X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Ano ang pills na para sa 'yo at paano ang tamang paggamit nito?

10 min read

Pills para hindi mabuntis? 

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga iba’t ibang uri ng puwedeng gamiting contraceptive pills para hindi mabuntis
  • Paano gumamit ng pills at ang iba pang mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol dito

Mga uri ng puwedeng gamiting contraceptive pills para hindi mabuntis

Ang birth control pills ang isa sa mga uri ng contraceptive methods na maaaring gamitin para mapigilan ang pagbubuntis. Ito ay isang uri ng medikasyon na iniinom at sinasabing 99% effective para masigurong maiiwasan ang hindi planadong pagdadalang-tao.

Ayon kay Dr. Arlene Ricarte Bravo, active consultant OB-Gyne sa Makati Medical Center, ang mga birth control pills ay may tatlong uri. Ito ay ang combination pills, progestin-only pills at emergency contraceptive pills na narito ang pagkakaiba.

Combination pills

Ang unang uri ng birth control pills na ginagamit ng maraming kababaihan dito sa Pilipinas ay ang combination pills. Ito ay ang uri ng pills na nagtataglay ng mga combined hormones na estrogen at progesterone.

Sa pag-inom ng combination pills ay napipigilan nito ang iyong katawan sa pag-oovulate. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpigil ng pills na mag-release ng egg ang iyong ovaries.

Pinapakapal din nito ang iyong cervical mucus para mahirapan ang sperm na mag-travel sa iyong uterus at makapag-fertilize ng egg.

Pero maliban sa pagpigil ng pagbubuntis, ang mga new generation combination pills sa ngayon ay may naitalang magandang epekto sa mga babaeng gumagamit nito.

Pagpapaliwanag ni Dr. Bravo,

“'Yung mga first generation and second-generation mataas 'yung dosage ng estrogen at medyo crude 'yung component ng progesterone." "So maraming nararamdamang side effect ang mga gumagamit. While yung mga 3rd generation and 4th generation pill mababa na 'yung dosage ng estrogen component and at the same time maganda 'yung progesterone na kasama. "In that way, wala siya masyado side effect ng mga headache, breast tenderness, water retention and nausea o vomiting.” “At meron pa itong mga karagdagang benefit aside from contraception which is magiging anti-acne na rin siya.  Pampaganda, hindi nakakataba at the same time light lang siya.”

Progestin-only pills

pills para hindi buntis

Photo by Reproductive Health Supplies Coalition on Unsplash

Pero para sa mga babaeng nagpapasuso, hindi inirerekumenda ang paggamit ng combination pills. Sapagkat sa ito ay may taglay na estrogen na maaaring makaapekto sa kanilang milk supply.

Ang inirerekumenda para sa kanila ay ang tinatawag na progestin-only pills na safe rin sa kanilang pinapasusong sanggol. Bagama't hindi tulad ng combination pills ay hindi maganda ang mga naitalang epekto sa babaeng gumagamit nito.

Ayon kay Dr. Bravo,

“'Yung pills naman na para sa nag-breastfeed dahil hindi pwedeng ma-receive ng baby 'yung component na estrogen, so purely progesterone so iyon walang kasamang anti-acne. Minsan may side effect na nag-spotting ka kasi purely progesterone. And then there is some kind of water retention and then the feeling ng umiinom e parang bloated ka.”

Emergency contraceptive pills

Ang pangatlong uri ng birth control pills ayon pa rin kay Dr. Bravo ay ang tinatawag na emergency contraceptive pills. Hindi tulad ng combination at progestin-only pills, ang emergency contraceptive pills ay iniinom lang matapos makipagtalik.

Subalit dapat ito ay nasa loob lang ng 72-hour window matapos makipag-sex. Sapagkat kung hindi ay hindi na eepekto at maaaring hindi na mapigilan pa ang pagdadalang-tao.

Pero ang pills para hindi mabuntis na ito ay hindi inirerekumendang gamitin dito sa Pilipinas. Ito ang paliwanag ni Dr. Bravo kung bakit.

Bakit hindi ito available sa Pilipinas?

“Unang-una by law, hindi tayo pabor sa emergency contraceptive pill 'yung tinatawag na plan B. So 'yung plan B is halimbawa hindi ka umiinom ng oral contraceptive pills tapos nagkaroon ka ng unprotected sex." "Natatakot ka na baka bigla kang nag-ovulate, bigla kang mabuntis. Syempre iniisip mo mag-take ng emergency contraceptive pills. Iyon ay iniinom sa first 72 hours from the time na nakipagtalik ka. Within that period pwede kang uminom.” “Ang ginagawa noon may affect siya sa doon sa bahay bata, may effect siya doon sa ovary. Halimbawa ininom mo siya tapos nauna na 'yung pagme-meet ng sperm saka egg." "Ang ginagawa noon ay pinapabagal 'yung pag-travel ng fertilized egg and sperm pwede kang magkaroon ng ectopic pregnancy, so kung nalate ang pag-inom ng morning after pill ayan ang posibleng mangyari.” “High dose kasi ito ng progesterone yung Levonorgestrel na component. So single dose is 3 grams. 'Yung 3 grams mataas 'yun so ang side effect noon pwede kang magsuka, pwede kang mahilo, headache, mga ganoon. 'Yung iba pagkatapos uminom ng morning after pill napupunta sa emergency room.”

