16 na pagkain na maaaring makapagpalaglag sa sanggol
May mga pagkain na bawal sa buntis dahil maaaring magdulot ito ng miscarriage o ng problema sa pagbubuntis. Alamin kung ano ang mga pagkain na dapat iwasan.
Alam mo ba na hindi physical activity lang ang maaaring maging dahilan ng miscarriage? May mga pagkain at paraan din daw para di matuloy ang pagbubuntis ayon sa experts. Alamin kung ano ang mga ito at iba dahilan kung bakit hindi natutuloy ang pagbubuntis:
Talaan ng Nilalaman
Mga paraan para di matuloy ang pagbubuntis: Ano ang HINDI dapat gawin ng buntis
Kadalasan, ang mga strenuous activities ay ilan sa mga “unknowingly” na paraan para di matuloy ang pagbubuntis. Sa mga pisikal na aktibidad na ito, nagdudulot ito ng pagkalaglag.
Ang mga biglaan ding pagkabagsak mula sa mataas na platform patungong sahig, at biglaang pagkadulas ay mga paraan din para di matuloy ang pagbubuntis. Kailangan sa mga buntis ay ang dobleng pag-iingat lalo na sa mga panahon na maselan ang pagbubuntis.
Sa kabilang banda, ang safe sex at paggamit ng proteksyon gaya ng condoms at contraceptives ay ilan naman sa mga safe na paraan para di matuloy ang pagbubuntis. Kailangan pa rin itong isangguni sa eksperto upang magabayan ang tamang paggamit lalo na ng mga contraceptives.
Para naman sa nagbabalak na sadyang ipalaglag o gumawa ng paraan para di matuloy ang pagbubuntis, ilegal at ipinagbabawal ito ng batas ng Pilipinas.
Mga pagkain at paraan para di matuloy ang pagbubuntis na dapat iwasan ng mga buntis
“The scare is real!”
Sabi nga ng iba. Katulad sa pagbubuntis, hindi lahat ng pregnancy ay tagumpay na nailalabas hanggang sa mabuhay si baby. Maraming paraan at iba pang bagay ang nagiging salik para hindi matuloy ang pagbubuntis.
Ayon sa experts, mas madalas daw ang miscarriage sa unang trimester ng pagbubuntis. Maraming ang factors na maaaring panggalingan kung bakit pwedeng malaglag si baby, ang ilan sa mga ito ay:
- Paggawa ng isang babae sa mabibigat na physical activities during pregnancy
- Hindi pag-aalaga sa sarili katulad ng pag-inom ng vitamins
- Walang ideya na buntis ang isang babae kaya hindi naiiwasan ang mga bawal
- Pagkakaroon ng genetic abnormalities
- Mayroong bisyo katulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo
Sa isang research, napag-alaman ng mga eksperto na may mga pampalaglag na pagkain pala na bawal sa buntis. Ito ang nagiging dahilan minsan kung bakit hindi natutuloy ang pregnancy.
Sensitibong panahon talaga ang pagbubuntis para sa isang babae. Dalawa na kasi ang dapat alagaan at ingatan sa panahong ito, si mommy at baby. Kaya nga isa sa dapat aralin ay kung ano ang dapat at hindi dapat kainin ng isang ina sa loob ng siyam na buwang pagdadalang-tao.
Food intake raw kasi ang isa sa mga importanteng tutukan para maging healthy ang pagbubuntis at maiwasang hindi ito matuloy. Mahalaga ito para hindi magkaroon din ng anumang kumplikasyon sa bata at sa ina. Nakita rin kasi sa pag-aaral na may mga pagkaing dapat kaunti lang ang kinokonsumo at mayroon namang dapat nang hindi na talaga kainin pa.
Ano nga ba ang mga paraan at pagkaing dahilan para hindi matuloy ang pagbubuntis? Paano ito maiiwasan? Ayon sa librong What to Eat When You’re Pregnant, narito ang listahan nila:
16 na pagkain at paraan para di matuloy ang pagbubuntis na dapat iwasan
Ang mga pagkain na ito ay hindi dapat gawing paraan para di matuloy ang pagbubuntis. Ngunit, may mga contents ang mga pagkain na ito na maaaring magdulot ng pagkalaglag ng baby o para di matuloy ang pagbubuntis.
1. Paté at soft cheese, cold cuts at salmon
Itinuturing na mapanganib na bacteria ang listeria. Ayon sa mga pag-aaral, matatagpuan ang listeria sa mga cold deli meats at smoked salmon. Listeria raw ang nagdudulot ng impeksiyon na listeriosis. Nagiging sanhi rin ito ng meningitis, labis na pananakit ng ulo at panginginig ng katawan
Kaya nga pinapaiwas din sa mga pagkaing ito ang mga nagbubuntis lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis.
Mga dapat iwasan:
- Mga keso na tulad ng Brie, Camembert, Feta, Roquefort, Ricotta, at Queso Fresco ay ang mga halimbawa ng soft cheeses na dapat iwasan. Sa kabilang banda, mas ligtas naman daw itong kainin kapag niluto o ininit kung ilalagay sa lasagna o pasta.
- Ang mga keso na makikita sa mga organic at green markets ay karaniwang gawa gamit ang raw milk o unpasturized, kaya dapat iwasan.
- Ang mga unpasturized food tulad ng freshly-squeezed juice ay pinagbabahayan din ng listeria, na nagdudulot ng panganib sa fetus.
- Mabilis na binabahayan din ng bacteria ang mga gulay at prutas na hindi nahuhugasan. Pati na ang freshly squeezed orange juice, dahil unpasteurized juice ito na maaring maging pampalaglag na inumin.
- Pinamamahayan din ng listeria ang mga processed meats tulad ng hot dogs, sausages, at deli meats, bagamat mas ligtas daw kapag ininit o niluto sa higit sa 160 degrees F bago kainin.
2. Ampalaya
Kilala ang ampalaya bilang gulay na masustansya at puno ng nutrients. Mayroon kasi itong taglay na zinc, magnesium, potassium, iron at vitamin B. Kaya nga naman aakalain mo rin na hindi ito bawal sa buntis
Ayon sa maraming pananaliksik, ang problema daw ay maaaring maging sanhi ito ng uterine contractions at nakakapagpadugo. Mayroon kasi itong vicine, na sumisira sa red blood cells kaya naman nagkakaron ng anemia.
Ang ganitong pangyayari ay sadyang delikado para sa mga nagbubuntis. Mas mabuti raw na iwasan na lang ang mga pagkain ng marami nito, lalo na sa panahong una at huling trimester.
3. Pagkaing nakakapagpainit ng katawan
Ang mga prutas na tulad ng papaya, pinya, peaches at luya ay nakakapagpainit ng katawan ng tao. Ito ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng uterine contractions.
Kapag hindi raw naagapan ay maaaring hindi matuloy ang pagbubuntis. Ang mga pagkain daw kasing nakakapagpainit ng katawan ay maaaring makasama sa panunaw o digestion. Mayroon din itong iba pang negatibong epekto sa pangangatawan.
Wala pa naman daw matibay na ebisdensiya at direktang koneksyon ang mga pagkaing “heat-inducing” na may kinalaman sa pagkalaglag.
Sa kabilang banda, wala rin namang masama kung iiwasan na lamang ito para hindi na malagay sa panganib ang pagbubuntis. Hindi raw ito lubusang nakakasama pero anumang sobra ay hindi rin mabuti sa katawan.
Kung minsan lang at kaunti lang naman, makabubuti din naman ang mga prutas tulad ng pinya at papaya. Huwag lang araw araw o sobrang dami.
4. Hilaw o hindi masyadong naluto na itlog
Prone sa pamamahay ng salmonella ang hilaw na itlog. Ang salmonella ay nagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng food poisoning, diarrhea, abdominal pain, lagnat, at nausea, na maaaring maging dahilan para hindi matuloy ang pagbubuntis. Kung nais talagang kumain nito, siguraduhin lamang na maayos ang pagkakaluto ng itlog bago ito kainin.
Paalala lang din na ang hilaw na itlog ay maaari ring matagpuan sa mga pagkain tulad ng Hollandaise Sauce, mayonnaise at Caesar Salad Dressing.
5. Hilaw na vegetable sprouts tulad ng togue, radish, alfalfa at iba pa
Hindi nga naman maitatanggi, masarap ang mga ito para sa salad at appetizer. Ang nakakalungkot nga lang na balita, isa ang mga pagkaing ito sa mga bawal sa buntis.
Ang togue at alfalfa, halimbawa ay may taglay na e-coli, na maaaring mapunta sa salmonella poisoning. Mahina kasi ang immune system ng mga nagbubuntis, kaya’t mas bukas sa mga impeksiyon at komplikasyon. Ang ganitong pangyayari ay maaaring magdala ng panganib sa kanya at maging dahilan din para hindi matuloy ang pagbubuntis.
Nakita nila na direkta ang epekto ng ganitong pagkain sa sanggol na nasa sinapupunan kaya naman lubhang delikado.
6. Mga pampalaglag na inumin gaya ng herbal tea
Flower photo created by 8photo – www.freepik.com
May mga sangkap ang herbal tea at iba pang natural supplements na mga bawal sa buntis. May mga herbs kasing nakakapag-stimulate ng uterine contraction. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- chamomile
- comfrey
- goldenseal
- lemongrass
- licorice root
- mugwort
- rosemary
- sage
- stinging nettle leaf
- yarrow
7. Processes na junk food o chichirya
Kahit naman hindi buntis, maraming pag-aaral na ang nagsasabing mapanganib ang processed foods gaya ng junk foods o chichirya. Ayon kasi sa siyensya, mayroon itong mataas na lebel ng trans fat at hydrogenated fats na sadyang masama para sa nagbubuntis.
Kasama na rin daw dito ang mga fast-food variants. Mahalagang iwasan daw ng nagbubuntis ang pagkaing mataas ang salt at fat contents kung ayaw niyang malaglag ang baby. Ang mga pagkaing ito ay dapat isaalang-alang ng mga kababaihan na naghahanap ng paraan para di matuloy ang pagbubuntis.
8. Sesame seeds
Sinasabing delikado, lalo na kapag hinalo ang sesame seeds sa honey, ayon sa mga medical experts.
Mataas ang posibilidad ng spontaneous abortion at miscarriage kapag kumain ng maraming sesame seeds, na nakakapagpainit at nakakapagpasakit ng tiyan at abdomen, bagamat ang epektong negatibo ay kapag nga lang sobrang dami ng nakain.
9. Isdang mataas ang mercury content
Ang mercury ay isang “highly toxic element” at madalas na matatagpuan sa tubig na polluted. Kapag nakonsumo ng madamihan, magiging lason ito sa nervous system, immune system at kidneys, at magiging sanhi ng malubhang developmental problems sa sanggol, kung nagbubuntis. (1)
Dapat limitahan ng mga nagbubuntis ang pagkain ng high-mercury fish sa isa hanggang dalawang servings kada buwan. Ilan sa mga ito ay pating, swordfish, King mackerel, tuna.
10. Hilaw o hindi lutong isda, tulad ng sushi, at shellfish
Mga hilaw na isda, lalo na shellfish (halimbawa ay talangka at alimango), ay maaaring maging sanhi ng impeksiyon. Katulad kasi ng itlog, ang hilaw na pagkain ay maaaring pamahayan ng bacteria tulad ng listeria.
Bagamat ang alimango ay mayaman sa calcium na kailangan ng buntis, mataas din ang cholesterol nito, na sanhi ng “shrinkage” o pagliit ng uterus at pagdurugo, at pagkalaglag kapag hindi naagapan. Para sa mga naghahanap ng paraan para di matuloy ang pagbubuntis, mahalagang maging maingat sa mga pagkaing kinakain.
11. Organ Meat o lamang loob ng hayop
Bagamat mayaman sa nutrients ang organ meat o lamang loob ng baboy, baka o manok, halimbawa, ang anumang sobra ay makasasama din.
Ang organ meat tulad ng bituka, balun-balunan, at atay, ay mayaman sa iron, vitamin B12, vitamin A at copper, na makabubuti sa isang nagbubuntis. Ang dapat lang iwasan sa mga ito ay ang vitamin A, kapag nagbubuntis.
Maski ang vitamin supplements ay hindi binibigay sa mga buntis dahil ang labis na pag-konsumo ng bitaminang ito sa katawan ay nagdadala ng panganib sa mag-ina.
Nananatili kasi ito sa atay, at bagamat makabubuti ito sa puso, atay, baga, mata at buto, hindi makabubuti ang pagkonsumo nito (ng malalaking dosage) sa pagbubuntis dahil maaaring maging sanhi ng birth defect, pagkasira ng atay at pagkalaglag ng bata.
