X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

10 sintomas na dapat mong bantayan kapag ika'y buntis

5 min read
10 sintomas na dapat mong bantayan kapag ika'y buntis10 sintomas na dapat mong bantayan kapag ika'y buntis

Mahalaga ang kaligtasan ni mommy at baby kapag nagbubuntis. Kaya naman alamin ang mga danger signs sa pregnancy upag ito'y maiwasaan at maagapan

Marami talaga ang dapat bantayan kapag nagbubuntis ang babae upang masiguro ang kaligtasan niya at kaniyang baby. Alamin kung ano nga ba ang mga dapat bantayan sa buntis.

Sa isang webinar na isinagawa ng theAsianparent Philippines naimbitahan sina Dr. Kristen Cruz-Canlas – Obstetrician Gynecologist, Dr. Bernadette Anne Cruz-Austero, at mommy influencer na si Ciara Magallanes. Napag-usapan nila ano ng aba ang mga dapat bantayan kapag ika’y buntis.

Marami kasing mga pagbabago na nangyayari sa katawan ng isang babae kapag nagbubuntis siya. Kaya naman kailangan malaman kung normal pa ba o hindi na ang kaniyang nararanasan. Mas magandang malaman ito kung ika’y nagpaplano nang magbuntis at kung nais niyo nang bumuno ng pamilya ng iyong asawa o partner.

mga-dapat-bantayan-sa-buntis

Image from Children photo created by serhii_bobyk – www.freepik.com

Mga dapat bantayan sa buntis

  1. Sobrang pananakit ng ulo
  2. Nanlalabo ang paningin
  3. Pamamaga ng mukha at daliri
  4. Sobrang pagsusuka
  5. Biglaang pananakit ng tiyan
  6. Walang galaw si baby
  7. Pagdurugo o vaginal bleeding
  8. Pagputok ng panubigan
  9. Masakit na pag-ihi
  10. Lagnat

Ayon kay Dr. Kristen kapag nakakaranas ka ng unang tatlong nabanggit baka senyales na ito ng preeclampsiaat kailangan niyo nang magpakonsulta sa inyong doktor. Mataas umano ang blood pressure ng buntis kapag nakakaranas ng ganito.

mga-dapat-bantayan-sa-buntis

Image from Woman photo created by valuavitaly – www.freepik.com

Sa tanong ni mommy Ciara kung may average ba kung ilang beses ang normal na pagsusuka ng isang buntis. Sinagot ito ni Dr. Kristen na,

“Actually, wala pong average ‘yan. Ang Hyper Abritarum dahil sa hormone na beta hcg okay, so medyo malas ka lang talaga kung grabe ‘yung reaction mo. Okay. Pero sa amin magandang sign naman iyon. Kasi ibig sabihin okay ang hormones ni baby makapit si baby. Magandang sign ho ito.”

Pero kapag sobra na talaga ang pagsusuka kontakin na agad ang inyong OB upang makapagpatingin sabi ni Dr. Kristen.

“Kapag sobra na ang pagsusuka at hindi na kayo makakain kontakin niyo po ang ob ninyo kasi puwede pong madehydrate kayo at importante ‘yung serum electrolates.”

Ayon naman kay Dr. Bernadette, “Pwede po kayong manghina, ‘di ba ‘yung legs parang di na kayo makatayo, parang nanlalambot kayo. Kapag nawawalan kayo ng electrolates, kahit nga hindi kayo buntis eh para na kayong nanlalambot paano kaya kung buntis pa at may nakaasa sa inyong baby.”

Dagdag pa ni Dr. Bernadette, ang labis-labis umanong pagsusuka pero kung nakakapagpahinga ka naman at napapalitan mo iyong naisuka  puwede pa at normal lang. Pero kung kahit tubig lang ang iyong na-take at suka ka pa rin ng suka kailangan mon ang magpatingin sa doktor.

Pagpapaliwanag pa nila

mga-dapat-bantayan-sa-buntis

Image from Unsplash

Kung nakakaramdam naman ang buntis ng biglaang pananakit ng tiyan agad din umanong magpakonsulta sa inyong OB. Hindi ito normal ayon sa ating mga butihing doktor.

Isa pa sa dapat bantayan ay ang galaw ni baby kapag umanong hindi ka na nakakaramdam ng paggalaw ni baby lalo na kung nasa 27 weeks and above na ang inyong pagbubuntis. Kailangan umanong 10 sipa o galaw ni baby kada oras ang inyong mararamdaman.

