STUDY: Pagkain ng breakfast, mas nakakataba para sa mga gustong mag-diet

lead image

Narito ang dahilan kung bakit importanteng kumain ng breakfast tuwing umaga.

Paraan para pumayat, iyan din ba ang hanap mo? Narito ang bagong balitang may kaugnayan sa pagbabalik-alindog mo.

Paraan para pumayat: effective nga ba ang hindi pagkain sa umaga

Image from Pixabay

Ayon sa mga naunang pag-aaral, ang pagkain ng agahan o breakfast sa umaga ay nakakatulong sa weight loss o pagbabawas ng timbang. Samantalang, ang hindi pagkain sa umaga naman ay maaring magpataba pa lalo sa isang tao.

Pero ang pahayag daw na ito ay walang matibay na ebidensya, ayon sa isang bagong pag-aaral na inilathala sa medical journal na BMJ.

Ito ay napag-alaman matapos pag-aralan ng mga researcher ng bagong pag-aaral ang mga data mula sa 13 randomized controlled trials na ginawa sa nakaraang tatlong dekada tungkol sa ugnayan ng breakfast at weight loss.

Ayon sa kanilang analysis, ang mga taong kumakain ng breakfast ay nagco-consume ng mas mataas na bilang ng calories sa isang araw. Umaabot nga daw sa 260 calories o higit pa ang lamang ng calorie intake ng mga breakfast eaters kesa sa mga breakfast skippers.

Napag-alaman rin nilang ang mga breakfast eaters ay 0.44 kilograms o 15.5 ounces na mas mabigat kumpara sa mga hindi nag-aagahan.

Pero paalala ng mga researcher ng bagong review, hindi naman nangangahulugan ito na hindi na maganda sa kalusugan ang pagkain ng breakfast sa umaga. Kailangan lang maging maingat sa pagpili sa pagkaing kakainin lalo na sa mga nagpapayat.

Kahalagahan ng pagkain ng breakfast sa katawan

Ang pagkain ng breakfast ay napakaimportante lalo na sa mga bata dahil ito ay nakakatulong upang maimprove ang concentration at attentiveness ng isang tao.

Ang breakfast rin ang nagbibigay ng energy na kailangan natin sa buong araw.

Ang energy nga mula rito ay nakakatulong upang mas makapili ang isang tao ng healthy food choices. Kesa sa mga hindi kumakain ng agahan na nakakaramdam ng grabeng pagkagutom sa tanghalian.

Ito ang nagiging dahilan para kumain ng mga pagkaing hindi maganda sa kalusugan lalo na sa mga nagpapayat ng katawan. Ayon iyan kay Leigh Tracy, isang registered dietitian sa Mercy Medical Center sa Baltimore.

Ayon naman kay Dr. Suzy Weems, isa paring registered dietitian at professor ng family and consumer sciences sa Baylor University, Texas, ang pagkain ng breakfast ay may kaugnayan rin sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Dahil sa tulong nito ay mas bumababa ang tiyansa ng isang tao na magkaroon ng mga sakit gaya ng heart disease at diabetes.

Dagdag pa ni Dr. Weems, ang pagkain ng breakfast ay maari ring maging isang paraan para pumayat. Ang kailangan lang ay piliin ang tamang uri ng pagkain para maachieve ito.

Pagkain ng breakfast bilang paraan para pumayat

Di pagkain ng breakfast effective bang paraan para pumayat

Image from Pexels

Ayon kay Rahaf Al Bochi, isa pang registered dietitian at spokesperson ng Academy of Nutrition and Dietetics, ang pagkain ng masustansiyang pagkain lalo na sa agahan ay hindi lang nakakasuporta sa good overall health ngunit pati sa narin sa weight management.

Ilan nga sa mga dapat alalahanin sa pagpili ng pagkain lalo na sa agahan ay ang sumusunod:

Kumain ng fiber at protein rich food.

Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa protein gaya ng itlog at mayaman sa fiber gaya naman ng oatmeal at whole-grain cereal ay magandang paraan para magbawas ng timbang. Dahil ang mga pagkaing ito ay sina-satisfy ang appetite ng isang tao at mas nagbibigay ng mas matagal na pakiramdam ng pagkabusog.

Kumain ng mga prutas at gulay.

Para naman sa dagdag vitamins at fiber ay ugaliin ring kumain ng prutas at gulay sa agahan. Isang magandang alternatibo rin ito sa mga pagkaing mataas ang calorie content na kadalasang makikita sa isang breakfast meal.

O kaya naman ay maari mo rin itong idagdag sa iyong breakfast para ito ay mas maging healthy. Tulad nalang ng isang mansanas at isang slice ng string cheese o kaya naman isang hard-boiled egg na pinarisan ng carrot at celery slices.

Tingnan ang calorie content ng isang pagkain.

Maraming breakfast food ang loaded ng hidden calories. Kaya kailangang alamin ang calorie content ng bawat pagkain na kinakain.

Ang simpleng pagdagdag ng prutas sa isang smoothie at protein prowder ay nakadagdag na agad ng calorie content ng iyong kinakain. Ganoon din ang sobra sa recommended serving size nito.

Pero para mas maliwanag at maintindihan ang kinakailangang calorie intake ng iyong katawan ay mas mabuting magtanong muna sa iyong doktor o dietitian. Dahil ayon kay Dr. Weems, ang calories na kailangan ng isang katawan ay nakadepende sa height, weight, weight loss goals at activity level ng isang tao.

Pumili ng pagkain na tutugma sa iyong lifestyle.

Kung hindi sanay sa pagkain ng breakfast ay maaring maghanda nalang ng grab-and-go breakfast na maaring dalhin sa trabaho.

Ilan sa mga breakfast-on-the-go ideas na maaring gawin ay ang mga ito:

  • Saging na balot sa whole wheat tortilla na may dalawang tablespoon ng peanut butter.
  • Smoothie na gawa sa berries, low-fat yogurt, yelo at tubig.
  • Instant oatmeal

Kung lagi namang nagmamadali sa umaga ay pwede mo ring planuhin ang kakainin mo sa iyong breakfast ahead of time.

Tulad nalang ng paggawa ng egg casserole na may gulay na maari mong itago sa ref at kainin bilang breakfast sa mga susunod na mga araw. Ayon parin iyan kay Dr. Weems.

Bagamat wala paring malinaw na ebidensya na maaring makapagpayat ang pagkain sa umaga, marami namang health benefits ang pagkain ng balanced breakfast na hindi natin dapat balewalain.

 

Sources: WebMD, HealthLine
Photo by NeONBRAND on Unsplash

Basahin: Diet soda, mas nakakataba para sa mga babae

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!