Paano ang tamang paggamit ng pills?

Ayon kay Dr. Bravo, sa paggamit ng pills, ang unang hakbang na dapat gawin ay ang magpakonsulta muna sa isang doktor. Ito ay upang matukoy niya ang pills na aangkop sa babaeng gagamit nito.

Ito ay maaaring i-base sa kaniyang edad at pangangailangan. Higit sa lahat sa kaniyang health condition na maaaring maapektuhan ng pag-inom niya nito.

“'Yung mga OB-Gyne na kokonsultahin ninyo tine-tailor fit 'yan based on ano ba yung edad mo. ano yung mga acitivity mo. At ano ang mga comorbidities mo like may hypertension ka ba o diabetes ka ba.”

Dagdag pa niya,

“Kasi kung halimbawa 'yung isang pasyente sinabi ng kaibigan niya na o mag-pills ka para hindi ka mabuntis. Hindi niya alam na may contraindications pala sa kaniya ang pag-inom ng pills. Puwede nalang siyang mag-stroke. Puwedeng buntis pala siya tapos nag-pills siya, kasi may effect 'yung pills sa namumuong baby. Iyong mga ganoon. Kaya dapat directed 'yun by the obstetrician.”

BASAHIN:

Iba’t ibang uri ng family planning method at gaano ka-epektibo ang mga ito

Paano maiiwasan ang pagbubuntis gamit ang Calendar Method?

Birth Control Pills: Ang mga epekto kapag tumigil kang uminom nito

Kailan dapat magsimulang uminom ng pills?

pills para hindi buntis Photo by C Technical from Pexels 

Para sa mga babaeng nais gumamit ng combination pills, ito ay maaring simulang inumin anumang araw basta’t sigurado siya na hindi siya nagdadalang-tao. O siya ay hindi gumawa ng anumang sexual activity sa nakalipas na dalawang linggo. Pahayag ni Dr. Bravo, “When we are talking about combination pills, as long as sigurado ka na hindi ka buntis pwede mag-start anytime. Pero kung hindi ka sigurado o pwede kang maging buntis o meron kang sexual activity 2 weeks before tapos hindi ka pa nagkakaroon ng menstruation, ang mas maganda hintayin mo muna yung buwanang dalaw mo tapos doon ka magsimula.” Samantala, para naman sa progestin-only pills, ayon sa DOH, inirerekumendang gamitin ito ng nagpapasusong ina 6 na linggo matapos ang panganganak. Habang para sa mga hindi nagpapasusong ina, ito ay dapat simulan agad bago pa man makaalis ang ina sa pinag-anakan niyang pasilidad. Bagama't sinasabing natural contraceptive ang breastfeeding, mas mainam umano kung sasabayan ito ng paggamit ng progestin-only pills. Lalo na kung nalalapit ng mag-6 months old si baby at magsisimula ng kumain ng solid foods. Sapagkat sa pagkakataong ito ay nababawasan na ang dalas ng pagpapasuso. Habang nadadagdagan ang tiyansa ng pagdadalang-tao.

Paano ang tamang pag-inom ng pills?

pills para hindi buntis People photo created by jcomp - www.freepik.com 

Para masiguro ang effectivity ng pills, ipinapayong inumin ito araw-araw sa parehong oras. Pero kung sakaling makalimot kang uminom on time ay may maaari ka namang gawin para masigurong mapigilan ang hindi inaasahang pagdadalang-tao. Paalala ni Dr. Bravo,

“Bawat brand ng pill, may tinatawag silang period na puwede mong ma-miss na nasa safe zone ka pa rin. Pero halimbawa, kung more than 12 hours mo ng hindi nainom 'yung pills may precaution ka ng gagawin. Halimbawa nakalimutan mo kahapon, ngayon naalala mo so nag-double ka ngayon isa sa umaga, isa sa gabi. Pero may precaution pa rin 'yun kasi baka during that 12-hour period baka bigla kang nangitlog o nag-ovulate tapos nag-contact kayo. Kaya ina-advise namin na nakalimutan uminom ng pill at magtatalik, mag-condom muna para may double proteksyon.”

In case may na-miss at buntis pala, dapat bang itigil agad ang pills?

pills para hindi buntis

People photo created by jcomp - www.freepik.com 

Sa oras naman umano na nalimutang uminom ng pills at nabuntis, payo ni Dr. Bravo ay agad na itigil ang pag-inom ng pills. Bagamat hindi naman ito banta sa pagdadalang-tao, maaari naman itong magdulot ng epekto sa development ng iyong sanggol.

