Ang malusog na kuko ay makinis, at walang spots o discoloration. Samantala, ang patay na kuko ay maaaring cracked, marupok, o kaya naman ay nangingitim o naninilaw. Maaaring senyales ng isyung pangkalusugan ang pagkakaroon ng patay na kuko.
Sanhi ng patay na kuko
Larawan mula sa Pexels kuha ng Rocektmann team
Ang pagkakaroon ng patay na kuko o cracked nails in English ay mayroong iba’t ibang sanhi. Para malaman kung paano ito lunasan, mahalagang alamin kung anong dahilan ng pagkakaroon ng patay na kuko.
1. Aging
Ito ang pinakakaraniwang rason kung bakit nagkakaroon ng patay na kuko. Habang tumatanda ang tao, unti-unting numinipis ang kuko at madalas na humahantong sa pagkasira nito.
Karaniwan ito sa mga babaeng nasa edad 60 pataas pero maaari ring magkaroon ng patay na kuko ang kalalakihan. Kapag may kaugnayan sa pagtanda ang pagkakaroon ng patay na kuko mapapansin din ang pagbabalat sa paligid ng kuko.
2. Harsh nail products
Maaaring sanhi rin ng patay na kuko ang mga nail polish at nail polish remover na may matatapang na kemikal. Kung madalas na gagamit nito ay lalong rurupok at matutuyo ang mga kuko na magiging sanhi ng pagkasira nito.
Kung nail products ang rason ng patay na kuko, maaari ding mapansin ang pagbabago sa kulay ng kuko o paninilaw ng kuko.
Maaaring makaapekto sa kuko sa kamay at paa ang sakit na psoriasis. Puwedeng magkaroon ng psoriasis sa kuko at maaari ring magkaroon ng pamumula sa ibang bahagi ng iyong katawan. Maaari itong magdulot ng mga sumusunod:
- Tiny pits sa iyong nail bed
- Pamumuti, paninilaw o pagiging kulay brown ng iyong mga kuko
- Pagkatanggal ng kuko
- Crumbling nails
- Pamumula ng nail bed
Kailangan ng katawan ng iron para makagawa ng healthy red blood cells na magdadala sa oxygen sa mga tisyu ng katawan. Kung hindi sapat ang daloy ng oxygen sa iyong katawan, maaaring ikaw ay may anemia.
Isa ang pagkakaroon ng patay na kuko sa sintomas ng anemia. Maaari ding tumaas ang tsansa ng pagkakaroon ng anemia kung ikaw ay buntis, may cancer, o may ulcer. Ang ilan pa sa mga sintomas ng anemia ay ang mga sumusunod:
- Fatigue o labis na pagod
- Kinakapos sa paghinga
- Maputlang balat
- Malalamig na kamay at paa
- Masakit at namamagang dila
- Cracks sa gilid ng bibig
5. Thyroid disease
Ang thyroid ay ang ang gland sa iyong leeg. Lumilikha ito ng hormones na kumokontrol sa mga gawain ng katawan tulad ng paghinga at pagtibok ng puso. Maaaring may hypothyroidism ka kung hindi makalilikha ng sapat na hormones ang iyong thyroid.
Kung hypothyroidism ang sanhi ng patay na kuko, maaari mo ring maranasan ang mga sumusunod:
- Marupok na mga kuko na madaling masira o mabiyak
- Pamamaga ng binti
- Pamamaga sa paligid ng mata
- Makating balat
- Pagnipis ng buhok at pagkapanot
- Yellow-orange skin sa palad at sa talampakan
- Namamanas na mukha
Larawan mula sa Shutterstock
Puwedeng mapasok ng yeast o mold ang iyong kuko at magdulot ng impeksyon. Karaniwan ito sa mga kuko sa paa at tinatawag itong onychomycosis. Maaari ring magdulot ng mga sumusunod ang fungal infections:
- Kulay dilaw, brown o putting kuko
- Mangangapal ng kuko
- Kuko na nakahiwalay sa nail bed
7. Biotin deficiency
Hindi ito pangkaraniwang kondisyon ngunit maaaring maging sanhi ng patay na kuko ang kakulangan sa Vitamin B7 o Biotin. Kabilang sa mga sintomas nito ay:
- Pagnipis o paglalagas ng buhok
- Mapulang rashes sa paligid ng mata, ilong, o bibig
- Pinkeye o conjunctivitis
- Depresyon
- Panghihina
Kapag palaging basa o madalas na nababasa ang iyong kuko sa paa at kamay, maaari din itong maging sanhi ng pagkakaroon ng patay na kuko.
Paano buhayin ang patay na kuko
Larawan mula sa Unsplash kuha ni Giorgio Trovato
Makatutulong ang pagbabago sa lifestyle para mapatibay ang kuko, gumaling at maiwasan ang pagkakaroon ng patay na kuko. Narito ang ilang tips para mapanatiling buhay ang kuko:
-
Mag-take ng biotin supplement.
Ito ay water-soluble vitamins na kailangan ng katawan. Makatutulong ito para tumibay ang kuko, gumanda ang buhok, at mag-function nang maayos ang nervous system.
Makukuha ito sa pagkain ng sardinaas, lutong itlog, legumes, o kaya naman ay sa pag-take ng vitamin B supplement. Kumonsulta sa iyong doktor kung anong magandang biotin supplement ang kaniyang mairerekomenda.
