Mahina sa math ang bata? Ito ay maaring sintomas na ng kondisyon na kung tawagin at dyscalculia. Alamin kung ano ang learning disability na ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang dyscalculia o ang sakit na nagiging dahilan para maging mahina sa math ang bata?
- Mga sintomas at lunas sa learning disability na dyscalculia.
Bakit mahina sa math ang bata?
Image Source: Pexels
Bata pa lamang ay takot na si Adrian sa math. Ang mga numbers noong siya’y bata pa ay sadyang nagpapakaba na sa kaniya na mas lumala pa ng madagdagan ng mga letters ang mga numbers noong siya’y high school na.
Kahit na ang mga simpleng calculation ay labis na nakakatakot na para kay Adrian. Umaasa siya sa mga daliri niya sa pagbibilang. Ultimo ang pagbili ng candy ay inaayawan rin ni Adrian, dahil kahit doon ay kailangan niyang mag-kuwenta at gumamit ng math.
Sa oras nga ng math exam at nakikita niya na ang hawak na test paper ng kaniyang guro ay nagpa-panic na siya. Hanggang sa magtatakbo na lang siya palayo ng makita na ang mga numero sa test paper niya. Ang nararanasan na ito ni Adrian ay hindi normal para sa 13-anyos na batang tulad niya.
Pero, si Adrian pagdating sa ibang subject tulad ng history, science, geography at language ay hindi nahihirapan. Ang mga ito ay nai-enjoy niya at walang kahirap-hirap na pinag-aaralan.
Anong problema sa math? Walang kaalam-alam si Adrian na siya pala ay nakakaranas na ng kondisyon na kung tawagin ay dyscalculia. Ito ay isang math learning disability na marami sa atin ay hindi alam na nag-i-exist pala.
Ang kondisyong dyscalculia ay madalas na naipagpapalit sa kondisyong dyslexia, isang reading disorder. Sa katunayan, tinatawag nga rin itong math dyslexia. Ngunit ang dalawang kondisyon ay magkaiba dahil may magkaibang epekto rin ito sa isang bata.
Ano ang dyscalculia?
Ang mga taong may dyscalculia ay nahihirapang makaintindi ng math concepts at equations. At ang level nito ay maaaring maiba pa depende sa lala ng dyscalculia na nararanasan nila.
May ilang may dyscalculia na nahihirapang mag-solve ng mga simpleng math equations. Habang may ilan naman na tinitingnan ang mga math equations at pagpa-plus na parang isang kakaibang bagay na kahit anong gawin nila ay hindi nila maintindihan.
Hanggang sa ngayon, patuloy pang inaalam ang iba pang detalye tungkol sa dyscalculia. Base sa pananaliksik, ang learning disability na ito ay mas kilala o inuugnay sa dyslexia.
Nasa 60% ng mga batang nada-diagnose na may ADHD o attention deficit hyperactivity disorder ay nagtataglay ng kondisyong ito. Tantiya pa nila 5 to 10% ng populasyon sa buong mundo ay nakakaranas ng dyscalculia.
Ano ang sanhi ng dyscalculia?
Sa ngayon, hindi pa tukoy ang tunay na sanhi ng dyscalculia. Pero paniniwala ng mga eksperto, ang mga sumusunod na dahilan ay maaaring contributing factor sa pagkakaroon nito.
Genes: Ang dyscalculia ay maaaring namamana at maaring maisalin-salin mula sa isang generation at sa mga susunod na.
Brain development: Ang mga batang may dyscalculia ay nakitang bahagyang kakaiba ang brain development kumpara sa mga batang hindi nagtataglay ng learning disability.
Ano ang mga sintomas ng dyscalculia?
School photo created by shangarey – www.freepik.com
Ito ang mga sintomas ng dyscalculia na dapat bantayan sa isang bata.
- Ang bata ay mahina sa math kahit sa pagbibilang at pagsagot ng basic math tulad ng addition, subtraction at multiplication.
- Nahihirapan siyang makaalala ng mga math-related formulas.
- Hirap ang batang magbilang ng pera at mag-sukli.
- Hindi niya kayang tumukoy ng bilis o layo ng isang bagay.
- Hirap ang batang alamin ang oras mula sa orasan, ganoon din ang tandaan ang cellphone number mo o ang landline number sa bahay ninyo.
- Ang mga concepts tulad ng fractions, integers ay unique o kakaiba para sa kanila.
- Hirap silang maka-score sa isang laro.
- Ang batang may dyscalculia ay hirap na basahin ang mga numero sa isang dice ng hindi ito binibilang isa-isa.
