X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

6 na rason kung bakit hindi muna dapat bigyan ng feeding bottle ang newborn

7 min read

Kailan mo ba pwedeng simulang bigyan ng bote ang iyong sanggol? Alamin rito kung kailan ang mainam na panahon ng paggamit ng feeding bottle sa baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang milk code na sinusunod dito sa Pilipinas?
  • Magagandang epekto ng pagdelay ng paggamit ng feeding bottle sa baby
  • Ang pinakamainam na panahon ng paggamit ng feeding bottle sa baby

Isa sa mga pinakaunang pagsubok na pinagdaraanan ng mga bagong ina ay ang pagpapadede sa kanilang sanggol. Bagama’t isang natural na gawain sa mga kababaihan ang pagpapadede, mayroon itong kaakibat na hirap. Lalo na kapag hindi agad makadede ng maayos ang bata, o hindi “sapat” ang gatas ng ina.

Gustuhin man nila, may mga nanay na hindi kayang magpadede kaya nagdedesisyon silang magbigay ng gatas sa pamamagitan ng feeding bottles (mapa-formula o expressed milk man ito) para sa kalusugan ng kanilang anak.

Subalit ayon sa mga eksperto, hangga’t maaari, mas mabuti kung ipagpapaliban o ide-delay ang paggamit ng feeding bottle sa baby, lalo na sa mga bagong panganak na sanggol.

paggamit ng feeding bottle sa baby

Larawan mula sa Freepik

Milk Code sa Pilipinas

Alam mo ba na ipinagbabawal na ang pagdadala ng mga bagay gaya ng feeding bottles at formula milk ng baby sa ospital kapag manganganak na ang isang buntis?

Alinsunod ito sa Executive Order 51 o tinatawag ring Milk Code na sumusulong sa breastfeeding para sa mga sanggol.

Ang pagbabawal ng mga formula milk at feeding bottles sa mga ospital ay isinasagawa para mahikayat ang nanay na magpadede sa kaniyang sanggol lalong lalo na sa mga unang araw nito.

Alinsunod naman sa Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009, isinusulong ng pamahalaan na suportahan ang pagpapadede. Kaya naman minumungkahi rito na ang nanay at sanggol ay mananatili sa parehong kuwarto pagkasilang ng baby, para makapagdede agad ito.

Subalit kung hindi pa sapat ang gatas mula sa ina, o hindi ito maaring magpadede. Sapagkat mayroon itong sakit, maaari namang kumuha ang nars ng gatas mula sa milk bank ng ospital para ipadede kay baby.

Ang pinakamainam na panahon ng paggamit ng feeding bottle sa baby.

paggamit ng feeding bottle sa baby

Larawan mula sa Shutterstock

Ayon sa mga eksperto, dapat maghintay muna ang magulang na ma-establish na ang breastfeeding routine o masanay na si baby na magdede sa nanay bago ito subukang bigyan ng feeding bottle. Tinatayang mangyayari ito sa loob ng 2 hanggang 4 na linggo mula nang ipanganak ang sanggol.
Ito ay para makasiguro rin na hindi magkakaroon ng nipple confusion at hindi pipiliin ni baby ang bote sa halip na gatas ng kaniyang ina.
Talagang hinihikayat ng pamahalaan at mga eksperto na subukan ng ina na magpadede dahil sa mga benepisyong dala nito.
Subalit kung mayroong malubhang sakit ang nanay at may posibilidad na maipasa niya ang sakit sa bata. Ito’y pamamagitan ng pagpapadede, o kung wala siyang lakas o kakayahang magpadede. Ito ang pangunahing dahilan ng paggamit ng feeding bottle sa baby ng mas maaga.

Hindi ligtas kay baby na magdede sa ina kung:

  • Mayroong sakit gaya ng HIV o AIDS ang ina
  • Kapag may iniinom na gamot para sa isang sakit (tanungin muna ang iyong doktor kung ligtas ba magpapadede)
  • Mayroong alcohol o drug addiction
  • Nagdurugo ang dede at nahahalo ito sa gatas.

Sa mga ganitong pagkakataon, tanungin ang iyong doktor kung anong dapat gawin at anong paraan para mabigyan ng gatas si baby.

paggamit ng feeding bottle sa baby

Larawan mula sa Freepik

Subalit kung mayroon ka namang kakayahang magpadede. Mas mainam na subukan mo muna ito kahit sa unang buwan lang ng iyong anak.
Narito ang ilang dahilan kung bakit hindi dapat agad bigyan ng feeding bottle ang isang newborn.

Mga benepisyo ng pagdelay ng feeding bottle sa baby

Narito ang magagandang epekto sa iyong sanggol kapag ipinagpaliban mo ang pagbibigay sa kaniya ng bote:

  • Maiiwasan ang nipple confusion

Ang nipple confusion ay karaniwang nangyayari sa mga newborn kapag nalilito ang sanggol sa paraan ng pagdedede, mula sa kaniyang ina at sa bote.

Iba ang paraan ng pagdede ng sanggol sa kaniyang ina kaysa sa bote. Kaya kapag maagang nabigyan ng bote si baby, maaaring malito at mahirapan na si baby na magdede uli sa ina. Sapagkat mas madali ang pagdedede mula sa bote.

paggamit ng feeding bottle sa baby

Larawan mula sa Shutterstock

  • Siguradong makukuha ni baby ang colostrum

Isa sa mga dahilan kung bakit napakaimportante na magdede si baby sa kaniyang ina pagkasilang nito ay para makuha niya ang colostrum. Ito ang parte ng gatas ng nanay na napakasustansya at maraming antibodies para labanan ang mga sakit at impeksyon.

