Masyadong pihikan sa pagkain ang bata o ang iyong anak? Ang kondisyon na ARFID ang maaring posibleng dahilan.
Para sa mga toddlers o batang nagsisimula ng kanilang development at milestones, mainam na mapakain sila ng masusustansiyang pagkain. Kasama na rito ang pagpapanatili na meron silang sapat na minerals at bitaminang nakukuha mula sa pagkain.
Pero, paano na lang kung masyadong pihikan sa pagkain ang bata? Ano ang sanhi kapag masyadong pihikan sa pagkain ang bata?
Talaan ng Nilalaman
Masyadong pihikan sa pagkain ang bata
Hindi maiiwasan na may mga batang magkakaroon ng pagpili sa pagkain. At sa mas malalang kaso, ay nagiging masyadong pihikan sa pagkain ang bata.
Ang sitwasyon ng masyadong pihikan sa pagkain ang bata ay pwedeng magdulot ng pagiging mahina ng katawan. O di kaya, ay pagkakaroon ng mga kumplikasyon at sakit dulot ng mababang immune system sa katawan.
Pero, hindi laging tungkol sa pagkain ng gulay at prutas ang dahilan ng masyadong pihikan sa pagkain ang bata. Isa lamang ito sa sanhi ng pananamlay o pagpili ng pagkain.
Ang bata na nagiging masyadong pihikan sa pagkain ay posible ring nakaranas ng hindi magandang panlasa o karamdaman sa iilang mga partikular na pagkain. Minsan naman, ay nakakaranas ng mga related na sitwasyon kapag kumakain.
At maaari ring ipaliwanag ang bata na masyadong pihikan sa pagkain sa pamamagitan ng ARFID. Ano nga ba ang Avoidant/Restrictive Food Intake Disorder? Bilang mga mommies, paano natin makikita ang mga senyales ng disorder na ito?
Ano ang ARFID o Avoidant/Restrictive Food Intake Disorder?
Food photo created by tirachardz – www.freepik.com
Masyado bang pihikan sa pagkain ang iyong anak? May specific na kulay ba ng pagkain na hindi siya kinakain? O kaya naman ayaw niya ng mga malalagkit o maasim na pagkain? Maaring siya ay nakakaranas ng kondisyon na tinatawag na ARFID o Avoidant/Restrictive Food Intake Disorder.
Ayon sa health website na WebMD, ang ARFID ay maihahalintulad sa sakit na anorexia. Dahil tulad ng anorexia ang taong nakakaranas nito ay may intense restrictions sa dami ng pagkain na kanilang kinakain.
O kaya naman ay may partikular na pagkain lang siya na gustong kainin. O maaari ring may pagkain naman siyang labis na kinaaayawan. Sa madaling salita, siya ay isang extreme picky eater.
Ang kinaibahan lang ng ARFID sa anorexia, ang mga taong nakakaranas nito ay hindi conscious o walang pakialam sa magiging hugis o laki ng katawan nila.
Tatlong uri ng ARFID
Ang ARFID ay may tatlong uri at ito ay matutukoy sa ipinapakitang response ng batang nakakaranas nito sa mga pagkain. Ito ay ang sumusunod.
1. Lack of interest
Ang mga tao o batang nakakaranas ng ganitong uri ng ARFID ay may walang pakialam o interes sa pagkain. Sila rin ay madaling mabusog.
2. Sensory Avoidance
Ang mga tao o batang may ganitong uri ng ARFID ay may isyu o hindi kumakain ng pagkain maaring dahil sa lasa nito, texture o kaya naman ay dahil sa amoy nito.
3. Fear of Aversive Consequences
May mga tao o bata namang nakakaranas ng ARFID dahil sila ay takot na magkasakit, magka-allergy, mabulunan o maduwal sa pagkaing kanilang kakainin.
Risk at komplikasyon sa kalusugan na maidudulot ng ARFID
Base sa mga pananaliksik, tinatayang 5% ng mga bata ang nakakaranas ng ARFID at karamihan sa kanila ay mga batang lalaki.
Kung ang kondisyon ay hindi malulunasan ito ay maaaring dalhin ng isang bata hanggang sa kaniyang pagtanda. Ito rin ay maaring magdulot ng negatibong epekto sa kaniyang kalusugan. Ang mga ito ay ang sumusunod.
- Malnutrition
- Hirap na magdagdag ng timbang
- Gastrointestinal complications
- Pabalik-balik na anxiety disorders
- Weight loss
- Developmental delays
- Mahinang immune system
Masyadong pihikan sa pagkain ang bata at iba pang sintomas ng ARFID
Food photo created by freepik – www.freepik.com
Para maagapan at malunasan, mahalaga na matukoy agad kung ang isang bata ay nakakaranas ng ARFID. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga sintomas na kaniyang ipinapakita. Ang mga ito ay ang sumusunod.
- Extreme pickiness o grabeng pagkapihikan sa pagkain.
- Anxiety o may takot sa pagkain. Tulad ng takot kumain dahil maaari siyang mabulunan o maduwal.
- Hirap na magkaroon ng dagdag na timbang o tumaba.
