X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Paninigas at pananakit ng tiyan ng buntis, normal ba?

10 min read

Maraming nanay ang nakakaranas ng paninigas ng tiyan ng buntis (contractions) sa kanilang huling buwan.  Ngunit alam mo ba na bukod sa contractions na hudyat na malapit ng manganak ay may iba pang uri ng paninigas ng tiyan ng buntis? Alamin dito ang pagkakaiba ng Braxton Hicks sa totoong contraction.

Table of Contents

  • Ano ang labor contractions o paninigas ng tiyan ng buntis?
  • Ano ang Braxton Hicks contraction?
  • 4 na sintomas ng Braxton Hicks contractions
    • 1. Dalas ng contractions
    • 2. Nawawala ito kapag nagbabago ng posisyon o nagpapahinga
    • 3. Lakas ng contractions o paninigas ng tiyan ng buntis
    • 4. Pinanggagalingan ng paghilab
  • Ano ang pakiramdam na makaranas ng Braxton Hicks?
  • Kailan ko mararamdaman ang Braxton Hicks contraction?
  • Ano ang gamot sa Braxton Hicks contraction?
  • Pananakit ng tiyan ng buntis
    • Constipation
    • Round ligament pain
    • Kabag
    • HELLP syndrome
    • Iba pang kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan sa buntis:
  • Tandaan

Ano ang labor contractions o paninigas ng tiyan ng buntis?

Bakit nga ba naninigas ang tiyan ng buntis? Normal lang ba ito at hindi dapat ikabahala? Mayroong dalawang uri ng paninigas ng tiyan ng buntis: ang Braxton at Hicks at ang contractions bilang senyales ng pagle-labor.

Sa panayam ng theAsianparent kay Dr. Katrina Tan ng Makati Medical Center, ipinaliwanag niya ang pagkakaiba ng tunay na contraction at ng Braxton Hicks.

“Ang uterus o matris ay isang muscular organ,” paliwanag ni Dr. Tan. “Ito ay binubuo ng muscle. Kapag nagsimulang mag-labor ang buntis, nagko-contract o umiikli ang muscles at nararamdaman ito ng mga buntis [bilang] paninigas o hilab ng tiyan.”

Saad ni Dr. Tan na ang paninigas ng tiyan o paghilab ng tiyan ay may pagitan o rest period.

“May interval, may pagitan ang mga contractions, so hindi ito tuloy-tuloy. Kapag hindi nag-ko-contract ang matris, ito ay relaxed o mapapansin na malambot ang tiyan.”

Ano ang Braxton Hicks contraction?

Kadalasan nakakaranas din ng Braxton Hicks contraction ang buntis kapag 2nd trimester na ng pregnancy o kapag malapit nang manganak ang isang babae. Subalit, naiiba ito sa tunay na contraction na nagpapahiwatig na manganganak na.

Paliwanag ni Dr. Katrina Tan: “Madalas ‘yong mga buntis makakaramdam ng contractions even before they go into active labor. Iyon ‘yong tinatawag natin na false labor contractions o the Braxton Hicks contraction.”

Ito ay dahil ang uterus ng babae ay gawa sa muscle fiber na malayang humahaba o lumalapad. Nakadepende ito sa stage ng iyong pagbubuntis at kung gaano kalapit nang lumabas ang iyong baby.

Ang tawag sa uri ng contraction na ito ay nagmula kay Dr. John Braxton Hicks, isang manggagamot na kung saan nagbigay nitong pangalan.

Nararanasan ang Braxton Hicks sa anumang yugto ng pagbubuntis. Ngunit nararamdaman lang ang paninigas ng tiyan ng buntis dulot ng Braxton Hicks nang todo pagsapit ng 2nd o 3rd trimester ng ina.

Kilala rin ang Braxton Hicks bilang “false labor” dahil maraming nanay ang nag-aakalang sila ay manganganak na kapag nararanasan ito.

Isa sa pagunahing pagkakaiba ng dalawa, ang Braxton Hicks ay bigla na lang mararamdaman at hindi masakit.

buntis na may hawak ng orasan - paninigas ng tiyan ng buntis

Paninigas ng tiyan ng buntis sa huling buwan: Senyales na ba ng panganganak? | Image from Dreamstime

4 na sintomas ng Braxton Hicks contractions

Ani Doctor Tan, mayroong mga pahiwatig na makapagsasabi kung anong klaseng contractions ang nararamdaman ng buntis. Sa pamamagitan ng mga senyales na ito ay malalaman kung bakit tumitigas ang tiyan ng buntis.

1. Dalas ng contractions

“One good way to tell the difference is to time your contractions. Pansinin o i-record kung gaano katagal ang simula ng naunang contraction hanggang sa simula ng susunod na contraction.”

Ayon kay Dr. Tan, kailangan bantayan at bilangin ito ng buntis sa loob ng isang oras.

“True labor contractions are regular at kapag tumatagal ay naglalapit-lapit [ang mararamdaman na contractions]. Compared to false labor contractions na walang regular interval.”

