X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Lilipat ng bahay? Heto ang posibleng epekto nito sa inyong mga anak

4 min read

May mga pagkakataong hindi naiiwasang kailangang gawin ang paglipat ng bahay ng isang pamilya. Ayon sa mga eksperto, may iba’t ibang epekto raw ito para sa inyong mga anak.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Iba’t ibang epekto ng paglipat ng bahay sa inyong anak ayon sa eksperto
  • Mga paraan upang mas mapabuti ang paglipat ng bahay para sa mga anak

Iba’t ibang epekto ng paglipat ng bahay sa inyong anak, ayon sa eksperto

Nakahanap ng mas magandang opportunity sa trabaho? Nakabili ng panibagong bahay? Nais ng bagong buhay? Ilan ito sa mga maaaring dahilan kung bakit lumilipat ng tahanan ang isang pamilya.

Marami na rin ang nakaranas nito. Dahil kung minsan napupunta sa sitwasyon ang pamilya kung saan hindi naiiwasang umalis sa kinasanayang lugar.

Kung minsan ay kahit pa gustong manatili sa isang lugar ay tinutulak ng mga kaganapan upang lumipat. Ang mga pangyayaring ito ay hindi lamang sa mga matatanda mayroong epekto, kundi lalo na sa mental health ng mga bata.

May isang pag-aaral na pinangunahan ni Foteini Tseliou. Nakita niya humigit-kumulang 50,000 bata ay mas malala ang nagiging epekto ng paglipat sa mga batang may edad lima pataas.

Napag-alaman din na mas may risk ng mental health problem ang mga batang lima o higit pang beses na lumilipat. Ito ay kung ikukumpara sa mga batang nananatili lang sa isang lugar.

paglipat ng bahay

Nakita na ang ganito raw na pangyayari ay may epekto sa panahon ng kanilang social development. Dahil dito sila nakakabuo ng mga kaibigan na maaaring magbigay ng lungkot sa kanila sa tuwing iniiwan.

Ang mga bata raw na nakararanas ng hindi stable na paninirahan ay nagkakaroon ng mas mababang bilang ng high-quality of relationship. Gayundin, nababawasan ang kanilang sense of personal well-being at life satisfaction. Kasama kasi sa healthy na child development ay dapat stable na paninirahan, parenting at family dynamics. Pati na rin ang peer influences, school development, at neighborhood factors.

“Moving house can be a hugely stressful experience for the parents and the family as a whole as it can be associated with change in social environment. Parents need to be aware that such a change can be even more stressful for children as they may be more sensitive and less resilient.”

Ayon sa lead author ng study na si Foteini Tseliou.

Mas vulnerable raw kasi ang mga bata sa pagbabago dahil sensitive sila. Mahalagang bigyan ng malaking consideration ang paglipat ng bahay sa mga anak dahil labis na makaaapekto ito lalo sa kanilang mental health.

paglipat ng bahay

BASAHIN:

Ano ang baby growth spurts at paano maaalagaang mabuti ang iyong anak sa stage na ito?

Tigyawat after manganak o postpartum acne in English? 3 paraan para mawala ito

5 types of dads base sa kanilang favorite na gawing bahay—agree si mommy!

Mga paraan upang mas mapabuti ang paglipat para sa mga anak

Dahil nga sa mga maraming pagkakataon na hindi maiiwasan ang paglipat, narito ang ilang paraan upang hindi lubos na mabigat ang paglipat sa mga anak:

1. Isama ang mga anak sa mga desisyong gagawin – Maganda para sa bata na nakukuha rin ang kanilang opinyon sa mga pagdedesisyunan lalo sa paglipat ng bahay upang maging handa rin ang kanilang sarili. Sa ganitong paraan kasi mararamdaman nilang mahalaga ang kanilang sasabihin para sa pamilya at hindi mabibigla sa mga malaking pagbabago sa magiging set-up nila.

2. Gumawa ng inyong “memory book” – Isa sa maaaring maging bonding kasama ang anak ay ang paggawa ng memory book. Maaari itong lagyan ng larawan ng mga kaibigan, pamilya, at lahat ng malalapit na tao sa dating tirahan. Pwede rin namang sulat ito ng address, numero, at e-mail nila upang madaling mababalikan ng bata sa tuwing nami-miss niya sila.

paglipat ng bahay

3. Mag-organize ng party bago umalis – Talaga makararamdam ng lungkot ang iyong anak sa pag-alis ninyo sa kinasanayang bahay.

Para mabawasan ang lumbay na dala nito magandang mag-organize ng “goodbye party”. Ito ay upang pormal na makapagpaalam ang bata sa malalapit na taong maiiwanan niya.

4. Alisin ang mga gamit sa pagkakaligpit – Maaaring humingi ng tulong sa anak sa pagu-unpack ng mga gamit na nailigpit sa unang pagkakataong inempake ang mga gamit. Mas matagal kasi na pinanatiling naka-pack ito ay mas mararamdaman nilang aalis na naman ang pamilya at lilipat ng ibang bahay.

5. Gumawa ng “sentimental or treasure box” – Tulad ng paggawa ng memory book, magandang bonding din ang paggawa ng “sentimental or treasure box” kung saan pwede nilang ilagay ang mga bagay na mahalaga sa kanila. Maaaring ang mga bagay na ito ay ang mga nagpapaalala at nagbibigay saya sa kanila tuwing nakikita. Sa panahon ng paglilipat, ito ang maaaring ipadala sa kanila upang maramdaman nilang malapit pa rin sila sa mga bagay sa dati nilang tahanan.

Partner Stories
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Bakit nga ba? Why should you fuel your child’s GANA DO and GANA CAN attitude in life
Bakit nga ba? Why should you fuel your child’s GANA DO and GANA CAN attitude in life
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones

Thriveworks

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Lilipat ng bahay? Heto ang posibleng epekto nito sa inyong mga anak
Share:
  • 11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak

    11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak

  • Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

    Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

  • 4 na paraan para mapataas ang emotional intelligence ng bata

    4 na paraan para mapataas ang emotional intelligence ng bata

  • 11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak

    11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak

  • Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

    Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak

  • 4 na paraan para mapataas ang emotional intelligence ng bata

    4 na paraan para mapataas ang emotional intelligence ng bata

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko