Ano ang cryptic pregnancy?
Naranasan mo bang magbuntis nang walang sintomas o senyales na nararamdaman? Baka nararanasan mo na ang cryptic pregnancy. Alamin sa artikulong ito kung ano nga ba ang kundisyong ganito.
Mahirap man paniwalaan, pero alam mo ba na base sa mga pag-aaral, isa sa bawat 475 na nagbubuntis ang hindi nila alam na buntis sila? Sa katunayan, nagkaroon pa ng palabas noon sa MTV na pinamagatang “I Didn’t Know I Was Pregnant” dahil madalas din pala itong nangyayari.
May mga pagkakataon pang nakailang beses na gumamit ng pregnancy test pero negative parati ang resulatang lumalabas. Kapag ganito na ang nangyayari ito na ang tinatawag na cryptic pregnancy.
Talaan ng Nilalaman
Ano nga ba ang cryptic pregnancy?
Kung hindi mo alam na buntis ka dahil sa walang sintomas tinawatawag itong cryptic o stealth pregnancy. | Larawan mula sa Pexels
Ang cryptic pregnancy ay ang pagbubuntis kung saan hindi nade-detect ng mga karaniwang medikal na tests. Dahil rito kinikilala rin ito sa tawag na “stealth pregnancy”. Sa wikang Filipino, ang direct translation nito ay misteryosong pagbubuntis dahil nga sa kawalan ng sintomas.
Base sa ilang pagkukwento ng pregnant women, laging gulat daw nila na nalaman na nilang nagdadalang-tao sila sa kalagitnaan o dulo na ng kanilang pagbubuntis.
Bagay na ikinagugulat ng marami dahil madaling natutukoy na buntis ang isang tao dahil sa malalang pagbabago sa katawan nito physically, emotionally, at mentally.
Ano ang sanhi ng cryptic pregnancy?
Maaaring dahil sa birth control pills ay makaranas ng cryptic pregnancy ang isang babae. | Larawan mula sa Pexels
Napapatanong ka rin ba kung bakit nagkakaroon ng cryptic o stealth pregnancy? Marami kasi ang maaaring maging dahilan kung bakit ang iba ay hindi nakararanas ng sintomas ng pagbubuntis. Ang mga karaniwang kundisyon na naiuugnay sa cryptic pregnancy ay ang mga sumusunod:
Karaniwang kundisyon ng kababaihan ang polycystic ovary syndrome o PCOS. Ito ay isang sakit kung saan ang ovaries ng babae ay nagporpoduce ng abnormal na amount ng androgens.
Ang hormones na ito ay mas madalas nakikita sa mga kalalakihan. Nagkakaroon ng maraming maliliit na cysts o fluid-filled sacs na nabubuo sa ovaries ang babaeng mayroong PCOS.
Madalas na mayroon nito ang mga kababaihang may labis na timbang o obese. Maaaring magroon ng imbalance sa hormones kaya naman maraming problema ang kinahaharap ng taong may ganitong kundisyon. Isa sa pinaka common na diyan ang pagkakaroon ng irregular periods.
Perimenopause
Nagkakaroon ng natural transition sa pagitan ng regular na menstrual cycle patungong menopause ang isang babae. Ito ang tinatawag na perimenopause o ang menopausal transition. Walang eksaktong edad kung kailan mararanasan ito ng babae, iba-iba depende sa kanilang physical health.
Marami rin ang maaaring maging sintomas ng kundisyong ito. Naririyan ang pagbigat ng timbang, pabago-bago ng hormones at iba pang senyales na halos kahawig ng pregnancy. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit hindi kaagad natutukoy na buntis ang isang babae.
Marami ang nagiging kampante na hindi sila mabubuntis dahil sa pag-inom ng birth control pills. Subalit, maaari pa ring makabuo ng baby kahit pa gumagamit nito.
Hindi naman kasi lahat ng birht control ay may 100 porsiyento na hindi ka mabubuntis, lahat ay mayroon pa ring chance na pumalya. Karaniwang dahilan ng pagpalyang ito ay ang maling paggamit ng pills.
Sa pagiging kampante na nasa ilalim ng birth control, maraming babae ang hindi inaasahang buntis sila. Akala rin kasi nila na ang ibang sintomas na nararanasan ay dulot lamang ng pills na iniinom. Sa huli, madalas na nagugulat na lamang sila sa balita.
Epekto ng hormones matapos manganak
Pagkatapos manganak, lalo na kung nagpapa-breastfeed, hindi agad bumabalik sa regular ang period. Ito ay dulot ng hormones sa katawan na nagpapatagal ng ovulation.
Sa kabila nito, maaari pa ring mabuntis sa panahon na ganito. Ang hindi pagdating ng period at mga pagbabago sa katawan matapos manganak ay nagdudulot ng kalituhan sa katotohanan na sila ay buntis na pala.