Ang totoong contraction ay regular at tuluy-tuloy na paninigas at pagsakit ng tiyan. Kapag ito ang naramdaman, dapat nang ipaalam sa iyong health care provider upang ikonsulta kung ano ang maaaring gawin.

2. Nawawala ito kapag nagbabago ng posisyon o nagpapahinga

Bukod sa dalas ng contraction, isa pang pahiwatig na Braxton Hicks contraction ang nararamdaman ng buntis ay ang posisyon ng pag-upo o pag-higa ng buntis.

Ani Dr. Tan, kailangan obserbahan kung mawawala ba ang paninigas ng tiyan kung magbago ng posisyon ang buntis.

“Nagbabago ba ang contraction with movement? Ang false labor contractions ay maaring tumigil kapag nagpapahinga ka. Kapag nag-change ng position ang buntis. Kapag gumalaw ‘yong buntis. While true labor contractions, tuloy-tuloy ‘yan kahit na nagpapahinga o gumagalaw ‘yong buntis.”

3. Lakas ng contractions o paninigas ng tiyan ng buntis

Samantala, ang panghuling kailangan obserbahan sa paninigas ng tiyan ng buntis ay ang lakas o intensity nito.

“Ang true labor contractions ay palakas nang palakas. While false labor contractions, pupuwedeng mahina at hindi lalakas o mag-start sila ng medyo malakas then later hihina,” saad ni Dr. Tan. 

4. Pinanggagalingan ng paghilab

Kung may pananakit na nararamdaman, importante na obserbahan kung saan nanggagaling ang sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis.

Ani Dr. Tan, “Some of my patients say na pagka-true labor contractions siya, the pain actually starts from the back then it moves forward. Compared to false labor contractions, patients mostly complain pain sa harapan, sa bandang puson.” 

BASAHIN:

STUDY: Stress sa pagbubuntis, maaaring may epekto sa brain development ni baby

#AskDok: Wala ba talaga akong mararamdaman kapag gumamit ako ng anesthesia sa panganganak?

#AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

Ano ang pakiramdam na makaranas ng Braxton Hicks?

Makakaramdam ka ng mga sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis tulad ng paninikip at paninigas ng tiyan. Hindi ito masakit ngunit maaaring magdulot ng hindi komportableng pakiramdam.

Mararamdaman mo ang Braxton Hicks kung ipapatong mo ang iyong kamay sa iyong tiyan. Ang iyong uterus ay tumitigas at humihigpit. Kung mahigpit na damit naman ang iyong suot, maaaring mapansin ang contraction sa iyong tiyan.

pagkakaiba ng braxton hicks at contractions - paninigas ng tiyan ng buntis

Paninigas ng tiyan ng buntis sa huling buwan: Senyales na ba ng panganganak? | Image from Supplied

Kailan ko mararamdaman ang Braxton Hicks contraction?

May ibang babae na nararanasan na agad ito sa kanilang unang trimester. Subalit karamihan ay nararamdaman ang paninigas ng tiyan ng buntis sa 2nd at 3rd trimester nila. Maaari rin itong maramdaman tuwing:

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!
  • Pagtayo pagkatapos umupo
  • Pagkatapos makipagtalik o orgasm
  • Pagkatapos umihi
  • Karaniwan itong nararamdaman sa gabi o pagkatapos ng mahabang araw na ikaw ay pagod

Ano ang gamot sa Braxton Hicks contraction?

buntis na nagsasalin ng tubig - paninigas ng tiyan ng buntis

Paninigas ng tiyan ng buntis sa huling buwan: Senyales na ba ng panganganak? | Image from Freepik

Wala masyadong paraan para maiwasan ito. Ngunit narito ang mga maaaring makatulong sa ‘yo:

  • Pagligo na may maligamgam na tubig.
  • Pag-inom ng tubig.
  • Isang dahilan ng muscle contraction ang dehydration. Kaya naman panatilihing hydrated ang katawan. Uminom ng madaming tubig!
  • Pag-ihi ng madalas.
  • Magpalit ng posisyon. Kung ikaw ay nakatayo o naglalakad, subukang umupo at humiga. Ngunit sguraduhin lang na ikaw ay nakatagilid.
  • Maglakad.
  • Magpamasahe.
  • Iwasang magsuot ng mahihigpit na damit.

Pananakit ng tiyan ng buntis

Ngayong alam na natin kung bakit tumitigas ang tiyan ng buntis dahil sa Braxton Hicks at sa sintomas ng pagle-labor, ang pananakit naman ng tiyan ng buntis ang mahalaga ring pag-usapan. Normal ba sa buntis ang pagsakit ng tiyan?

Mayroong iba’t ibang dahilan ang pananakit ng tiyan ng buntis. Narito ang ilan sa mga ito:

Constipation

Karaniwang struggle rin ng mga buntis ang pagkakaroon ng constipation. Ilan sa mga dahilan ng constipation sa buntis ay:

  • Pagbabago sa hormones
  • Kakulangan sa fiber
  • General anxiety
  • Kakulangan sa ehersisyo

Maaaring magdulot ng matinding pagsakit ng tiyan ng buntis ang constipation. Puwedeng malunasan ang constipation sa pamamagitan ng:

  • Pagdadagdag ng fiber sa diet
  • Pag-inom ng sapat na dami ng tubig.

