X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kailan ba pwedeng ibyahe si baby? 5 na dapat mong malaman sa pagbiyahe ni baby

8 min read
Kailan ba pwedeng ibyahe si baby? 5 na dapat mong malaman sa pagbiyahe ni babyKailan ba pwedeng ibyahe si baby? 5 na dapat mong malaman sa pagbiyahe ni baby

Moms and dads, narito na ang sagot sa inyong tanong na “Kelan pwedeng ipasyal si baby?”

Sa pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 at pagbaba ng travel restrictions, maraming pamilya ang nagpatuloy na sa kanilang planong magbakasyon.

Mahirap bumyahe kasama ang bagong panganak na sanggol. Gayunpaman, may mga pag-iingat na maaari mong gawin. Upang matiyak na ikaw at ang iyong baby ay magkaroon ng ligtas at kasiya-siyang paglalakbay.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Kailan pwede ibyahe ang sanggol?
  • Kailan ligtas na isakay sa eroplano ang sanggol?
  • Gaano kaaga pwedeng ibyahe ang sanggol pagkapanganak?

Talaan ng Nilalaman

  • Kailan pwede ibyahe ang sanggol?
  • Kailan pwedeng ibyahe si baby gamit ang sasakyan?
  • Kailan ligtas na ibyahe sa eroplano ang isang sanggol?
  • Pagkapanganak, gaano kaaga pwedeng ibyahe ang sanggol?
  • Mga konsiderasyon sa pag-air travel kasama ang isang newborn

Kailan pwede ibyahe ang sanggol?

Karaniwang ipinapayo ng mga doktor na ipagpaliban ang pagbyahe hanggang sa lumakas ang immune system ni baby. Para sa mga full-term na sanggol, maaari itong mangyari matapos ang isang buwan. Gayunpaman, karamihan sa mga doktor ay mas gusto ang tatlo hanggang animna buwan.

Dahil sa mababang pressure ng hangin sa eroplano, ang mga premature na sanggol o sanggol na mayroong sakit sa puso o sa baga ay maaaring mahirapang huminga. Kung ganito ang kaso ng iyong anak, magpakonsulta muna sa inyong pediatrician bago magplanong bumyahe.

Pero kung ang plano mo naman ay ang isama ang iyong baby sa isang road trip. Narito ang ilang mga gabay upang mapanatiling ligtas at kaaya-aya ang iyong baby sa buong byahe.

Kailan pwedeng ibyahe si baby gamit ang sasakyan?

kailan pwede ibyahe ang sanggol? Sanggol na nasa car seat

Kailan pwede ibyahe ang sanggol? | Larawan mula sa iStock

Maliban sa babala tungkol sa immune system development ni baby, malamang naiuwi ninyo ang inyong sanggol gamit ang sasakyan. Wala namang limitasyon sa pagbyahe gamit ang sasakyan.

Gayunpaman, kinakailangan mo pa rin masigurado ang kaligtasan ni baby habang nasa loob ng sasakyan. Narito ang ilang mga tips para sa ligtas na paglalakbay:

  • Suriin ang car safety seat

Kung ang iyong plano ay isang mahabang byahe. Siguraduhin na ang car seat ng iyong baby ay maayos na naka-install. Ang car seat ay dapat naka-install ng nakaharap sa likuran at nasa tamang anggulo.

  • Samahan sa backseat ang iyong baby

Mas mainam na may kasamang matanda o responsableng nakakatandang kapatid sa likod na upuan kasama ang inyong baby. Upang mabilis na maibigay ang kanilang pangangailangan habang nasa byahe.

  • Dalasan ang paghinto

Upang maiwasan ang pagkapagod, matapos ang ilang oras, ikaw at ang iyong baby ay mainam na lumabas at mag-unat. Para sa isang araw na byahe, subukang himinto tuwing 2-3 oras at tuwing 4-6 na oras sa gabi.

Para magpalit ng diapers o maduming damit o upang pakainin si baby. Ang pagpapadede ay hindi dapat subukan sa loob ng umaandar na sasakyan.