Pagkakaroon ng athletic lifestyle
Kadalasan, ang pisikal na aktibong pamumuhay ay maaaring maka-apekto sa period ng isang babae. Napapababa kasi ng ilang activities ang ibang hormones ng katawan.
agiging sanhi ito para ma-delay ang period ng isang o higit pang buwan. Ito rin ang maaaring maging dahilan kung bakit hindi nadedetect kaagad ng pregnancy test ang dinadalang sanggol sa sinapupunan ni mommy.
Gaano kadalas ang cyrptic pregnancy?
Magugulat ka sa pag-aaral na madalas na palang nangyayari ito. Dahil aabot sa 1 sa 475 na pagbubuntis ang hindi natukoy o hindi napapansin hanggang sa 20-linggo (limang buwan) na marka.
Samantala, isa sa 2,500 na pagbubuntis ay hindi nakikilala hanggang sa ang isang tao ay manganganak. Nakagugulat hindi ba?
May psychological connection ba cryptic pregnancy sa mga babae
Base isang review na inihayag sa Medical News Today noong taong 2011, maaaring magkaroon daw ng epekto ang cryptic pregnancy sa isip ng babae.
Base dito, ang mga babaeng may psychotic denial sa pregnancy ay maaaring magkaroon ng sakit sa pag-iisip. Ilan sa halimbawa na diyan ang pagkakaroon ng schizophrenia o bipolar disorder.
May posibilidad na sila ay makaranas ng mga sintomas ng pagbubuntis ngunit maaaring maiugnay ang mga ito sa mga sanhi ng delusional. Ang mga babaeng may nonpsychotic denial ay walang kasaysayan ng sakit sa pag-iisip at ang kanilang pakiramdam ng katotohanan ay buo.
Hinahati ng mga doktor ang nonpsychotic cryptic pregnancy sa tatlong kategorya: Una ay ang Pervasive, sumunod ang Affective, at ang huli naman ay Persistent.
Ang mga babaeng may pervasive denial sa pagbubuntis ay nakakaranas ng kakulangan ng emosyonal na kahalagahan sa pagbubuntis at hindi nila alam na sila ay buntis.
Ang mga babae namang may affective denial of pregnancy ay kinikilala na sila ay buntis ngunit hindi naghahanda sa emosyonal o pisikal na paraan para sa pagbubuntis, panganganak, at pagiging magulang.
Iniulat ng mga doktor na ang mga babaeng may persistent denial ay nakakaalam ng pagbubuntis sa huling tatlong buwan at iniiwasang humingi ng medikal na atensyon.
Kadalasang nangyayari ito sa mga unwanted pregnancy o iyong mga hindi nasa planong pagbubuntis. Dahil sa kawalan ng kahandaan, naaapektuhan maging ang mental health nila. Naisasagad ng overthinking at sobrang pag-iisip kaya nauuwi sa iba pang kundisyon sa pag-iisip
Ano ang cryptic pregnancy: Mga sintomas
Para sa normal na pregnancy, dapat at natutuklasan na kaagad ito sa first trimester pa lamang. Kung ikaw ay nagkaroon ng missed period, ito na ang nagiging hudyat madalas para gumamit ng pregnancy tests. Kung karaniwang pagbubuntis magiging positibo ito. Maaari ring makaranas ng pagbabagong physical tulad ng paglaki ng dibdib, madaling pagbago ng moods, kapaguran, at pagkahilo.
Sa kabilang banda kung ikaw naman ay nasa cryptic pregnancy, maaaring hindi makaranas ng anumang sintomas ng karaniwang pagbubuntis. Idagdag pa na hindi nakakaranas ng regular na period, walang maghuhudyat na kailangan na gumamit ng pregnancy tests. Talagang misteryoso ang magiging karanasan mo.
May mga panahon din naman na kahit pa gumamit nito, negatibo ang nakikitang sagot. Dahil rito, ang mga sintomas ng pagbubuntis na maaaring maranasan ay inuugnay sa iba pang bagay tulad nga ng mga nabanggit (birth control pills, perimenopause, at iba pa).
Gayunpaman, ang kawalan ng sintomas ay hindi nangangahulugan na walang mga palatandaan ng pagbubuntis. Maaaring napakakaunti o napakalabo ng mga ito kaya hindi sila napansin.
Halimbawa, nakaranas ang isang babae ng morning sickness pero inisip na ito lamang ay isang sira ng tiyan. Maaari namang wala itong regular na regla pero inisip na ito lamang ay iregular na cycle ng regla. Kaya mahalaga ang pana-panahong pagchecheck-up sa iyong doktor.
Mga problema sa panganganak kung ikaw ay may cryptic pregnancy
Ang kawalan ng kahandaan sa panganganak ang numero unong epekto ng cyrptic pregnancy. | Larawan mula sa Pexels
Kung hindi mo alam na ikaw ay nagbubuntis, malaking posibilidad na hindi ka handa para dito. Ito ang pangunahing problemang kahaharapin ng sumasailalim nsa crytic pregnancy.