-
Limitahan ang exposure sa tubig.
Ang labis na pagkababad ng kuko sa tubig ay maaaring maging rason upang ito ay rumupok at masira. Maaaring magsuot ng gloves tuwing maglalaba at maghuhugas ng plato.
Uminom nang sapat na dami ng tubig. Kung walang sapat na moisture, maaaring maging marupok ang iyong mga kuko at madaling mabiyak at masira.
-
Siguraduhing kumakain ng masusustansyang pagkain at mag-take ng multivitamins na may minerals.
Ang diet na kulang sa mahahalagang vitamins at minerals ay makaaapekto sa buong katawan kabilang na ang kuko.
-
Maging maingat sa ginagamit na produkto.
Iwasan ang mga nail products na may matatapang na kemikal. Ang nail polish remover na may acetone content ay nakasasama sa kuko. Maaaring gumamit ng acetone-free polish remover.
-
Iwasang gumamit ng gel o acrylic nails hangga’t maaari.
Ang madalas na paggamit nito ay maaaring magsanhi ng pagbalat ng iyong kuko at pagrupok nito. Kung kailangang gumamit nito, tiyaking aalisin din kapag di na kailangan.
-
Panatilihing maikli ang kuko dahil ang mahabang kuko ay mas mataas ang tsansang mabiyak kapag nasanggi.
-
Maglagay ng lotion sa iyong kuko at sa paligid nito.
Makatutulong ito para ma-moisturized ang kuko at balat. Maaari itong gawin tuwing pagkatapos maghugas ng kamay o paa.
-
Dapat na sa isang direksyon lang ang pag-file ng kuko.
Makasasama sa kuko ang pag-file dito nang back-and-forth motion.
-
Kung maglilinis ng bahay, magsuot ng rubber gloves para hindi magkaroon ng direktang contact ang iyong kuko at ang kemikal na panlinis ng bahay.
-
Kung anemia ang dahilan ng pagkakaroon ng patay na kuko, maaaring uminom ng iron supplement.
Ipaalam sa doktor ang planong pag-inom nito upang makahingi ng rekomendasyon kung anong iron supplement ang dapat mong inumin.
Pinakamahalagang kumonsulta sa inyong doktor kung sakaling may mapansing kakaiba sa iyong kuko. Importanteng malaman ang underlying issue ng patay na kuko para malapatan ito ng tamang paggamot.
Gamot sa nasisira ang kuko: Home remedies para sa patay na kuko
Larawan mula sa Pexels kuha ni Marta Branco
Narito ang ilan sa mga home remedy na maaaring makagamot sa marupok at patay na kuko:
Mayroon itong healthy fatty acids na makatutulong para ma-moisturize at mapatibay ang marupok na kuko. Magpainit ng isa hanggang dalawang teaspoon ng coconut oil.
Kapag medyo mainit na ang langis ay ipahid ito sa kuko at banayad na masahehin ito nang apat hanggang anim na minuto. Makatutulong ito para mapabuti ang circulation ng dugo at mapanatili ang moisture sa kuko. Gawin ito ng tatlong beses sa isang araw para sa mas magandang resulta.
Sagana sa mga essential nutrient ang apple cider. Kabilang sa mga nutrisyong ito ay ang potassium, iron, magnesium, calcium at iba pang vitamins. Makatutulong din ang acid content nito bilang antifungal infections.
Paghaluin ang apple cider vinegar at tubig at ilublob ang paa rito nang ilang minuto. Pagkatapos ay dahan-dahang itulak ang cuticles.
3. Tea Tree Oil
Makatutulong ang strong antiseptic propertis ng tea tree oil para gamutin ang patay na kuko na sanhi ng fungal infections. Nakagagamot din ito ng discolored nails at nakakatulong sa pag-repair ng nasirang kuko.
Ihalo ang tea tree oil sa vitamin E oil at i-massage sa mga kuko. Hayaan ito sa iyong kuko nang 20 minuto at banlawan pagkatapos. Tuyuin ang paa o kamay at lagyan ng moisturing cream.
4. Lemon juice
Matatanggal nito ang kakaibang kulay sa kuko dulot ng pagkasira nito. Mayroong vitamin C at antioxidants ang lemon na makatutulong na tumibay ang mga kuko.
Paghaluin ang isang kutsarang lemon juice at tatlong kutsarang olive oil, initin ito hanggang maging maligamgam. Ipahid ang solution sa patay na kuko gamit ang cotton swab. Gawin ito bago matulog at hayaang nakababad sa mga kuko magdamag.
5. Sea Salt
Maraming essential minerals ang asin na makatutulong para tumibay ang mga kuko. Paghaluin ang 2 kutsarang asin at lemon essential oil, at wheat germ oil. Haluin nang maigi at ilagay sa kuko nang 15 minuto. Banlawan ito gamit ang maligamgam na tubig.
Mayroong potent antifungal, antiviral, at antibacterial properties ang turmeric. Makatutulong ito para maibsan ang pananakit ng patay na kuko sa paa man o kamay.
Pahiran ng turmeric paste ang patay na kuko at hayaan itong matuyo Pagkatapos ay banlawan ito ng tubig at tuyuin gamit ang malinis na bimpo. Gawin ito araw-araw hanggang natural na gumaling ang patay na kuko.
Mahalaga ring panatilihing malinis at tuyo ang iyong mga kuko para maiwasan ang pagkasira nito.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!