Hangga’t maaari dapat nasa isa o dalawang beses lang ang ligtas na pag-konsumo nito kada buwan, at hindi hihigit pa.
12. Katas ng Aloe Vera
Madaming mabuting benepisyo ang halamang gamot na ito, kadalasan pa ngang ginagamit ito para sa skin care ng tao. Para sa pregnant women, isa itong dahilan para hindi matuloy ang pagbubuntis. Mayroon kasi itong taglay na laxative kung tawagin ay anthraquinones. Pinagmumulan din daw ito ng rason kung bakit maaaring magkaroon ng uterine contractions at pelvic bleeding ang isang tao.
Wala naman daw problema kung gagamitin ang katas nito sa balat para gamutin ang sugat, tigyawat, at rashes, dahil sa labas lang ito at hindi papasok sa sistema. Ang pag-inom o pagkain nito ang makakasama para sa pregnant women.
13. Spices
Napapasarap ng mga spices ang ating nilulutong ulam, at marami rin itong sustansiyang dulot sa katawan. Pero ang mga spices tulad ng fenugreek, asafoetida, bawang, angelica, at peppermint ay dapat iwasan kapag nagbubuntis. Mayroon daw kasi itong nilalaman na nakakapagpa-stimulateng uterus dahilan para magkaroon ng contractions.
Maging ang potent substances ay taglay rin nito na nakakapagpanipis o labnaw ng dugo, at sanhi ng pagdurugo habang nagbubuntis.
Ang ganitong pangyayari ay napupunta sa pagkalaglag o kaya naman premature delivery.
14. Alimango
Bagamat ang crabs o alimango ay good source of calcium, ito naman ay nagtataglay ng mataas na level ng cholesterol. Ang mataas na level na cholesterol ay maaaring magdulot ng shrinkage ng uterus na maaring mauwi sa internal bleeding at miscarriage.
15. Caffeine
Ayon sa pag-aaral hindi naman daw totally bawal ang pag-inom ng kape sa panahon ng pagbubuntis. Kinakailangan lang daw na mayroong moderasyon pagdating dito. Kung kaya naman, hangga’t maaari ay mas mabuting tigilan na ang pag-inom nito.
Ang pagkakaroon daw kasi ng increase level ng caffeine sa pagbubuntis ay maaaring mauwi sa para hindi matuloy ang pagbubuntis. Bukod dito, maaari ring magkaroon ng underweight na sanggol.
Bukod sa kape, ang caffeine rin daw ay present sa ibang inumin katulad ng tsaa, chocolate at iba pang energy drinks.
16. Alkohol
Katulad ng nabanggit, importanteng umiiwas sa kahit anong bisyo kapag buntis. Ang pag-inom daw kasi ng alcohol habang nagbubuntis ay maaring makaapekto sa brain development ng isang sanggol. Ito rin ay nagpapataas ng tiyansa ng miscarriage at stillbirth sa buntis.
May posibilidad din na ang isang sanggol na may inang umiinom ng alak habang siya ay ipinagbubuntis ay maaaring ipanganak na may facial deformities, heart defects at intellectual disabilities.
Walang mawawala sa iyo kung mag-iingat at magiging masusi sa pagpili ng kakainin kapag nagbubuntis at iwasan ang pampalaglag na pagkain. Dapat din kasing mapanatiling balanse ang sustansiya kapag buntis dahil may dinadalang bata sa iyong sinapupunan.
Kung makakaiwas naman sa mga pagkaing ito, bakit ba hindi? Kaysa malagay sa panganib ang sariling kalusugan at ang kaligtasan ng sanggol na dinadala.
“Moderation is the key” ika nga. Anumang labis, buntis man o hindi, ay makakasama sa kalusugan, kaya’t hinay hinay lang din sa pagkain nito.
Para sa buong listahan ng mga pampalaglag na pagkain na bawal sa buntis at breastfeeding moms, i-download ang theAsianparent app.
Karagdagang ulat mula kay Ange Villanueva
Alamin: Best maternity belt na mabibili online
WebMD, UCDavisHealth, N Direct
(1) Prenatal exposure to mercury and fish consumption during pregnancy and attention-deficit/hyperactivity disorder-related behavior in children. Sagiv SK, Thurston SW, Bellinger DC, Amarasiriwardena C, Korrick SA. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/23044994/
What to Eat When You’re Pregnant ni Dr. Rana Conway, MD
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.