Nakukuha ito mula sa breastmilk sa loob ng unang tatlong araw pagkapanganak ng nanay.

  • Mas nakokontrol ni baby ang dami ng gatas na naiinom niya

Ayon sa website na Parenting Science, mas nakakabuti sa mga newborn kapag dumedede sila ng mas madalas at on-demand, o kapag nakaramdam na sila ng gutom kaysa kapag ang magulang ang nagdidikta kung kailan sila dedede.

Mahalaga rin na hayaan ang baby na dumede hanggang gusto niya at huminto kapag nakakuha na siya ng sapat na gatas.

Kapag ang bata ay pinapadede sa bote, minsan ay pinipilit silang ubusin ang gatas para hindi ito masayang. Pero kung siya ay direktang dumedede sa kaniyang ina, magagawa niyang magdede anumang oras niya gustuhin at makakahinto siya kapag naramdaman niyang busog na siya.

Partner Stories
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
  • Dadami ang pagkakataon para sa skin-to-skin contact

Maaari ring gawin ang practice ng skin-to-skin contact sa iyong newborn habang pinapadede mo siya. Bukod sa nakakatulong ito sa bonding niyong mag-ina, napakarami pang benepisyo nito sa kalusugan ni baby.

paggamit ng feeding bottle sa baby

Larawan mula sa iStock

BASAHIN:

Breastfeeding habang may COVID-19: Wash your breast and wear mask

Ang hindi maipaliwanag na emosyon ng ating breastfeeding at formula-feeding moms

Tips kung paano babalik sa breastfeeding pagkatapos ng bottle feeding

Narito naman ang mga benepisyo ng pag-delay ng paggamit ng feeding bottle sa baby para sa mga ina:

  • Mas aayos ang milk supply ni mommy

Kapag nagdedede si baby kay mommy, nagbibigay ng senyales ang nipples papunta sa ating utak na gumawa o maglabas ng mga hormones na prolactin at oxytocin. Ang mga hormones na ito ang responsable sa paggawa ng gatas ng ina at maayos na pagdaloy nito.

  • Maiiwasan ang pagsakit ng dede (mastitis at cracked nipples)

Isa sa mga masalimuot na epekto ng nipple confusion sa mga sanggol ay nag-iiba ang kanilang paraan ng pagdedede. Mula sa deep latch papunta ng shallow latch.

Kapag shallow latch o mali ang paraan ng pagdedede ni baby. Mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng sugat ang nanay sa kaniyang dede, partikular sa kaniyang nipples.

Gayundin, kapag mali ang paraan ng pagdede ng sanggol. Maaaring hindi niya makuha ang lahat ng gatas sa dede ng ina; na nagsasanhi ng mastitis o paninigas at pananakit ng dede.

  • Mas mabilis makaka-recover ang nanay

    paggamit ng feeding bottle sa baby

    Larawan mula sa Shutterstock

Habang nagdedede si baby kay mommy, gumagawa ang katawan ng mas maraming hormone na oxytocin, na siyang nakakapagpaliit ng uterus kaya mas mabilis ang paggaling ng nanay mula sa panganganak at pagbubuntis.

  • Mas nakakapagpahinga ang nanay

Isa sa mga sinasabing epekto ng pagpapadede ay ang kakulangan sa tulog ng ina. Subalit sa katunayan, mas madaling magpadede dahil hindi mo na kailangang bumangon sa pagkakahiga para magtimpla ng gatas ng iyong anak.

Subalit ang totoong rason ay ang hormone na prolactin, na ginagawa ng katawan sa tuwing nagpapadede ang isang babae ay nakakatulong din para mas mabilis makatulog ang isang tao. Kaya naman hindi nakakapagtaka na nakakatulog rin uli agad ang ina matapos padedehin ang kaniyang sanggol.

Kadalasan nating naririnig ang kasabihang “Breast is best.” Pero para sa mga nanay na walang kakayahang magpadede. O kaya walang choice kundi magtrabaho at ipaalaga si baby sa iba, hindi ito ganoong kadali.

Desisyon pa rin naman ng magulang kung ano ang pinakamainam para sa kanilang anak at sitwasyon ng kanilang pamilya. Kung mayroon kang katanungan tungkol sa pagpapadede sa iyong anak, huwag magdalawang isip na tumawag sa iyong doktor.

Sources:

Medela

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Eusebio

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • 6 na rason kung bakit hindi muna dapat bigyan ng feeding bottle ang newborn
Share:
  • LIST: 7 Best Baby Bottle Brands For Better Baby Feeding Time

    LIST: 7 Best Baby Bottle Brands For Better Baby Feeding Time

  • Top 6 best feeding bottle brands sa Pilipinas ayon sa mga mommy

    Top 6 best feeding bottle brands sa Pilipinas ayon sa mga mommy

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • LIST: 7 Best Baby Bottle Brands For Better Baby Feeding Time

    LIST: 7 Best Baby Bottle Brands For Better Baby Feeding Time

  • Top 6 best feeding bottle brands sa Pilipinas ayon sa mga mommy

    Top 6 best feeding bottle brands sa Pilipinas ayon sa mga mommy

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.