Paano alagaan ang ngipin ng baby ang kadalasang concern ng mga magulang. Lalo pa’t ito ang kanilang ginagamit para kumain, ngumuya at magbigay ng kanilang cute smile. Karamihan itong tinatanong dahil mas magandang alagaan ang ngipin ni baby hanggang maaga pa lang para makaiwas sa sungki o yung hindi pagkapantay ng mga ngipin, pati na ang sirang ngipin ng bata.
Ang kanilang baby teeth ang kanilang gagamitin hanggang lumabas na ang kanilang permanent teeth sa kanilang paglaki. Kapag hindi naging maganda ang pag-alaga sa baby teeth, maaari nitong maapektuhan ang permanent teeth at magkaroon ng sirang ngipin ng bata. Kaya naman importante ng mapangalagaan ito nang maayos at mapanatiling healthy.
Pampaputi ng ngipin | Image from Freepik
Paano alagaan ang ngipin ng baby
Ayon sa mga eksperto, ang unang paraan kung paano alagaan ang ngipin para maiwasan ang sirang ngipin ng bata ay ang dalhin siya agad sa dentista kapag lumabas na ang unang ngipin niya. Ito ay para masigurong makakaiwas siya sa tooth decay na maaring makadamage sa healthy teeth niya.
Dapat din daw sundan ng dentist check-up kapag tumungtong na siya sa gulang na isa at magkaroon ng follow-up check-up taon-taon.
Ayon kay Dr. John Morris, senior lecturer ng dental public health sa University of Birmingham, ang early dental visits ay hindi lang nagbibigay ng impormasyon para makaiwas sa early childhood oral health issues ang mga bata. Nakakatulong rin ito para ma-familiarize sila sa dental environment at mabawasan ang future dental anxiety o ang pagkatakot na bumisita sa dentista.
“Poor oral health can cause pain and infection, which can affect eating, sleeping, socialising and learning,” dagdag pa ni Dr. Morris.
Pampaputi ng ngipin | Image from Freepik
Kahalagahan ng pagpunta sa dentista
Sa isang pag-aaral nga na ginawa ng University of Birmingham, University of Edinburgh at Public Health England, lumabas na sa England ay 3% lang nga mga bata ang nadadala sa dentista bago ang kanilang first birthday.
Mula noong 2014 to 2016 ay naitala sa bansa na ang tooth extraction ay ang main reason kung bakit naa-admit sa ospital ang mga batang may gulang na 5 to 9 years old. Ang tooth extraction din daw ang sixth most common procedure na ginagawa sa mga batang limang taong gulang pababa.
Maiiwasan daw sana ito sa pamamagitan ng early dental visits na nagsisimula sa paglabas ng una nilang ngipin. Ito ay para malaman ang mga dapat at hindi dapat sa kung paano alagaan ang ngipin ng baby.
Ang pag-alaga sa ngipin ay makakaiwas sa upang hindi magkaroon ng sirang ngipin ng bata at ang sungki nito. Nakukuha kasi ang sungki kapag hindi maayos ang pag-aalaga sa ngipin.
Paano mo alagaan ang ngipin ng baby? | Image from Freepik
Paglilinis ng ngipin ng baby
Isa sa pangunahing paraan para maalagaan ang ngipin ni baby ay sa pamamagitan ng pagtotoothbrush na dapat gawin kapag lumabas na ang unang ngipin niya.
Gumamit lang ng soft brush na nilagyan ng konting toothpaste na ang dami ay kasing sukat ng butil ng bigas.
Dahan-dahang i-brush ang ngipin ni baby. Ito ay maari mong gawin hanggang siya ay tumungtong sa edad na kaya niya itong gawing mag-isa. Para naman maalagaan ang gums ni baby ay dapat panatilihin itong malinis.
Gamit ang malambot at basang lampin o tela ay dahan-dahang punasan ang ngala-ngala ni baby. Gawin ito pagkatapos sumuso o dumede ni baby at bago siya matulog.
Sa ganitong paraan ay maalis ang mga bacteria na maaring manirahan sa ngala-ngala niya na maaring maka-damage sa kaniyang ngipin.
Kung nais mo ng pampaputi ng ngipin, kumonsulta na lang muna sa iyong dentista para mabigyan ka niya ng magandang payo.
Ikaw mommy? Paano mo alagaan ang ngipin ng baby?
Source:
DailyMail UK, WebMD
Basahin:
Sanggol, ipinanganak na mayroon nang tumutubong ngipin
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!