- Umiiwas sa partikular na pagkain base sa texture, kulay, lasa o amoy nito. Gaya ng ayaw siya sa maasim o malalagkit na pagkain.
- May specific na luto lang ang gusto sa pagkain halimbawa gusto niya ay prito lang lagi ang kaniyang kakainin.
- Hirap na makanguya ng pagkain.
- Walang gana kumain.
- Hirap na matunawan sa ilang uri ng pagkain.
- Napaka-konti kung kumain.
- Nakadepende sa mga external feeding tubes o nutritional supplements.
- Ina-isolate ang sarili o nais lang na laging mapag-isa makaiwas lang sa pagkaing inaayawan.
- Pananakit ng tiyan o iba pang gastrointestinal complaints gaya ng constipation, at acid reflux.
- Dry na balat, kuko at buhok.
- Madalas na nilalamig.
- Pagnipis ng buhok sa ulo.
Ilang mga senyales para malaman na masyadong pihikan sa pagkain ang bata dulot ng ARFID
Default na na senyales ng ARFID ang bata na masyadong pihikan sa pagkain at kawalan ng interes na kumain. Mapapansin ang senyales sa inyong anak na may ARFID kapag hindi sila nakakaramdam ng pagkagutom.
Dagdag pa, nakaka-turn off sa kanila ang amoy, lasa, texture, o maging kulay ng pagkain. Ang ibang bata naman ay takot masaktan, mabulunan, o masuka kapag sila ay kumakain.
Karamihan sa mga batang may ARFID ay underweight. Ang iba naman ay normal ang tibang at overweight, lalo na ang mga batang mas junk food lang ang kinakain.
Paano matutukoy ang ARFID at sino ang mas at risk na makaranas nito?
Para matukoy kung may ARFID ang isang bata ay mabuting dalhin siya sa isang doktor. Doon ay tatanungin siya ng doktor tungkol sa kaniyang eating patterns at behaviors.
Kung siya ay nagpapakita ng halos lahat ng mga nabanggit na sintomas ng ARFID ay mataas ang posibilidad na siya ay nakakaranas ng kondisyon.
Walang eksaktong dahilan ang sakit na ARFID. Pero ito ay maaaring dulot ng iba’t ibang factors tulad ng biological, psychosocial, at environmental influences.
Pero ayon pa rin sa mga pag-aaral, mas mataas ang tiyansang maranasan ito ng mga batang hindi naaalis ang kanilang pagiging picky eater. Pati na ang mga batang may autism spectrum disorder at mayroong attention deficit hyperactivity disorder o ADHD.
Paano ito malulunasan?
Photo by Alex Green from Pexels
Sa pagbibigay lunas sa kondisyong ARFID, ang focus ay mabigyan ang nakakaranas nito ng sapat na nutrisyon na kailangan ng kaniyan katawan. Ganoon din kung paano niya mababago ang pananaw o pakiramdam niya sa mga pagkain. Ito ay magagawa sa tulong ng mga sumusunod na paraan.
- Pagkakaroon ng personalized meal plan sa tuloung ng dietitian.
- Pagrereseta ng mga nutritional supplements.
- Speech therapy para ma-exercise ang motor skills para sa pagkain.
- Pag-rereseta ng gamot para magkaroon ng gana sa pagkain o maibsan ang anxiety.
- Pakikipag-usap sa psychiatrist o psychologist para malunasan ang iba pang mental health conditions na maaring nagdudulot ng ARFID.
- Cognitive behavioral therapy para matulungan ang nakakaranas nito na mabago ang feelings niya tungkol sa pagkain.
May mga pagkakataon rin na kailangang ma-confine ang taong nakakaranas nito para makatulong sa pagkakaroon nila ng dagdag na timbang. O dahil sila ay nangangailangan ng serious medical needs kaugnay sa pagkakaroon ng ARFID.
Kaya kung may anak o miyembro ng pamilya na sa tingin mo ay nakakaranas ng kondisyon ay mabuting patingnan na siya sa doktor. Ito ay upang malunasan na ito at mabigyan siya ng treatment na kaniyang kinakailangan.
Pampagana kumain sa bata: lunas sa masyadong pihikan sa pagkain ang bata
Bilang lunas sa bata na masyadong pihikan sa pagkain, ay ang pampagana kumain sa bata. Sa lunas na ito, kinakailangan ang team ng doktor, dietician, maging therapist na eksperto sa eating disorder.
Kabilang rin sa lunas maliban sa pampagana kumain sa bata na walang interes sa pagkain ay nutrition counseling, medicalization, at feeding therapy.
Maaaring i-prescribe ng doktor ang mga gamot na nakakatulong sa pampagana kumain sa bata, at gamot bilang lunas sa anxiety. Kasabay nito, tuturuan ng therapist ang bata at mga kamag-anak kung paano i-handle ang pag-aalala at takot sa pagkain.
Ilang paalala
Huwag pilitin ang batang pihikan sa pagkain na kumain. Mabuting isangguni muna sa doktor kung ano ba ang sanhi ng pamimili o takot sa mga pagkain.
Karagdagang ulat na isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!