“Immediately stop once they discovered na parang kapag nag-self test sila na double line 'yung test kit discontinue lang the pills. Wala namang mangyayaring masama. Kasi unang-una, hindi nakakalaglag 'yung pills, all the more nga na kakapit.”

Kapag naman halimbawa ayon kay Dr. Bravo na buntis ka at nakapagsimula ka na sa pag-inom ng pills kakapit umano ang baby kaysa maglaglag. Subalit ayon sa kaniya may epekto ito sa baby mo.

Paliwanag niya,

"Meron siyang tinatawag na feminizing effect kung 'yung combination pills ang ginagamit mo. Like for example lalaki ang anak mo mag-feminized kasi 'yung iniinom mo may estrogen kita. Pero nawawash-out naman niya it is just temporary. Kaya lang during organ development hindi natin alam. So kasi yung organ development is 8 weeks to 16 weeks of pregnancy kapag doon mo iniinom organ formation yun e. So pwedeng magkaroon ng feminizing effect dun."

Magmo-move ba ang monthly period kapag uminom ng pills?

Sa pag-inom ng pills, isa sa mga dapat asahan ay ang maaring mabago ang pagdating ng monthly period ng babaeng gagamit nito. Maliban nalang kung sisimulan ang pag-inom ng pills sa una, pangalawa o pangatlong araw ng kaniyang regla.

Ayon kay Dr. Bravo mayroon 28 na tabletas ang isang pack ng pills na iinumin mo sa ng 28 na araw, 21 umano roon ay active at 7 araw na inactive. Mayroon din umanong 24-4, kung saan sa 24 ay active, at apat naman doon ay inactive.

Ang isa ay 21 lamang tapos sa 7 araw wala kang iinumin. Kaya naman mag-iiba talaga umano ang cycle ng regla kung ang iniinom pills ay iyong 21 days pills lamang.

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

Paliwanag ni Dr. Bravo,

"So, kapag nagsimula ka ng 3rd week of your cycle so maiiba na yung menstruations mo kasi mag-memenstruate ka after that 21 days. 'Yung 7 days na tablet free ka doon ka magkakaroon ng menstruation.” “So maiiba na talaga kung kailan ka magkakaroon ng buwanang dalaw. The same with the 28-day regimen doon sa inactive pills sa the last seven days doon ka magkakaroon ng regla. Pero kung sinabay mo siya sa regla mo ng inumpisahan mo siya doon sa first, second and third day so hindi magbabago yung menstrual period mo. Susunod siya doon sa 28 to 32 days interval in between first day to first day," ani ni Dr. Bravo.

Paano kung naubos na ang isang pac ng pills at hindi pa nagkakaregla? Dapat bang magsimula ng panibagong pack pills?

Hindi rin naman umano dapat mabigla ang isang babae, kung hindi siya agad rereglahin matapos makaubos ng isang pack ng pills. Paliwanag ni Dr. Bravo, maaring maiba ang epekto ng pills sa mga babaeng gumagamit nito.

“Merong mga umiinom ng pills na malakas 'yung effect ng pills sa kanila, in such a way na hindi na-stimulate 'yung tinatawag na withdrawal bleeding.  So nangyayari ito sa mga progesterone only pill. Hindi ka talaga mag-eexpect na magkakaroon ka ng menstruation kasi progesterone-only lang siya.” “Now doon sa combination, may mga babae na konting-konti lang mag-menstruate doon sa dulo ng pill pack. Sometimes kapag 3 years 5 years sila ng umiinom hindi na talaga sila nagkakaroon ng menstruation. Ang advice as long as na sigurado ka na iniinom mo siya, wala kang namiss hindi siya dangerous.”

Muli paalala ni Dr. Bravo, bago gumamit ng contraceptive pills mabuting magpakonsulta muna sa isang doktor. Ito ay para malaman kung ano ba ang pills para hindi mabuntis na safe at angkop para sayo.

Si Dr. Arlene Ricarte Bravo ay active consultant OB-GYN sa Makati Medical Center. Siya rin ay miyembro ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society.

 

Source:

DOH, Planned Parenthood, WebMD

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • #AskDok: Ano ang pills na para sa 'yo at paano ang tamang paggamit nito?
Share:
  • #AskDok: Paano ang tamang pag-inom ng contraceptive pills?

    #AskDok: Paano ang tamang pag-inom ng contraceptive pills?

  • Contraceptive pills, mabisa bang gamot para hindi mabuntis?

    Contraceptive pills, mabisa bang gamot para hindi mabuntis?

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • #AskDok: Paano ang tamang pag-inom ng contraceptive pills?

    #AskDok: Paano ang tamang pag-inom ng contraceptive pills?

  • Contraceptive pills, mabisa bang gamot para hindi mabuntis?

    Contraceptive pills, mabisa bang gamot para hindi mabuntis?

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.