
Obesity
Base naman sa isang research na inilathala sa Proceedings of the National Academy of Sciences, ang pagtulog ng bukas ang ilaw sa gabi ay nakakaapekto rin sa iba pang physical rhythms ng katawan tulad ng eating schedules na maaring mauwi sa sobrang katabaan o obesity.
Irregular menstrual cycle
Ayon naman sa findings ng isa pang pag-aaral, ang exposure sa ilaw ng mga babae sa gabi ay may epekto sa kanilang menstrual cycles. Ito ay matapos pag-aralan ang 71,077 na babaeng may non-traditional shift sa trabaho sa loob ng isang buwan.
Tips para makapag-adjust sa pagtulog ng walang ilaw
Kaya naman para maiwasan ang hindi inaasahang pagbabagong ito sa katawan ng iyong anak pati narin sayo ay ipinapayo ng mga ekperto na bigyang halaga ang importansya ng melatonin sa ating katawan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtulog ng walang ilaw sa gabi. Kung nakasanayan na, narito ang ilang tips na maaring makatulong sa pag-aadjust:
- Iwasan ang paggamit ng cellphone, tablet, computer o panonood ng TV isang oras bago matulog.
- Bawasan ang pagkain ng sobrang protein lalo na ng mga meat products na madalas ay nilalagyan ng hormones.
- Lumabas agad at salubungin ang liwanag ng umaga para ma-set ang internal clock ng iyong katawan.
- Maglagay ng kurtina o blocking shades upang mabawasan ang ilaw na pumapasok sa kwarto.
- Mag-suot ng sleep mask.
- Gumamit ng red/orange light. Dahil ayon sa American Medical Association ay hindi nito naapektuhan ang circadian system ng katawan tulad ng nagagawa ng white/blue light.
- Kung takot sa dilim ay magbasa ng mga libro o makipag-usap sa isang therapist kung paano ma-oovercome ang phobia na ito.
Source: AsiaOne, Family Planning Org, WebMD, NCBI, Everyday Health
Photo: Pexels
Basahin: Ang dalawang pagkakamali ng magulang kung bakit hindi natutulog nang maaga ang bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!