- Sa tuwing nakakita ng numbers, ang isang batang may dyscalculia ay natataranta o nagkakaroon ng panick attack.
BASAHIN:
STUDY: Karamihan ng Pinoy students hindi magaling sa reading at math
9 clever ways to develop your toddler’s math skills
14 signs ng dyslexia na maaaring rason kung bakit hirap matutong magbasa ang bata
Paano ma-diagnose ang dyscalculia?
Sa oras na makitaan ng sintomas ng dyscalculia ang iyong anak, mabuting dalhin siya agad sa isang doktor o psychologist. Doon ay titingnan kung siya’y may vision o hearing problems bago tuluyang alamin kung siya ay nakakaranas ng anumang learning disability.
Para malaman ang kaniyang performance sa math ay mabuting makipag-usap rin sa math teacher niya. Ganoon din sa iba pa niyang subjects para malaman ang overall school performance ng iyong anak.
Maaari ring irekumenda ng doktor na ipatingnan ang iyong anak sa isang learning specialist para matukoy ang lala ng learning disability na nararanasan niya.
Para magawa ito sasailalim siya sa mga educational at psychological test ang iyong anak na tutukoy sa level ng nalalaman niya tungkol sa mga sumusunod:
-
Computational skills
Sa tulong nito, matutukoy ang kakayahan ng isang batang sumagot ng mga simpleng math problems tulad ng addition at subtraction. Ang mga batang malalaki na ay susubukang pasagutin ng problems sa multiplications at fractions.
-
Math fluency
Sa test na ito, tutukuyin ang kakayahan ng isang bata na matandaan ang mga basic math concepts tulad ng multiplication. Halimbawa, ang 10 x 5 na ang sagot ay 50.
-
Mental computation
Ang test na ito ay tinatawag ding mental math na kung saan titingnan ang kakayahan ng isang bata na mag-solve ng basic to intermediate math sa isip niya.
-
Quantitative reasoning
Sa test na ito, sinusubukan naman ang kakayahan ng isang bata na makaintindi ng mga word problem at masagutan ang mga ito.
Paano malulunasan ang dyscalculia?
School photo created by freepik – www.freepik.com
Kung ang iyong anak ay na-diagnose na may dyscalculia, ay kailangan niya ng tulong mo at ng iba pang taong nakapaligid sa kaniya.
Tandaan na ang mga batang may dyscalculia ay sa subject lang na math nahihirapan. Kaya naman ang kailangan nila ay magabayan at matutukan lang sa subject na ito.
Ayon sa mga learning specialist, ito ang recommended treatment sa mga batang ay dyscalculia:
- Subukan ang mga math-based learning games sa inyong bahay. Laruin ito kasama ang iyong anak.
- Hayaan ang iyong anak na magpraktis ng mga math equations, muli samahan siya sa paggawa at pagsagot ng mga ito.
- Bigyan sila ng sapat na oras na masagutan ng isang math problem.
- Makakatulong din ang pagbibigay sa kanila ng calculator kung ito’y hinihingi nila.
- Purihin ang pagpupursige nila na sagutin ang math problems. Ipaalam sa kanila na ayos lang magtagal sila pagsagot basta’ t ito ay magawa nila ng tama.
- Mabuti rin na kunan ng private tutor sa math ang iyong anak na gagabay sa kaniya sa oras na wala ka sa tabi niya.
- Palakasin ang loob ng iyong anak sa pamamagitan ng pagsabi sa kaniya na kaya niya itong gawin at sagutin.
Para mas matulungan ang iyong anak ay dapat kausapin din ang kaniyang guro partikular na ang teacher niya sa math. Ito ay para maalalayan niya ang iyong anak sa pagharap sa dyscalculia. Ito ang maaari mong sabihin o i-request sa kaniya.
- Bigyan ng extra time ang iyong anak sa pagsagot niya ng exam.
- Kung maaari ay i-record ang mga math lectures ninya para ito ay ma-replay o muling mapanood ng iyong anak.
- Paggamit ng calculator ng iyong anak sa klase.
- Specialized coaching kung saan mas matutukan niya ang iyong anak.
Sa pagharap sa kondisyon na dyscalculia ng iyong anak ay napaka-halaga ng papel na iyong ginagampanan. Hindi para iparamdam sa kaniya na may mali sa kaniya.
Kung hindi para suportahan siya at iparamdam sa kaniya na lagi ka lang nasa tabi niya. Lalo na sa pagharap ng mga bagay na kinatatakutan o gumugulo sa kaniya tulad ng dyscalculia.
Sources:
WebMD, Dyslexia Association Singapore
Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa wikang Ingles sa theAsianparent Singapore at isinalin na may pahintulot sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!