1. Bigyan sila ng layunin
Mahalaga ang pagbibigay ng mga layunin sa mga bata. Kahit ito man ay ‘short-term’ o ‘long-term’ na layunin, importante ito dahil mas magkakaroon ang iyong anak ng ‘motivation’ upang maabot nila ang kanilang mga layunin.
2. Dahan-dahan lang
Importante na hindi madaliin ang proseso, lalo na kung mabilis mawalan ng gana ang iyong anak sa mga bagay-bagay. Importante ang pagiging ‘consistent’ sa pagtulak sa iyong anak na magpursigi at magsipag upang makamit ang kanilang mga pangarap.
3. Mahalaga ang munting mga tagumpay
Importante ang munting mga tagumpay pagdating sa pag-uudyok sa iyong anak na abutin ang kaniyang mga pangarap. Sa mga munting tagumpay na ito maisasakatuparan niya ang kaniyang mga layunin, kaya mahalaga na ipakita sa kaniya na masaya ka para sa kanila, kahit gaano man kalaki o kaliit ang kanilang nagawa.
4. Mahalaga ang pakikipag kompetensiya
Ang pagsali sa mga kompetisyon ay magandang paraan upang turuan na maging masipag at ‘motivated’ ang iyong anak. Subukan mo siyang isali sa iba’t ibang kompetisyon; hindi na mahalaga kung manalo o matalo, ang importante ay ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya.
5. Maniwala ka sa iyong anak
Ang pagtitiwala sa kakayanan ng iyong anak ay importante dahil kapag naramdaman nila ang iyong tiwala, mas gaganahan silang pag-igihan pa ang kanilang ginagawa upang maipakita na tama ang iyong pagtitiwala sa kanila.
6. Magpakita ng interes
Mahalaga din na magpakita ka ng interes sa kanilang mga gawain. Kung sila ay interesado sa isang isport, bakit hindi mo subukang sumali upang sabay kayong matuto? Maganda rin itong paraan upang mapalapit ka sa iyong anak.
7. Turuan silang mahalin ang kanilang ginagawa
Kapag mahal ng anak mo ang kaniyang ginagawa, kahit sa paaralan man o sa pansarili niyang mga libangan, ay siguradong magiging mahusay siya rito. Kaya importante na turuan ang iyong anak na palaging gawin ang lahat ng kaniyang makakaya, sa kahit anong gawain.
8. Dapat laging positibo
Ang pagkakaroon ng ‘positive thinking’ ay importante sa bata upang hindi sila agad mawalan ng loob. Ang pagiging positibo sa lahat ng aspeto ng buhay ay makakatulong sa kanilang lampasan ang kahit anong pagsubok nang hindi sumusuko.
9. Piliin ang kanilang mga kaibigan
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kaibigan na itutulak sila sa pagiging mahusay at mabuti. Ang pagkakaroon ng magandang impluwensiya mula sa kanilang mga kaibigan ay makakatulong upang magbago ang perspektibo ng iyong anak sa mga bagay-bagay.
10. Siguraduhing lagi silang masaya sa ginagawa nila
Importante na siguraduhing masaya ang iyong anak sa kaniyang ginagawa dahil ito ang magsisilbing ‘motivation’ sa kaniya upang magpursigi at paghusayan ang kaniyang gawain.
Source: imom.com
READ: 5 Ways to motivate your kids to be active
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!