Pagdidisiplina sa anak ng mga magulang kapag sila ay gumawa ng mali, naiintindihan na ng mga bata kahit sila ay nasa murang edad pa. Ito ang natuklasan ng isang bagong pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa University of Illinois.
Pag-aaral tungkol sa pagdidisiplina ng anak
Ayon sa pag-aaral, ang mga bata edad 1 ½ gulang pataas ay inaasahan na ang pagdidisiplina ng mga leaders tulad ng kanilang mga magulang o guro kapag sila ay mayroong ginawang mali.
Ito ang natuklasan ng mga researchers’ ng ginawang pag-aaral matapos obserbahan ang reaksyon ng 120 na bata sa iba’t-ibang scenario na kanilang pinakita. Ang mga batang nakibahagi sa eksperimento ay may edad na 17 buwan o 1 ½ years old.
Pagsasagawa ng pag-aaral
Ang mga scenarios na ipinakita sa mga bata ay naisagawa sa tulong ng bear puppets. Habang ang mga bata ay komportableng nakaupo sa kandungan ng kanilang mga magulang.
Ang mga bata ay nanood ng skit tungkol sa tatlong bear na ang isa sa kanila ang umaaktong leader.
Sa unang scenario ay nagbigay ang leader na bear ng tig-isang laruan sa kasama njyang dalawa pang bear. Ngunit isa sa mga bear ay kinuha ang laruan ng isa pang bear at itinakbo ito.
Nang kunin ng leader na bear ang laruan mula sa isang bear at ibigay ito sa victim bear ay tinitigan lang ng mga bata ang nangyari ng sampung segundo.
Samantalang, noong hindi umaksyon o pinabayaan ng leader na bear ang ginawa ng isang bear sa victim bear ay tumitig ng mas matagal ang mga bata.
Paliwanag ng eksperto
Ayon kay Renée Baillargeon, psychology professor sa University of Illinois at nanguna sa ginawang pag-aaral, ang pagtingin ng mga bata nang mas matagal ng hindi gumawa ng kahit anong aksyon ang leader na bear sa scenario ay nangangahulugan umano ng pagkagulat nila sa ginawa nito.
Habang ang mas maikling pagtitig nila ng kunin ng leader na bear ang laruan sa isang bear at ibigay ito sa victim bear ay nangangahulugan lang na inaasahan na nila ang mangyayari.
Sa huling scenario, isa sa mga bear ang nagsabing ayaw niya ng laruan kaya naman kinuha ng isang bear ang dalawang laruan. Tumitig din ng mas matagal sa scenariong ito ang mga bata ng makialam ang leader at kunin ang isang laruan sa isang bear at ibigay ito sa bear na nagsabing ayaw niya ng laruan.
Paliwanag ni Baillargeon, sa scenariong ito ay naiitindihan ng mga bata na wala namang nagawang mali ang isa sa mga bear lalo pa’t sinabi ng isang bear na ayaw niya ng laruan. Kaya naman sila ay nagtataka sa inakto ng leader na bear.
Konklusyon ng ginawang pag-aaral
Kaya naman mula sa naging reaskyon ng mga bata sa isinagawang mga scenario ay nabuo ang findings ng mga researchers.
Ayon sa kanila, patunay lang daw ito na ang mga bata na ay nagkakaroon na ng understanding tungkol sa social hierarchies at power dynamics kapag sila ay magdadalawang-taong gulang na.
Alam na din daw nila ang tungkol sa ideya ng pagkakaroon ng leader at pagsunod sa mga ito. Naiintindihan na din daw nila ang pagdidisiplina sa anak na ginagawa ng mga magulang kapag nakakagawa ng mali.
Isang patunay lang din ito na ang pagdidisiplina sa mga bata ay dapat nagsisimula habang sila ay bata pa. Dahil sila ay nakakaintindi na kung para saan ang pagdidisiplina.
Sa mura nilang edad ay alam narin nila ang ideya ng pagsunod sa mga itinuturing nilang leaders. Ito ay ang mga magulang na kanilang sinusunod at inaasahang aaksyon sa tuwing may mali silang magagawa.
Source: DailyMail UK, Science Daily
Basahin: 7 Strange toddler behaviors that are totally normal
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!