Sa pagtatanong naman ni mommy Ciara, sinabi niyang paano umano ‘yung mga ibang mommy na halimbawa na hindi umaabot sa 10 ang nararamdamang paggalaw ni baby. Sabi naman ni Dr. Kristen, kapag ganun daw kailangan mo pa ng further testing. Halimbawa kung 9 out of 10 lang umano ang iyong naramdaman huwag daw masyadong mabahala.

“Kasi si baby natutulog din. Kapag nagbilang talaga dapat nagkahiga ka talaga at hindi ka busy. At least 2 hours ang monitoring. Kapag 6 o below, mag-ano na po tayo roon. I-check na po natin. Minsan kapag medyo malaki si mommy at may excessive fat si mommy minsan hindi masyadong ramdam.”

Kung nakakaranas naman ng vaginal bleeding o pagdurugo ang isang buntis isa umano itong BIG NO!

“Any vaginal bleeding during pregnancy is no, no, no bawal yan. Kailangan i-consult niyo po. Puwedeng mababa ‘yung inunan, nagkaroon ng trauma, after sexual contact dinugo naglacerate pala. Okay. Maraming iba’t ibang causes.”

Kaya naman mabuting ipakonsulta sa iyong doktor kung nakakaranas ka nito dahil baka nasa delikado na ang lagay ng iyong baby.

mga-dapat-bantayan-sa-buntis

Image from Woman photo created by valuavitaly – www.freepik.com

Ang masakit din na pag-ihi ay isa sa mga common infection kapag nagbubuntis. Agad umanong magpakonsulta sa doktor kapag nakakaranas ka lagi nito.

Panghuli ang pagkakaroon ng lagnat. Kailangan umanong may thermometer ka upang ma-check lagi ang iyong temperature at hindi haplos-haplos lamang. Karaniwan kasi sa mga buntis ay mainit talaga ang temperature. Dahil umano ito sa progesterone na hormone.

“Kaya kailangan talagang may thermometer. Okay at ang lagnat ay 37.8 and above. So, dapat po alam natin ang mga danger signs na ito. At dapat magkonsulta at makipag-coordinate sa inyong mga ob.”

Makakatulong din ang aming app na theAsianparent upang ma-monitor ang inyong pagbubuntis. Maaari ka ring matutunan ditto kung ano ang mga need ni baby at sa inyong pagbubuntis Pwede niyo itong ma-download sa google play store at app store. I-download ito rito.

Tandaan mas mainam na may kaalaman kayo rito upang agad niyo itong maagapan kung ito’y nararanasan ninyo. Pinakamaganda pa rin ang palaging pagpapakonsulta sa inyong doktor upang ma-monitor ang inyong pagbubuntis.

 

Source:

theAsianparent Facebook Page

BASAHIN:

4 na bagay na dapat gawin para sa healthy na pagbubuntis

Ang mga magagawa ni mister upang masigurong healthy ang pagbubuntis mo?

Partner Stories
Protect the health of your fur babies with Cebuana Lhuillier Pet Insurance
Protect the health of your fur babies with Cebuana Lhuillier Pet Insurance
Lea Salonga Instashines with a Musical Tribute
Lea Salonga Instashines with a Musical Tribute
Creamier, Tastier, and Meltier! More Moms are Discovering the Deliciousness of  Eden Melt Sarap!
Creamier, Tastier, and Meltier! More Moms are Discovering the Deliciousness of Eden Melt Sarap!
"Impact investing set to grow through partnership between Villgro and xchange"
"Impact investing set to grow through partnership between Villgro and xchange"

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • 10 sintomas na dapat mong bantayan kapag ika'y buntis
Share:
  • Bawat linggo ng iyong pagbubuntis: Ikaw at si baby sa ika-8 linggo

    Bawat linggo ng iyong pagbubuntis: Ikaw at si baby sa ika-8 linggo

  • STUDY: Epekto sa baby kapag stressed ang buntis

    STUDY: Epekto sa baby kapag stressed ang buntis

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • Bawat linggo ng iyong pagbubuntis: Ikaw at si baby sa ika-8 linggo

    Bawat linggo ng iyong pagbubuntis: Ikaw at si baby sa ika-8 linggo

  • STUDY: Epekto sa baby kapag stressed ang buntis

    STUDY: Epekto sa baby kapag stressed ang buntis

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.