Mahalagang uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig kada araw ang buntis. Kung nais namang gumamit ng stool softener, kumonsulta muna sa iyong doktor dahil hindi lahat ng stool softener ay ligtas para sa mga buntis.

Round ligament pain

Puwedeng magdulot ng matinding pananakit ng tiyan at balakang ng buntis ang pagkabanat sa dalawang large ligaments na matatagpuan sa uterus patungong groin area. Habang lumalaki kasi ang baby bump ay nababanat ito kasabay ng pagka-stretch ng uterus.

buntis na nakatayo sa kama - paninigas ng tiyan ng buntis

Larawan mula sa Pexels kuha ni Cotton Bro

Mas matindi ang sakit nito tuwing nababahing, umuubo, o kaya ay nagbabago ng posisyon sa pagkakaupo o paghiga.

Para maiwasan ang pananakit ng tiyan dulot ng pagkabanat ng ligament maaaring gawin ang mga sumusunod:

  • Ibaluktot ang hips sakaling nauubo o nababahing
  • Dahan-dahang gawin ang pagbangon sa higaan o pagtayo mula sa pagkakaupo.
  • Mag-stretching araw-araw

Kabag

Ang kabag o gas pain sa buntis ay maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, likod at dibdib.

Nakararanas ng gas pain ang mga buntis dahil sa pagtaas ng progesterone level. Dahil sa progesterone, nagre-relax ang muscles ng bituka kaya tumatagal ang pagdaloy ng pagkain patugo sa intestines. Nagtatagal ang pagkain sa colon kaya naman nade-develop ang gas na siyang nagpapasakit sa tiyan ng buntis.

Lifestyle change ang makakatulong para maiwasan ang gas pain during pregnancy. Iwasang kumain at uminom ng mga sumusunod:

  • carbonated beverage
  • prito at mamantikang pagkain
  • beans
  • repolyo

HELLP syndrome

Tumutukoy ito sa kalagayan kung saan ay mayroong hemolysis, elevated liver enzymes, at low platelets ang buntis. Delikado ang kondisyon na ito at nangangailangan ito ng agarang pagkonsulta sa doktor.

Hindi tiyak kung paano nagkakaroon ng ganitong uri ng pananakit ng tiyan ang buntis. Ayon sa Healthline, karaniwan itong nade-develop matapos ma-diagnose na mayroong preeclampsia. Subalit kahit ang mga babaeng walang preeclampsia ay puwede pa ring makaranas nito.

Agad na kumonsulta sa inyong doktor kung makaranas ng mga sumusunod pa sintomas bukod sa pananakit ng tiyan:

  • pagdurugo
  • pagkamanas
  • pananakit ng ulo
  • panlalabo ng paningin
  • pagsusuka at pagkahilo
  • matinding pagod o fatigue

Banta sa buhay ng buntis at ng baby ang kondisyong ito kaya naman mahalagang ipaalam sa doktor kung nakararanas ng HELLP syndrome.

Iba pang kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan sa buntis:

  • kidney stones
  • placental abruption
  • miscarriage
  • Urinary tract infections
  • Appendicitis
  • Food allergies
  • Stomach ulcer
  • Preeclampsia
  • Ectopic pregnancy
  • Stomach virus

Tandaan

Kung ikaw ay may alinlangan o iba pang katanungan, ‘wag mag-atubiling magpatingin sa iyong doktor.

Ano mang uri ng pananakit ng tiyan ang nararanasan mahalaga ang pagpapatingin sa doktor. Sa pamamagitan nito malalaman mo kung normal ba sa buntis ang pananakit ng tiyan na iyong nararanasan. Samantala, maaaring gamiting gabay ang mga nabanggit sa itaas para sa pagbibigay detalye sa iyong doktor ng iyong mga nararamdaman.

 

Jane Barry has qualifications in general, paediatric, immunisation, midwifery and child health nursing. She holds a Bachelor Degree in Applied Science (Nursing) and has almost 30 years specialist experience in child health nursing. She is a member of a number of professionally affiliated organisations including AHPRA, The Australasian Medical Writer’s Association, Health Writer Hub and Australian College of Children and Young People’s Nurses.

With additional information from KidSpot and republished on theAsianparent with permission.

Translated in Filipino by Mach Marciano with additional interview by Candice Lim-Venturanza

Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan

Healthline, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

kidspot

Maging Contributor

Inedit ni:

Jobelle Macayan

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • #AskDok: Paninigas at pananakit ng tiyan ng buntis, normal ba?
Share:
  • #AskDok: Paano malalaman kung false labor lang o manganganak na base sa paghilab ng tiyan?

    #AskDok: Paano malalaman kung false labor lang o manganganak na base sa paghilab ng tiyan?

  • #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

    #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • #AskDok: Paano malalaman kung false labor lang o manganganak na base sa paghilab ng tiyan?

    #AskDok: Paano malalaman kung false labor lang o manganganak na base sa paghilab ng tiyan?

  • #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

    #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.