  • Panatilihing malapit ang mga pangangailangan

Mag-pack ng diaper bag o isang cooler sa likod na upuan upang mapanatiling malapit ang mga gamit na kakailanganin. Ang ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng:

  • Extra diapers, wipes, diaper cream, changing pad, damit, basurahan ng maduming diapers, at hand sanitizer
  • Formula o gatas ng in ana nakalagay sa yelo o sa isang cooling bag, pati na rin ang mga bib
  • Pacifiers, paboritong laruan, libro, o device kung saan maaaring makapagpatugtog
  • Thermometer

Magdala din ng pagkain at inumin para sa iyong sarili. Kung kinakailangan na huminto sa isang coffee shop sa daan. Huwag iiwan ang iyong baby sa loob ng sasakyan. Kahit pa sa loob lamang ng ilang minuto. Sa sobrang init na mga sasakyan, mabilis ma-heat stroke ang mga baby.

  • Isaalang-alang ang kaginhawaan sa routine ng iyong sanggol ang pagbyahe

Kung kinakailangang bumyahe ng ilang oras, ikonsidera na umalis ng maaga habang natutulog pa ang iyong anak, o sa oras ng kanyang mahabang tulog. Ikonsiderang bumyahe sa gabi kung saan ang iyong anak ay kadalasang tulog, lalo na sa mahahabang byahe.

  • Magplano ng mga bagay na hindi nangyayari ayon sa plano

Mahirap bumyahe na may kasamang sanggol. Mahalagang magpatuloy kahit mayroong maliliit na problema. Huwag masyadong mag-alala kung hindi umaayon sa plano ang ibang nangyayari.

Isaalang-alang ang inyong mga advantages: ang pagbyahe sa sasakyan ay nakapagbibigay-daan sa’yo na makahinto ng ilang beses kung kinakailangan, at sundin ang inyong sariling oras.

Kailan ligtas na ibyahe sa eroplano ang isang sanggol?

kailan pwede ibyahe ang sanggol, nanay na hawak ang anak papasok ng sasakyan

Kailan ligtas na ibyahe sa eroplano ang isang sanggol?| Larawan mula sa iStock

Bagaman ang mga sanggol ay maaaring ilipad pagkapanganak, dapat malaman ng mga magulang ang ilang problema sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang anak.

Ayon kay Elizabeth Merger, M.D., karamihan sa mga pediatrician ay naniniwala na ang sanggol na nasa 4-6 linggo pa lamag ay kaya nang makasakay sa eroplano. Gayunpaman, ito ay para lamang sa mga malulusog na sanggol na nakatanggap ng go-signal mula sa kanilang mga doktor.

Ang mga premature babies, pati na rin ang mga sanggol na may problema sa baga o ano pa mang sakit, ay mas mainam na ibyahe sa lupa.

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)

Dagdag pa rito, maaaring ipayo ng doktor sa mga nanay na nagdaan sa C-section o problema sa panganganak ang mas mahabang panahon ng pagpapahinga.

Palaging manghingi ng go signal mula sa inyong pediatrician bago magplanong bumyahe sa isang destinasyon sakay ng eroplano.

BASAHIN: 

STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

May tumutunog sa paghinga ng sanggol? Mga dahilan at posibleng gamot sa halak ng baby

Parent’s Guide: 5 paraan para mapatahan ang umiiyak na baby

Pagkapanganak, gaano kaaga pwedeng ibyahe ang sanggol?

Ang mga sanggol ay kinakailangang nasa 16 na araw na gulang para makabyahe sa himpapawid. Kapag sumapit na siya sa dalawang taong gulang ay kinakailangang hawak ng isang matanda sa panahon ng pag-take-off, paglapag, kaguluhan, at kapag naka-on ang “Faten Seat Belt” sign.

Kapag bibili ng upuan para sa mga sanggol sanggol pero walang approved child restraint system (CRS), kinakailangang paalalahanan na hawakan sa kanilang hita ang sanggol sa panahon ng pag-take-off, paglapag, kaguluhan, at kapag ang “Faten Seat Belt” sign ay nakailaw.

Mga konsiderasyon sa pag-air travel kasama ang isang newborn

Ligtas man ang sa mga sanggol ang pagbyahe sa himpapawid, pinapayuhan ang mga magulang na huwag kalimutan ang ilang mga paalala.

  • Mikrobyo at sakit

Karamihan sa mga airlines ay gumagamit ng recirculated air. Ibig sabihin kung ang isang pasahero ay nagkaroon ng sipon, maaaring kumalat ang mga mikrobyo nito sa loob ng eroplano dahil sa ventilation system.

Ang mga matatanda’y mayroong matured immune system na kayang lumaban sa mga pathogen. Kaya ito ay hindi dapat ipag-alala.

Gayunpaman, ang immune system ng isang sanggol ay hindi epektibo laban sa mga mikrobyo at virus na umiikot sa loob ng eroplano at airports. Palaging maghugas ng kamay at iwasan ang pag-upo malapit sa mga pasaherong may sakit.

  • Pressure ng hangin at ang tenga

Ang pressure ng hangin sa isang ordinary cabin ay maaaring magdulot ng sakit sa tenga ng mga bagong panganak na sanggol. Gayunpaman, maaari itong mapagaan sa pamamagitan ng paghigop o pag-inom ng mga sanggol sa oras ng pag-angat at pagbaba.

  • Problema sa paghinga

Sapagkat ang mga eroplano ay mas kaunti ang pressure ng hangin, minsan ay maaaring magkaroon ng problema sa paghinga. Partikular na sa mga premature babies o kung mayroong problema sa puso, baga o mga karamdaman sa paghinga.

Kung sakaling mayroong ganito ang iyong anak, magpakonsulta sa doktor upang magabayan ng maayos.

kailan pwede ibyahe ang sanggol

Larawan mula sa Shutterstock

  • Makulit na pag-uugali

Pagsigaw, pag-iyak, at ang pangkabuoang kakulitan ay maaaring tumaas dahil sa hindi pamilyar na paligid. Pati na rin ang hindi kaayaa-ayang pressure sa tenga. Siguraduhin na handa sa mga tinatawag na worst-case scenario.

  • Ibang tao

Habang ang ibang pasahero at airline ay matulungin sa kanilang mga nakababatang pasahero. Mainam pa rin na mag-isip ng plano kung sakaling ang iyong anak ay maging masyadong makulit at makasitorbo sa ibang pasahero. Ang pagpapadede ay kadalasang epektibo o kaya’y aliwin ang sanggol gamit ang iyong boses o isang laruan.

Dapat nga bang bumyahe sa eroplano kasama ang iyong bagong panganak na sanggol. Huwag kalimutan na gawin ang mga kinakailangang ayusin tulad na lamang ng paghiling ng isang bassinet para sa iyong baby kapag nag-book ng flight.

Pati na  pakikipag-ugnayan sa airlines kung maaaring magdala ng tubig o breastmilk para sa iyong baby.

Ang paglalakbay kasama ang iyong baby ay nagbibigay-daan para makita ang pamamasyal mula sa ibang pananaw, at nagbibigay-daan din ito upang makapag-adjust ng unti-unti.

Hindi lang dahil ligtas ibyahe ang karamihan sa mga sanggol, ang mas magandang balita ay ikaw at ang iyong pamilya ay hindi na kinakailangang ipagpaliban ang inyong travel goals.

Gayunpaman, siguraduhin pa rin na magpakonsulta sa inyong pediatrician bago ang isang mahabang byahe para matiyak ang kaligtasan ng iyong baby, lalo na sa mga mahahabang byahe sakay ng eroplano.

 

Kung nais mong basahin ang English version ng article na ito, i-click dito!

bhtp.com, mayoclinic.org, winchesterhospital.org

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Shena Macapañas

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Kailan ba pwedeng ibyahe si baby? 5 na dapat mong malaman sa pagbiyahe ni baby
Share:
  • Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: "In time... kapag okay na ang lahat."

    Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: "In time... kapag okay na ang lahat."

  • Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

    Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

  • Mikael Daez at Megan Young, LDR muna ng halos 2 buwan: "We haven't been apart since this pandemic..."

    Mikael Daez at Megan Young, LDR muna ng halos 2 buwan: "We haven't been apart since this pandemic..."

app info
get app banner
  • Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: "In time... kapag okay na ang lahat."

    Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: "In time... kapag okay na ang lahat."

  • Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

    Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

  • Mikael Daez at Megan Young, LDR muna ng halos 2 buwan: "We haven't been apart since this pandemic..."

    Mikael Daez at Megan Young, LDR muna ng halos 2 buwan: "We haven't been apart since this pandemic..."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.