Safe ba sumakay ng bus ang buntis? Tignan itong isang pangyayari kung saan 34 katao ang nasugatan sa isang banggaan ng bus. Kasama na rito ang isang buntis na nakunan sa loob ng bus mismo.
Safe ba sumakay ng bus ang buntis?
Matapos ang banggaan na nangyari sa Singapore noong May 2018. Kung saan 34 katao ang nasugatan at isang buntis ang nakunan, nahatulan na ng 4 na linggong pagkakakulong ang 65-year old na driver ng bus. Ito ay dahil sa negligent driving.
Ayon sa report, ang driver ay magkakaroon ng dalawang kaso. Negligent driving leading to hurt at negligent driving leading to grievous hurt.
Bagama’t kaunti lang ang injuries na natamo ng buntis, pinaniniwalaan ng mga doktor na nakunan siya dahil sa stress. Dalawa ring matanda edad 64 at 89 years old ang lubhang nasugatan sa nasabing insidente.
Safe ba sumakay ng bus ang buntis? Motor at tricycle?
Ayon kay Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-Gyn,
“Hindi po safe na sumakay sa motor ang mga nagbubuntis dahil wala pong sapat na proteksyon ang mga motor. Delikado po ang direct impact sa tiyan ng isang buntis dahil pwede pong magkaroon ng abruptio placenta or ma detach ang inunan(placenta), pagdurugo sa loob ng tiyan (concealed hemorrhage), preterm labor or abortion. Wala pong enough studies/ guidelines kung nakakapag dulot ba ng miscarriages/preterm birth ang madalas na pag sakay ng motor.”
Bawal ba matagtag ang buntis?
“Hindi po safe na inangkas or isakay si baby sa motor dahil bukod sa walang sapat na external protection, hindi din kaya ng mga baby na umangkas na kagaya ng mga adults, wala din seatbelts kaya hindi po safe.”
Kung tricycle naman po yung sasakyan, safe po ba yun for pregnant moms and babies?
“In general, anuman pong sasakyan pag hindi tama ang pag gamit at hindi sumunod sa safety protocol (use of seatbelts, car seats, discipline, right attitude) hindi po safe.”
Anxiety at stress habang buntis
Itong mga pagbabago sa katawan ay isa lang sa mga dahilan kung bakit naii-stress ang babae tuwing nagbubuntis. Pero mayroon pang mga pressure mula sa kanilang paligid at minsan ay mga pagtatalo kasama ang asawa o di naman kaya ay stress mula sa trabaho.
Isang pag-aaral sa US ang nagsasabi na sa 2000 na buntis noong 2010, 16% lamang ang nagsabi na wala silang naranasang stress. At 78% naman ang nagsabi na nakaranas sila ng low to moderate amounts of stress. Ang naiwan na 6% ang nagsabi na nakaranas ng high amounts of stress.
Hindi naman masama ang stress. Sa katunayan, ito ay survival tool ng ating katawan na na-retain noong tayo ay nage-evolve pa. Pero ang stress reaction o ang mga chemical na nare-release ng iyong katawan sa tuwing nasa “fight or flight” situation ka ay ang delikado.
Ang sobrang adrenaline ay hindi nakabubuti sa katawan dahil ito ay naglalagay ng strain sa ating katawan.
Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists, ang stress ay isang independent risk factor para sa pre-term birth. Napag-alamang 4 times na mas at risk sa pre-term labor ang buntis kapag sila ay stressed.
Ito rin ay mayroong link sa mga iba pang komplikasyon tulad ng hypertension, low birth weight at kahit delayed neuropsychological development sa bata pag siya ay lumaki.
Sa mga ibang teorya naman ay sinasabing, ang mga excess cortisol na nire-release ng katawan tuwing stressed ang isang tao ay nagdudulot ng contractions na nagli-lead sa pre-term labor.
Ano ang dapat gawin para sa anxiety at stress habang buntis
1. Alamin kung kailan ka stressed
Maraming mga tests na ginagamit para matukoy ang level ng anxiety at stress habang buntis. Pero bukod dito, puwede ka ring magkaroon ng sariling measures dahil ikaw naman ang nakararanas nito.
Ang pag-acknowledge tuwing ikaw ay stressed ang makatutulong sa’yo. Kailangan ang social support sa mga ganitong pagkakataon. Natutulungan ka nitong ma-reduce ang stress, lalo na sa pagbubuntis. Dahil maraming pagbabago ang pagdadaanan mo, dapat mayroon kang nakakausap tungkol dito.
2. Lawakan ang iyong pag-iisip tungkol sa pagbubuntis
Importante na maintindihan mo ang realities ng pagbubuntis. Kung masyado kang naka-base sa mga nakikita mo sa social media kung saan ipinapakita lang ang mga idealized version ng pagbubuntis, lalo ka lang mahihirapan. Kung may mga pagkakataon na hindi mo nae-enjoy ang iyong pagbubuntis, hindi mo kailangang ma-guilty tungkol dito.
Ayos lang kung mayroon kang mga reklamo dahil mahirap ito. Challenging talaga ang pagbubuntis at walang masama sa pag-amin doon.
3. Magkaroon ng mga activities na tutulong sa iyong mag-relax
Mayroong dalawang klase ng relaxation — active at passive. Ang exercise ay isang halimbawa ng active relaxation. Ang mga low-intensity exercises katulad ng paglalakad ay isang magandang activity na i-maintain habang nagbubuntis.
Ang passive relaxation naman ay ang pagde-stress. Ito ay para sa mga panahon na pagod ka mula sa trabaho o pagod ka lang sa mga nangyayari sa iyo. Ito ay nagfo-focus sa iyong mental health. Puwede kang mag-meditate, deep breathing at iba-iba pang paraan.
Sa kabuuan, ang pagbubuntis ay isang physically demanding process para sa mga babae. Ang stress mula sa paligid ay isa sa mga malaking contributor sa stress reaction ng buntis. Kaya naman kung alam mo na ang iyong stressors, maiging iwasan na rin ito para masiguro ang healthy na pagbubuntis.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Translated with permission from theAsianParent Singapore
Basahin:
Buntis na ina pinatay sa harap ng kaniyang mga anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!