Kapag ang naging unang senyales na nagbubuntis ay ang pag-labor, malaki ang madudulot na psychological distress sa nagbubuntis dahil hindi niya ito napaghandaan physically.
Ang hindi rin pagiging handa sa panganganak ay maaaring mangahulugan na walang doktor o midwife na maaaring tawagan. Bigla nalang makakaranas ng malalang pananakit sa tiyan na maaaring maging rason nang daliang pagpunta sa emergency room. Dahilan para maging delikado sa buhay ng isang buntis na babae.
Ang cryptic pregnancy ay maaaring isang nakakatawang sitwasyon para sa mga tao na hindi nauugnay dito. Dahil nga rito, naging bahagi na ito ng ilang mga pelikula na komedya. Hindi mo nga naman araw-araw maririnig ang kuwento ng pagbubuntis na malalaman na lang na siya ay buntis sa oras na manganak na.
Subalit, ito ay isang totoong kundisyon na pinagdaraanan ng ilang tao. Kawawa rin ang pinagdadaanan ng sanggol na maaaring hindi makakuha ng sapat na nutrisyon habang ipinagbubuntis. Maaaring ang bata ay hindi healthy at makatanggap din ng kakulangan sa bitamina dahil nga sa kawalan ng kahandaan.
Ano ang cryptic pregnancy: 4 risk sa pagkakaroon ng cryptic pregnancy
Ito ang ilang mga risk factor sa pagkakaroon ng cryptic pregnancy. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagkakaroon ng hormonal changes
Ang pagkakaroon ng hormonal changes o conditions katulad ng PCOS ay maaaring makaapekto sa normal na pagpapakita ng sintomas ng pagbubunts. Kaya naman maaaring mas maging mataas ang tiyansa na magkaroon ng cryptic pregancy ang mga babaeng may problema sa kanilang hormones.
2. Ang sintomas na nararanasan ay kaparehas ng ibang sakit o kundisyon
May mga pagkakataon na ang mga sintomas ng pagbubuntis ay kapareho sa mga sintomas ng iba pang mga karamdaman. Ito ay maaaring magdulot ng cryptic pregnancy sa babae.
3. Sobrang timbang o obesity
Ang pagiging obese o pagkakaroon ng sobrang timbang ay maaari ring makaapekto sa mga sintomas ng pagbubuntis. Minsan kasi hindi napapansin na ikaw pala ay buntis na dahil sa iyong pangangatawan sapagkat may mga ilang babae ay hindi nakakaranas ng karaniwang sintomas ng pagbubuntis.
4. Pagkakaroon ng irregular menstrual cycle
Ang mga babaeng hindi regular na menstrual cycle ay maaaring hindi agad malaman kung sila ay nagbubuntis o hindi. Ito ay maaaring magdulot sa cryptic pregnancy.
Puwede bang maiwasan ang cryptic pregnancy?
OO! Ito ay sa pamamagitan ng pagiging malay o aware sa iyong katawan at sexual health. Ang simpleng paggamit ng pregnancy test kapag ikaw ay delay na sa iyong menstruation ay magandang option para maiwasan ang pagkakaroon ng crypitic pregnancy.
Ano ang cryptic pregnancy at mga dapat ikabahala dito?
Mapanganib para sa buntis at fetus ang pagkakaroon ng cryptic pregnancy. Kung hindi napagtanto ng isang tao na siya ay buntis, hindi siya makakakuha ng prenatal care na kinakailangan para sa isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Hindi niya rin maiiwasan ang mga bagay na bawal dahil nga sa hindi naman niya alam na siya ay buntis.
Kung wala ang mga prenatal care, check-up at examinations, ang mga seryosong komplikasyon sa prenatal—tulad ng mataas na presyon ng dugo (hypertension), gestational diabetes, at preeclampsia—ay maaaring hindi mapansin at maagapan. Ganito ang nangyayari kung hindi well monitored ang pregnancy.
Bukod pa rito, ipinakita ng pananaliksik na ang mga sanggol na ipinanganak pagkatapos ng isang cryptic pregnancy ay maaaring maging underweight o kaya naman ay maipanganak ng mas maaga.
May mga pagkakataon din na ang isang tao na hindi alam na siya ay buntis ay kumakain ng mga sangkap tulad ng alak o tabako o ilang mga gamot, kaya naman ang pinsala sa fetus ay maaaring humantong sa mga depekto ng kapanganakan.
Ugaliing magpa-check up sa iyong doktor lalo kung may ibang nararamdaman sa katawan. Ito ay upang masiguro ang kalusugan ng iyong katawan at maging ng iyong baby kung sakaling buntis ka man.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores, Ange Villanueva, at Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!